Alessandra de Rossi, hindi pa nakikita ang sarili bilang isang ina; “Pag nandyan na s’ya, e, nandyan na s’ya. Pero wala ako nu’ng, ‘Oh my gosh… I wanna feel complete chururut.”

“Alam mo nakikita ko pa lang si Assunta sinasabi ko, ‘Okey na s’ya. Tita na lang ako.’” - Alessandra de Rossi

PHOTO: @msderossi on Instagram

“Alam mo nakikita ko pa lang si Assunta sinasabi ko, ‘Okey na s’ya. Tita na lang ako.’” - Alessandra de Rossi

Hindi pa raw nakikita ng aktres na si Alessandra de Rossi ang sarili bilang isang ina kahit na ngayong 38 years old na s’ya.

Inamin n’ya ito sa tsikahan nila ng kumare n’yang si Camille Prats sa “CamCookWithMe” vlog ng Kapuso TV host-actress recently kung saan napag-usapan nila ang pamangkin n’ya na si Fiore, ang miracle baby girl ng Ate Assunta n’ya.

Na-realize daw kasi n’ya sa mga naging bonding moments nila na nakakapagod pala ang maging isang ina. 

Alam mo nakikita ko pa lang si Assunta sinasabi ko, ‘Okey na s’ya. Tita na lang ako,’” kuwento ni Alex, nickname ni Alessandra, kay Camille. 

Napagod ako. Haha! Tita na lang ako. Okey ako maging tita. P’wede na ’to. Kay Kitten masaya na ako,” saad pa n’ya nang mahusay na aktres.

Si Kitten ang alagang parrot ni Alex na ayaw n’ya umanong tanggapin noong ibinibigay ito sa kanya noon pero eventually ay niyakap din n’ya ang pagiging owner nito.

Ikaw, do you see yourself being a mom?” curious na tanong sa kanya ni Camille.

“Before, nu’ng bata ako,” mabilis na sagot n’ya. 

“Ano now?” muling tanong ng TV host.

This time, medyo napaisip si Alex bago s’ya nakasagot. 

“I… don’t know. We’ll never know,” tugon n’ya. 

Napa-throwback pa s’ya sa usapan umano nila ng isa n’yang friend noon na desperadang magka-anak. 

“My friend ako nu’ng 32 [years old ako], 37 s’ya, umiiyak s’ya. ‘Gusto ko magka-baby. Gusto ko talaga. Kahit sino na [ang maging ama]. Hindi ako ganito mag-isip nu’ng 32 ako,’” pagbabahagi ni Alessandra.
 
“Thirty-two ako nu’n tapos naisip ko, ‘[Pag] 37 na ba ako ganyan ako mag-isip?’ Dumating ’yong 37 and I just turned 38, wala pa rin ako doon. So…baka tapos na,” lahad pa n’ya. 

Kinontra naman ito ni Camille base umano sa pagkakakilala nito sa kanya. 

Hindi. Ako, feeling ko hindi pa naman, Mars. Maybe for you, if it comes then…well and good,” ani Camille. 

Sinang-ayunan naman ito ni Alex. Ibig sabihin, hindi n’ya totally isinasara ang ideya ng pagkakaroon ng sariling anak. 

Kilala mo naman ako. Pag binigay sa akin, ibibigay ko ang lahat,” say ni Alex. 

“Yes, tingnan mo si Kitten. Parang nawalan ka ng choice kahit may choice ka naman originally,” paghahalimbawa naman ni Camille.

Ayaw naman daw kasi n’ya ng kahit anong alaga before pero heto s’ya ngayon na enjoy na enjoy na may kasama s’yang parrot sa bahay.

“Exactly! Pag nandyan na s’ya, e, nandyan na s’ya. Pero wala ako nu’ng, ‘Oh my gosh… I wanna feel complete chururut.’ Baka hindi ako umabot doon [sa puntong iyon],” pagtatapos ni Alessandra.

Samantala, quiet ang aktres pagdating sa kanyang love life pero may mga tsikang lumabas na ang direktor na si Rico Gutierrez ang rumored boyfriend n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Direk Rico Gutierrez, tikom ang bibig nang makumusta ang relasyon nila ni Alessandra de Rossi

The Butcher | Should we call her Direk Alessandra?

The Butcher | Alessandra de Rossi's finest performance

Pangarap na Urian trophy ni Mommy Nenita para sa anak na si Alessandra de Rossi, natupad na!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.