Alessandra De Rossi, ‘di napigilang pumatol sa mga trolls at bashers ukol sa saloobin sa pagtatambak ng white sand sa Manila Bay

PHOTOS: GMA Network & Aner Pared on Facebook

PHOTOS: GMA Network & Aner Pared on Facebook

Game na nakipagsagutan sa mga bashers at trolls ang aktres na si Alessandra De Rossi noong isang araw, September 6, kaugnay sa isyu ng paglalagay ng white sand sa Manila Bay. 

Matatandaang umani ng samu't saring reaksyon ang pagtatambak ng white sand sa Manilay Bay ng Department of Environment and Natural Resources [DENR] bilang bahagi ng rehabilitation project ng lugar. Marami ang sumalungat sa desisyon na iyon ng gobyerno na gastahan ng daang milyon ang proyekto habang sinasabing paubos na ang budget sa mga programa against the COVID-19 pandemic; meron din namang dumipensa, gaya nalang ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsabing “sa gitna ng pandemya, kinakailangan din na pangalagaan ang mental health,” at makakatulong umano ang “pagpapasyal sa mga lugar gaya ng Manila Bay na may white beach, hindi mo maqua-quantify ang epekto nyan pagdating sa mental health ng ating mga kababayan.”

Isa sa mga hindi pabor sa paglalagay ng white sands sa Manila Bay at the time of pandemic ang aktres na si Alex [nickname ni Alessandra] de Rossi na nabigay ng pabirong pahayag ukol dito.

Sabi n'ya sa kanyang tweet last September 6: "Pakibilis-bilisan naman ang paglatag ng white sand sa Manila Bay para sa mental health ng lahat. Baka sakaling wala nang magutom dahil busog na sa view. #ayudaparamasa"
 


May ilan naman na hindi nagustuhan ang tinuran ng 36-year-old actress sa kanyang Twitter post. Ni-lecture-an pa s'ya na mag-research dahil bago pa man daw tumama ang pandemya sa bansa ay napondohan na ang proyekto. Malversation naman daw na maituturing kung gagamitin sa COVID-19 relief ang budget ng DENR dahil may sariling budget ang Department of Health [DOH] na s'yang nag-aasikaso sa mga COVID-19 related cases.
 

 


"Ako nga nagbago plano sa buhay dahil sa covid naging model ako ng Gcash, ayuda at palawan express.." pakwelang tugon naman ni Alex na may kaugnayan pa issue nitong nakaraang linggo kung saan diumano'y masasaid na bank account n'ya. 

"Because everyone needs a little bit of help. Ni hindi ako nagbasa or nagresearch ng kahit ano. Kusang loob yun. Sorry po. Next time."
 


Dagdag n’ya: "Ako din. Naka-allocate din lahat for 2020! But I moved all my shoots to 2021 because I cannot risk the lives of others. Pandemic eh. For now, unahin ko dapat kong unahin. Saka na yung alulod namin. Tulungan natin mga taong nangangailangan. Magtulungan tayo! Kung sino may budget!"
 


Humingi rin ng tawad ang award-winning actress sa kanyang naging joke na tila nagdulot ng kalituhan at inis sa iba.

"Sorry kung mali ang dating nun," pahayag ni Alessandra. "Joke lang naman yun. As if naman my opinion would matter, eh wala naman ako sa pwesto to decide. Tama naman, bayan muna, bago sarili! I support Manila Bay!"
 


Sinagot n'ya din ang Netizen na nagtanong kung ayaw ba n'yang gumanda ang bansa.
 


"Maganda ang pilipinas noon pa," sagot ni Alex sa Netizen. "Hindi kailangan palitan ang kulay ng sand. Kung white nilagay ni God doon, doon sya. Yung bato dito, hayaan nyo sya. Wag nyo lang dumihan. Marami na ako napulot na diaper at bote sa mga beach trips ko. Ayoko din ng basura."
 


However, isang Netizen pa ang dumepensa sa pagtatambak ng white sand sa Manila Bay. 
 


