Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, ni-“Yuck!” ang isa’t isa

“‘Yong pair namin, hindi kami nagpapagod masyado. Hindi rin kami nagpapa-sweet. Basta ito lang talaga kami. Hanggang dito na lang po kami,” patawang saad ni Alessandra de Rossi sa tambalan nila ni Empoy Marquez

PHOTOS: Melo Balingit

“‘Yong pair namin, hindi kami nagpapagod masyado. Hindi rin kami nagpapa-sweet. Basta ito lang talaga kami. Hanggang dito na lang po kami,” patawang saad ni Alessandra de Rossi sa tambalan nila ni Empoy Marquez

Napuno ng tawanan ang naging media conference nina Alessandra de Rossi, Empoy Marquez at Direk Sigrid Andrea Bernardo nitong March 16 para sa upcoming movie nilang Walang KaParis.

Ito na ang ikalawang movie team up ng tambalang AlEmpoy matapos ang successful tandem nila sa blockbuster movie’ng Kita Kita noong 2017.

At base sa pamagat ng kanilang movie ay natanong ng entertainment press sina Alessandra at Empoy kung paano ba nila masasabig walang kaparis ang isa’t isa. 

Ayon sa aktres, wala daw katulad ang tambalan nila ni Empoy dahil wala naman daw me gustong maging katulad nila.

Meron pa ba, meron pa bang gusto maging kami? I think okay na kami, oo,” diretsahang lahad ni Alex sa press people.

Naiiba raw talaga ang tandem nila kumpara sa mga traditional love teams dahil hindi daw nila kailangang magpanggap at um-effort para magpakilig nang husto.

Saka kami ’yong pair na, alam mo ’yon, hindi kami nagpapagod masyado. Hindi rin kami nagpapa-sweet. Basta ito lang talaga kami. Hanggang dito na lang po kami,” saad pa n’ya na ikinatawa ng lahat. 

“I mean, may gusto ka pa ba after nito [movie]?” tanong pa n’ya kay Empoy.

Dahil nga raw sa sa setup nilang ito ay mas nakaka-relate sa kanila ang mga manonood. Kita naman iyon sa tagumpay ng Kita Kita six years ago.

“I think, mas totoo s’ya. Hindi s’ya ’yong parang dalawang stunning [actors] na mahirap abutin, mahirap maging. Kami, ‘P’wede ito.’ Okay ba ’yon, ’Poy?” muling balik n’ya sa kanyang leading man.

Oo naman,” pagsang-ayon ni Empoy sa kanyang leading lady. “Si Alex naman…talaga namang nag-iisa lang si Alex.”

Hirit naman dito ni Alessandra, “Nakakahiya naman kung may dalawang [Alex].”

Ngayon, may kasama na s’ya. Umuwi na ’yong nanay n’ya. Nand’yan na sa bahay,” pabirong sabi naman ni Empoy na ikinatawa ng lahat.

For Direk Sigrid naman, masasabi daw n’yang walang kaparis ang tambalang AlEmpoy dahil ramdam umano n’ya ang pagiging totoo ng dalawa sa trabaho nila bilang mga artista. 

Sa puntong ito na rin n’ya nabiro ang kanyang lead stars sa posibilidad na magkagustuhan ang mga ito. 

Wala silang kaparis kasi totoo silang tao. Onscreen and off screen totoo sila. Hindi ko lang alam ’yong off screen tambalan baka nagkaka-develop-an na sila,” tukso n’ya kina Alessandra at Empoy.

Sabay namang napa-"Yuck!" ang dalawa sa biro ni Direk Sigrid.

Direk, alam mo naman ’yong taste ko,” pagpo-protesta ni Alex. 

Dagdag pa ng direktor, ang naibibigay na kilig ng AlEmpoy ang patunay na effective ang kanilang tambalan. 

“So, doon mo malalaman kung gaano sila kagaling umarte onscreen, ’yong pagiging love team nila,” pagtatapos ni Direk Sigrid.

“Yuck!” muling bulalas ni Alessandra.

Hindi naman nagpadaig dito si Empoy.

“Yuck! Yuck! Yuck!” sunod-sunod na sabi ng aktor.

Hindi tuloy napigilan ng press people na tuksuhin silang dalawa.

Tara na. Thank you,” nakakatawang pamumutol ni Alessandra sa kantiyaw sa kanila ni Empoy.

Mapapanood ang muling pagtatambal nina Alessandra at Empoy sa Walang KaParis simula ngayong March 23 sa Prime Video.

 

YOU MAY ALSO LIKE;

Pika's Pick: Alessandra de Rossi receives a blue-eyed cockatoo as a gift from Piolo Pascual; "Salamat at nabigyan mo ako ng anak sa wakas!"

Alessandra de Rossi, hindi pa nakikita ang sarili bilang isang ina; “Pag nandyan na s’ya, e, nandyan na s’ya. Pero wala ako nu’ng, ‘Oh my gosh… I wanna feel complete chururut.”

Pangarap na Urian trophy ni Mommy Nenita para sa anak na si Alessandra de Rossi, natupad na!

Alessandra de Rossi on the essence of being a woman: “Malay ko! I don't even know the essence of a man!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.