Alessandra de Rossi on the essence of being a woman: “Malay ko! I don't even know the essence of a man!”

PHOTOS: @msderossi on Instagram

PHOTOS: @msderossi on Instagram

Umiral na naman ang pagiging witty ni Alessandra de Rossi sa kanyang mga tweets ngayong araw, May 4, na may kinalaman sa pagiging single at wala pang sariling pamilya. 

Umikot ang mga hugot tweets ng aktres sa itinanong noon kay Sushmita Sen ng India — na nanalong Miss Universe 1994 na ginanap sa Maynila — na “What is the essence of being a woman?”

Sey ni Alex [palayaw ni Alessandra] sa kanyang panimulang tweet:

“FRIEND: what is the essence of a woman nga ba? Sige, ikaw sumagot. 

“ME: malay ko! I'm just a girl! 

“Pack up ang beauty contest!”

Matapos nito ay sunod-sunod na ang kanyang tweets kung saan sinabi n’yang nakakalungkot daw na may ilang taong ginagawang negative issue ang pananating single ng isang babaeng nasa tamang edad na para magkaroon ng pamilya. 

“BV [bad vibes] na minsan when people make you feel you're less of a woman, bec you're not married or you don't have kids (yet) or a ring on your finger,” lahad ni Alessandra. 

“Para bang.. Pwede bang ito yung path namin?! Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don't even know the essence of a man! CHOT”

Masaya naman daw s’ya sa mga kabarong babae na nakakahanap ng kaligayahan sa pagkakaroon ng asawa at anak pero hindi daw kasi ito applicable sa lahat ng tao. 

“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I'm happy for you. I'm sure it is the happiest place to be,” sey ng 36-year-old actress sa kasunod n’yang tweet. 

“Pero okay naman ako sa Jollibee. Kanya kanyang trip lang yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it's also the best thing for me.”

Dagdag pa n’ya, wala naman daw s’yang paki sa mindset ng ibang tao na priority talaga ang pag-aasawa. Sa ngayon kasi ang safety daw ng kanyang pamilya ang nasa isip n‘ya. 

“Sorry. PMS [Premenstrual syndrome]. [B]ut it's valid. Haha!” aniya. “Stop feeling like you've made it because you're there na and I'm not.... 

“And I seriously do not care. Whatever God gives me, I take it. Because I never asked for anything but my family's safety. I never prayed for a man or a career.”

Sinang-ayunan naman s’ya ng ilan n’yang Twitter followers na nakaka-relate sa kanyang present situation. 

“Same here,” sagot ng isang netizen. “My students ask me why I'm still single and I can only smile. I don’t owe the world an explanation. I chose to be single. End of.”

Sagot ni Alex sa kanya, “True! What is the essence of a human MUNA!”

“Walang kulang,” komento naman ng isa pa n’yang follower. “Yun lang ang sagot to those who make you feel less bec you're single. 

“Sila, baka may kulang kasi ang concept ng wholeness nila ay pagkakaroon ng asawa. Will they still feel complete without their better half? 

“Hinde. Kasi yun ang paniwala nila. Chin up, Queen,” pagtatapos nito.

Sey naman ni Alessandra, masaya s’ya sa kung ano ang status n’ya ngayon at open naman daw s’ya sa kung ano ang ibibigay sa kanya ng langit. 

“Oo eh. Im happy,” sagot ng multi-awarded actress. “Will it [pagkakaroon ng asawa at anak] make me happier?! For sure! But happy is happy and happy is where I wanna be. I will never look for anything else, unless it comes knocking on my door! Lord?! Teka lang ha.”

Pagtatanggol naman sa kanya ng isa n’yang fan, “Tigilan nyo sa mga patriarchal perceptions yan si @msderossi di kayo mananalo dyan hahahaha lagi may sagot yan eh.”

“Hindi naman sa ganun,” reply ni Alex. “Pero ano ba sasagot ko, yung truth ko lang. Iba truth nila. Alangan naman pareho kami? Ano? Barbie? Isang hulma lang ang tao?”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alessandra De Rossi, pinanindigan ang sinabing masisimot na ang laman ng bank account niya dahil sa pagtulong

Alessandra De Rossi is in a throwback mode on Instagram and her hilarious captions can surely lighten up your mood

Alessandra De Rossi, ‘di napigilang pumatol sa mga trolls at bashers ukol sa saloobin sa pagtatambak ng white sand sa Manila Bay

Direk Rico Gutierrez, tikom ang bibig nang makumusta ang relasyon nila ni Alessandra de Rossi

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.