"Parang retoke lang yan," pananabla naman sa kanya ng aktres. "You may get a nose or boob or whatever job, but if deep down inside you're still that same person, wag nalang. If it makes you a better person, by all means, do it! I go for retoke ng Manila Bay to fix what needs to be fixed!"
 


Hanggang napunta na sa pagpapaputi ng balat ang naging banat ng isa pang Twitter user sa naging pahayag ng Through Night & Day lead actress.
 


Sey naman ng Filipino-Italian beauty: "No comment ako. Hindi rin ako nagpapaputi. Yaya, patimpla naman ng lemonade with glutathione, 5 is to 1!"
 


Muli ring humirit ang aktres na kung p'wede sana maging pamatid-gutom ang mga buhangin sa Manila Bay na inangkat pa mula sa Cebu. 

"Nasira din lahat ng pansarili kong plano ko dahil sa covid noh," kwento ni Alex. "Pero, sya talaga ang dapat asikasuhin for me. Wala akong ibang dasal kundi mapabuti lahat, walang magkasakit at mamatayan at magutom. Pero okay naman ako kainin yung white sand. Basta okay ang lahat."
 


May mangilan-ngilan ding mga Netizen ang nagpahayag ng suporta kay Alex at sinabing hindi umano naunawaan ng iba ang gusto n'yang ipunto sa kanyang naunang tweet. 

"Hindi kailangan," tsika n'ya. "Di naman ako magdedesisiyon dyan so nobody should take me personally. Except when I say we really need each other, so help if you can...but.... That's a personal desicion, too."
 


May funny yet sarcastic din s'yang banat sa trolls at basher na naglipa sa kanyang Twitter account.

"Yah..... Beach nourishment.And sing... There are... People dying.. If you care enough for the living.. Make beach nourishment.. For you and for me! Dagat mga kapatid!”
 


Dahil sa kanyang naging tweet, nasabihan pa si Alex ng "bobo" ng isang basher na dumepensa rin sa proyekto ng DENR sa Maynila.
 



"Sorry na po! Kaninang umaga pa yan. Nagbago na po ang pananaw ko! I'm not bobo, woke na ako!" tugon n'ya. 
 


Bagama't cool lang at pa-joke sa kanyang sagot sa mga bashers, hindi naman pinalagpas ni Alex ang isa sa kanila sa sa panglalait nito sa kanya. 
 


"Ako na yung nega ako pa yung pangit," patol n'ya rito. "4 lang followers mo, nahiya pa kayo sa akin? Troll ka. Dapat ka talagang mahiya. Kasama ng 4 accounts mong kayo kayo lang naglolokohan! Toinks!"
 


Isa namang Netizen ang nasampolan matapos itong i-block ng aktres sa Twitter dahil umano sa pagtu-tweet ng sinasabi nitong ebidensya at tinawag pa diumanong basura ang utak n'ya. 

"Ayun. Blocked ka tuloy," sey ni Alex sa kanyang tweet. "TIP #1: Wag 20 tweets na sunod sunod na ‘ebindesya kuno.’ Halatang masyado kang maraming gustong patunayan. Pahabol ka ng konti. Wag mo bigay lahat.
 


Isang basher din ang naghalintulad kay Alex sa isang parrot na mas may silbi pa daw kesa sa aktres.
 


Hindi naman ito tinanggap ni Alex at sinabing: "Huh? Unicorn ako?!! Tigilan ako! Parrot mo your fez! Wag ako."



Maging ang iba ang pamba-bash sa aktres ay game na game n'yang sinagot.
 

 

 


At sa mga nagsasabing mahina ang kanyang reading comprehension, paliwanag n'ya, mas mahina daw ang pang-unawa ng mga taong sumiseryoso sa sinasabi ng mga gaya n'yang artista na hindi naman daw nabibigyang halaga ang boses sa decision making ng mga nasa government. 

"Mas mahina ang comprehension ng seseryoso sa tweet ng isang artista! As if naman! Juskooo! Tigilan ako! We are entertainers. We're not politicians! Kelan pa kami nagkaroon ng say? #ASIF" pagtatapos ni Alessandra. 
 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.