Alessandra de Rossi, maraming tinanggihang role matapos magpakalbo

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Marami ang humanga kay Alessandra de Rossi matapos siyang magpakalbo last year para sa kanyang role bilang Jen sa pelikulang Through Night and Day.

Nagpakalbo si Alessandra, nicknamed Alex, sa kalagitnaan ng shooting pero idinebut lang niya ang bago niyang look sa movie premiere ng heart-aching film niya with Paolo Contis.

Ayon sa aktres, siya mismo ang nagsabing magpapakalbo siya para sa role. “Kasi concept ko [‘yong Through Night and Day] e. So magpapakalbo ako ng totoo… kasi mas realistic siya, mas maaawa ka tignan, kasi pag prosthetics normally madi-distract ka e.”

Pero ayon pa rin kay Alex, maliban sa buhok ay marami din siyang isinakripisyo, kabilang na ang bagong acting projects.

“Ang dami, ang dami [ng offers],” kuwento ng aktres. “Kaso ’yon nga, kailangan mag-wig. So sabi ko, ‘Wag na lang po, kasi kung nakakabit yan ng sobrang tagal, mainit and all, ayokong uminit ang ulo ko.”

Sa ngayon ay may tatlong pelikulang naka-line-up na gawin ang aktres sa ilalim ng AWOOO, ang film production company na sinimulan niya sa ilalim ng VIVA. Umaasa ang aktres na masimulan ang shooting ng unang pelikula ngayong Enero para ma-feature pa ulit ang bald look niya.

Maliban doon ay umaasa din si Alex na makakuha ng TV role project na “kayang tanggapin ’yong itsura ko sa ngayon.”

Wala daw pinagsisisihan ang 34-year-old actress kahit na marami siyang ni-let go para sa kaniyang look.

“Matagal ko na siyang pangarap e. So at least, nagawa ko siya in my life. No regrets.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.