Alessandra De Rossi, aminadong pihikan sa role at hindi sanay sa buhay-sikat

PHOTOS: @mariahsantos23 on Instagram, Myrza Sison on YouTube

PHOTOS: @mariahsantos23 on Instagram, Myrza Sison on YouTube

Inamin ng aktres na si Alessandra De Rossi na magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin daw s’ya sanay sa buhay-sikat.

Sa online show na Tick Talk ng fashion model and writer/editor na si Myrza Sison kagabi, August 17, nagk’wento si Alex (nickname ni Alessandra) na hindi s’ya sanay sa atensyong ibinibigay sa kanya nga publiko ngayon. 

Kasunod ito nang pumatok sa takilya ang movie n’ya with Empoy Marquez na Kita Kita noong 2017, na sinundan naman ng Through Night & Day noong 2018 with Paolo Contis na bagama’t hindi pumatok sa mga sinehan ay biglang naging agaw-pansin nang mag-top trending ito sa Netflix during the quarantine.

Tila belatedly ay naa-appreciate ng mga tao ang talento ni Alex na kayang magtaguyod ng both heavy-drama and light-hearted comedic scenes.

But on her, Alex says she was never into the limelight thing. Kaya naman through the years, mga proyektong gusto lang niya ang ginagawa niya. Wala nga daw kasi sa mindset niya ang pagsikat.

“I never wanted to be successful or famous naman, e,” pagtatapat ni Alex sa online show ng kilalang si Miss Mryz. “Gusto ko lang masaya ako. Even when you said ang ganda ng filmography ko, talagang well-curated ’yon. Hindi basta-basta...Hindi basta-basta tumatanggap [ng projects]. So, wala doon ’yong 'famous,' obviously. Out ’yon.

Pero dahil nga piling-pili lang ang mga tinatanggap niyang projects, na karamihan ay indie, hindi rin daw n’ya masisi ang publiko, lalo na ng mga millennials, kung inaakala ng mga ito ngayon na nakilala lang siya dahil sa surprise hit na Kita Kita

“For millennials talaga, they don't know me, e,” lahad ni Alex sa zoom interview na naka-live sa Facebook at YouTube channel ni Myrza. “Wala, e. Namatay ang film industry, e...ang indie film industry, e.

“So ’yong indie films na ginagawa ko were only shown at selected cinemas, like six cinemas. So, hindi sila aware. Maybe they've heard of me pero they've never seen me. ’Yong ganu’n.”

Ani Alex, sanay siya na hindi siya kilala ng tao dahil hindi niya naman na-experience na ang mga pelikula niya ay nag-showing sa mainstream cinemas.

"So, noong Kita Kita, finally... Actually, it started sa Kung Sakaling Hindi Makarating. 'Yon na 'yong pinaka-mainstream na film ever which had 30 cinemas. Thirty lang. [Pero] ang dami no’n. Yey! And then, Kita Kita...So doon lang nila nakita ’yong ako.”

Sa pagbabalik-tanaw ni Alex, sa pelikulang Kita Kita lang daw niya naranasang magsabi sa promo na:  “Showing in over 200 cinemas.”

Akala ko joke s’ya,” natatawang tsika ng aktres. “Parang...first day-last day or two days, three days. Tapos...wala, e. Talagang nagdo-double up, nagdo-double up everyday. Sabi ko, 'Naku. Eto na 'yon. Natatakot ako.’”

Natatakot saan?” sundot ng host.

"Sumikat,” natatawang sagot ng kwela-in-real-life na si Alex.

Unlike other stars or wanna-be-stars na halos nagkakandarapang sumikat at gagawin kahit na ano mapansin lang, tila opposite nga nila si Alex. Tila ayaw niya sa pressure na kaakibat ng stardom.

“You will only know when you’re there how painful it is, well, for me,” matalinhagang dagdag ni Alex. “For some they celebrate it. Ako, I'm like, ‘Aaahhh...’”

Ani Alex, ang pag-arte lang daw talaga ang gusto niya sa pag-aartista ever since pero never daw n’ya inisip kailanman na karugtong nito ang pagiging sikat.

“Well, my only goal was to act,” esplika ng award-winning actress. “Wala sa isip ko ’yong, ‘Sisikat ka!’ Wala sa isip ko ’yong one day everyone will have their cellphones with cameras... Wala sa isip ko 'yon. Bata ako no’n e. Wala namang technology noon. Hindi ko 'yon naiisip no’n na parang darating ’yong time na 100 sila [na mga fans na dudumog sa’yo] tapos isa ka lang. And they all want a photo. And they all said, ‘One minute...One minute,’ and it’s like ‘Kaya ko pa ba? P’wede bang group [photo na lang]? Hahaha!”

Dagdag pa n’ya: “To think I’m not a superstar, ha. I’m not Piolo Pascual [level]. When I’m with Piolo para talaga s’yang meet and greet. ’Yong...’Haaaaa!’... Hahaha!”

Dagdag kwento pa ni Alex, na-inspire daw siya sa pelikulang Sarah Ang Munting Prinsesa noong bata pa s’ya kaya n’ya pinasok ang pag-aartista. 

Ang pinapanood ko nu’n ’yong Princess Sarah,” kwelang k’wento pa ni Alex. “Feeling ko ako si Princess Sarah. In my head, parang, ‘Ako si Princess Sarah. Hindi ako totoong anak ng mga magulang ko.’ Parang ganu’n ang feeling ko

“And then naging movie s’ya. Tapos sinabi, shi-nut s’ya sa Switzerland. Tapos, ako ’yong, ‘Wow! I could have been Princess Sarah. Paano ba mag-artista?’ Yon lang 'yong nasa isip ko, to be Princess Sarah...[and] to be a mermaid one day sa isang palabas. Pero wala sa isip ko ’yong mapapanood s’ya ng lahat ng tao.

Sa online show, inamin din ni Alex na may stage fright s’ya sa kabila ng mga pelikulang nagawa na n’ya before. Kahit daw sinubukan na rin niyang mag-stage play para sa kaibigang director na si Andoy Ranay, hindi raw nawala ang takot niya sa harap ng maraming manonood.

Pero ’yong first scene and then the last lang. Pero 'yong buong play nandu’n ka...I think, mag-stand by ka ng ambulance. Patay ako after or during. Mamili kayo. Even mall shows. 'Yong feeling na nakatayo ka doon tapos lahat sila nakatingin sa’yo... Hindi pala ako sanay.

Hindi naman daw s’ya introvert dahil marami naman s’yang nakakasalamuha sa mundo ng showbiz. Ayaw lang niyang naka-tutok ang atensyon sa kanya. 

Moreover, hindi rin daw siya tsikadora gaya ng ibang taga-showbiz.

“I’m makulit. I’m funny. I’m crazy,” pagde-describe pa n’ya sa sarili. “Pero inaamin ko... Hindi ako ganu’n sa lahat. Okay tayo, I know you. We've worked together so...okay. Pero paglabas ko, hindi ko kayo kilala, tapos ini-expect n’yo, ‘Hi...’ Hindi naman ako ganu’n. I mean, tao lang po.

 


YOU MAY ALSO LIKE:

Showbiz colleagues and Netizens lavish Paolo Contis and Alessandra de Rossi with praises after viewing their Through Night & Day on Netflix

Blockbuster film Kita Kita gets Indonesian remake

Alessandra de Rossi, maraming tinanggihang role matapos magpakalbo

Pika's Pick: Alessandra De Rossi pleads to Netizens to stop creating issues between her and fellow actress, Angel Locsin

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.