Alessandra de Rossi, nagtataka kung bakit issue sa mga Netizens ang pagbebenta niya ng Starex bilang pantustos sa gastusin

“Sinasabi na poor ako kasi raw, binenta ko ang Starex ko...Binenta ko siya kasi, ayokong galawin ang savings ko. Tama naman. Sa future ko ‘yun and kung ’yung future is now na, hindi ko pa tanggap. Naisip ko talaga, what are two cars for? Maintain ko pareho? Parehistro? For what? ‘Di nga ako lumalabas at bababa lang value kasi kotse ito. Buhay ko lang may value. Bawi na lang sa susunod.”

Photos: Instagram

“Sinasabi na poor ako kasi raw, binenta ko ang Starex ko...Binenta ko siya kasi, ayokong galawin ang savings ko. Tama naman. Sa future ko ‘yun and kung ’yung future is now na, hindi ko pa tanggap. Naisip ko talaga, what are two cars for? Maintain ko pareho? Parehistro? For what? ‘Di nga ako lumalabas at bababa lang value kasi kotse ito. Buhay ko lang may value. Bawi na lang sa susunod.”

Simula nang magkaroon ng pandemya noong isang taon, nagdesisyon ang actress na si Alessandra de Rossi na huwag na munang tumanggap ng kahit na anong trabaho na kakailanganin niyang lumabas at ma-expose sa maraming tao.

Personal na desisyon ito ni Alessandra dahil aminado itong takot na mahawahan ng COVID-19 at higit sa lahat, takot at ayaw raw niyang baka siya pa ang makahawa sa iba, lalo na sa mga kasama niya at mahal sa buhay.

Isa si Alessandra sa mga celebrities na open sa pagpapahayag sa social media ng ilan sa mga opinyon niya regarding sa nangyayari sa gobyerno at sa bansa. Pero dahil dito, isa din si Alessandra sa mga artistang madalas naba-bash, inaaway at nakatatanggap ng mga hate messages mula sa mga Netizens.

Kaya kahit na ilan na ang mga offers na shows at movies ang tinanggihan niya, para sa mga bashers niya, “laos” na si Alex (palayaw ni Alessandra), dahil nga hindi ito active sa showbiz. Ani Netizens, palibhasa nasa bahay lang ang aktres kaya marami iyong time mag-air ng opinions.

Pero hindi pinalalampas ni Alex ang mga ito. Sumasagot siya pag kailanghan. Katulad ng ginawa niya sa  isang Netizen sa Twitter na ni-retweet [RT] niya ang comment na: Laos ka nmn na tlga, wala ka ng show eh. Kahit sa porno aayawan ka rin ng mga tao.”

Sinagot ito ni Alessandra na: “Ako ang umaayaw sa show. Kasi ayoko mahawa.  Palitan nyo naman script nyo. Yung totoo lang. Sabihin nyo TAMAD ako! Bat ayaw nyo tamad? Or nagtatago ganun. Ganun ako eh!”

Sa mga nakakakilala sa kanya bilang isang aktres at tao, may mga prinsipyo talaga ito na pinaninindigan at kahit sa mga proyektong tinatanggap ay talagang pinipili niya.

At para rin ma-afford niya na hindi muna tumanggap ng kahit anong offer sa kanya, nagdesisyon itong ibenta ang kanyang Starex na isa sa dalawang sasakyan niya. Ang pinagbilhan nito ang ginamit niyang pang-tustos sa lahat ng naging gastusin niya.

Nang makausap namin si Alessandra sa pamamagitan ng Direct Messaging kamakailan para hingan ng pahayag, sinabi niyang binenta nga niya ang sasakyan dahil ayaw niyang galawin ang saving niya. 

“Sinasabi na poor ako kasi raw, binenta ko ang Starex ko,” natatawang say ng aktres. “Binenta ko siya kasi, ayokong galawin ang savings ko. Tama naman. Sa future ko ‘yun and kung ’yung future is now na, hindi ko pa tanggap.”

Dugtong din niya: “Naisip ko talaga, what are two cars for? Maintain ko pareho? Parehistro? For what? ‘Di nga ako lumalabas at bababa lang value kasi kotse ito.

“Buhay ko lang may value. Bawi na lang sa susunod.”

Hindi naman daw siya apektado sa mga bashers, pero nagtataka raw siya at inaaway siya dahil sa choice niya to stay at home.

“Di ba, minsan iniisip ko kung anong pinaglalaban ng mga tao. Baka maraming liabilities. Wala akong loans kasi ’yung isang car ko lang. Pero sobrang liit lang. Two years to pay pa.”

Ni-retweet din ni Alessandra ang isang comment sa Twitter na: “I don’t understand why people are so gigil na gigil sayo for not getting out of your house because of Covid-19. Like, isn’t it something that we all should do as much as possible in the first place?”

Sinagot ito ng actress na: “Di ko nga alam if I’m doing the right thing. But I do what I think I should, anyway. STAY AT HOME if you can.”

Nararamdaman at talagang naaawa raw kasi siya lalo na sa mga kababayan na walang choice kung hindi lumabas, maghanap ng ikabubuhay kahit na malagay sa panganib ang buhay. 

Kaya isa na rin sa kontribusyon niya sa mga ito ay huwag nang makaragdag pa sa sa mga nae-expose.

Lahad pa niya: “Walang koneksiyon ‘yung pamba-bash nila sa akin dahil Day 1 ng stay at home, tinotoo ko siya, whatever it takes.  Hindi ako mayaman.  Alam ng lahat ‘yan kasi choosy ako sa projects. Pero from the start kasi, isa lang mahalaga, happiness ko at sanity ko.

“Ito ang way ko and I’m sorry. I just want to stay alive. Baka ma-suwerte na lang ako kasi, walang loan, isa lang, ’yun lang ’yun. Pero, nagbawas ako ng liablities pa rin kesa lumabas. At tingin ko, walang masama doon.  Walang value ang material na bagay sa akin since the beginning, ni hindi ako nasaktan.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikee Quintos, kumpiyansang “mapapalambot” si Kelvin Miranda sa pamamagitan ng titig

Angel Locsin, inako ang pagkukulang sa nangyaring trahedya sa kanyang community pantry

Angel Locsin, nag-sorry matapos dagsain at hindi makontrol ang pila ng mga tao sa kanyang community pantry

Raymond Bagatsing tests negative for COVID-19, emphasizes significance of conquering psychological anxiety in battling the disease

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.