Alessandra De Rossi, pinanindigan ang sinabing masisimot na ang laman ng bank account niya dahil sa pagtulong

PHOTOS: @msderossi on Instagram, TV5 on Facebook

PHOTOS: @msderossi on Instagram, TV5 on Facebook

Sinagot ni Alessandra De Rossi ang pahayag ng batikang showbiz writer at talent manager na si Lolit Solis na tila hindi naniniwalang P18K na lang umano ang laman ng bank account ng aktres. 

Sa TV5 show na Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes kung saan naging guest si Alex (nickname ni Alessandra) kamakailan, natanong ang multi-awarded actress tungkol sa buhay n'ya habang may umiiral na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

"Ito talaga 'yong real life ko," pahayag ni Alessandra. "I never leave the house unless it's work. So, parang wala namang nagbago sa part na ’yon.

Pagpapatuloy n'ya, sa kabila daw ng kawalan ng kita sa panahon ngayon ay s'ya namang paglaki ng gastos dahil sa pagkakasakit ang mga tao.  

"Of course, financially, walang pumapasok...And at the same time, sabay-sabay nao-ospital ang mga tao for many many reasons...my father was hospitalized in Italy. Naka-tatlong operation siya...

Kasi ako si Miss Oh, Ano’ng Problema? Okay, let’s fix it. Okay, gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? It’s the first time in my life that I don’t have the answers. How do we begin to end this [pandemic]? Ganon siya, e. ’Yon ang pakiramdam. Okay, should we do a total lockdown? O papa’no ‘yong mga taong walang ipon? Paano ‘yong mga taong every week kailangan ma-ospital, chemotherapy...marami kasi akong kilalang gano’n... they have to go to the hospital three times a week for dialysis...

“So, lahat ’yon iniisip ko pero imposible...pero ’yon nga, paano siya matatapos if people are going out? So, ako ang sabi ko is, I won’t go out ’til nandiyan siya at least til 2021 ha...”

Dahil rin sa pandemic, isa sa pinaka-severely affected ang showbiz industry at isa nga si Alessandra sa mga artista na naka-stay at home muna habang wala pang taping. Hindi naman daw s'ya nabo-bore habang naka-quarantine. 

"Sanay ako," pagbabahagi n'ya. "Sanay ako nang walang ginagawa. Sanay ako nang ganito ka-still 'yong buhay."

At dahil wala ngang trabaho, wala ring source of income sa ngayon ng mga gaya n'yang artista. Hindi naman daw nag-aalala si Alex dahil matibay ang kanyang pananalig sa Diyos na hindi s'ya nito pababayaan. 

"Nangyari na kasi s'ya sa akin [na mawalan ng income] before," paglalahad pa ng aktres. "[Year] 2010, nagbabayad pa ako ng house nu'ng time na 'yon. Parang six months yata akong walang income. So, kung 150 thousand a month 'yon, and I'm supporting my family in Italy, tapos ang usapan.

However, nagbunga naman daw ang kanyang mga dasal dahil may mga dumating daw na offers at projects na sumalba sa kanya.

Dito na rin spontaneous na naipagtapat ng dalaga na malapit nang masaid ang laman ng bank account n'ya dahil na rin sa pagtulong sa mga dumadaing sa kanya. 

"'Yong bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only had eighteen thousand in my account. That's the ano na..." natatawang paliwanag pa n'ya sa host. 

"But I said, 'God, Ikaw na ang bahala sa akin,'" pagpapatuloy ni Alex. "Akala ko nu'ng time na 'yon mabebenta agad 'yong Starex or makukuha ko 'yong time deposit, but no. There's more. May tumawag after two hours. Meron pala akong mga unpaid na trinabaho na nagbayad. Praise the Lord, hindi ka talaga n'ya pababayaan. I've been there."

Duda naman ang batikang showbiz writer-host at talent manager na si Lolit Solis sa naging pahayag ni Alex na 18K na lang diumano ang pera n'ya sa banko. 

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, September 1, sunod-sunod ang mga tanong ni Lolit na tila hindi makapaniwala sa mga binitiwang pahayag ng aktres. 

"Kaloka iyon sinabi ni Alex de Rossi na 18K na lang ang pera niya," komento ng 73-year-old showbiz writer and host. "Hindi kaya nagkamali, baka 180K pala, Salve?

"Kasi paano naman magiging 18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami naman nagawang pelikula at tv series? Maliban na lang kung nagka gasta siya ng malaki at nasimot ang pera niya. 

"Kasi hindi naman kataka taka lalo pa nga ngayon na walang pumapasok na income dahil sa stop taping at shooting, at kung malaki ang cost of living mo, tiyak nga masisimot ka. 

"Pero saan ka dadalhin ngayon ng 18K? Grabe ha, pambayad ilaw, tubig, cable, telepono, gas, pagkain, hanggang saan iyan? Baka nga 180K medyo malayo layo pa ang mapupuntahan, pero 18K , naku mahirap ha!" pagtatapos ni Lolit

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sa Twitter naman sumagot si Alessandra upang linawin ang tila ibang judgment sa kanyang mga sinabi without dropping any names.

"Malalaki diff ng HAVE at HAD. But sige! Dun ako sa HAVE!" pabirong pagko-correct pa n'ya sa kanyang sarili.  

Bigla naman n'yang banat: "Pagod nako saluhin lahat ng naoospital... Sayang lang! Di nagets yung goodness of the message. Minsan kailangan natin makinig nang mabuti sa sinasabi ng iba bago tayo mag form ng sariling opinion."

Pinanindigan din ng Through Night & Day lead star ang kanyang mga sinabi at hindi daw s'ya nagsisinungaling. Sinabi n'ya rin na dahil sa pagtulong sa iba, nakakalimutan daw n'ya ang kanyang sarili. 

"Classic din ako you know," tila patama ni Alex sa tagline ni Lolit Solis. "I will not get anything from lying. Praying for everyone's health for the sake of my bank account na rin. I should stop spreading myself too thin, sabi nga ng isang kaibigan ko. But I can't help it! I do what I can do while forgetting myself lagi."

Sey pa n'ya sa kasunod na tweet, wala daw s'yang mapapala kung magsisinungaling. 

"Credibility ko yan. I don't LIE and I'm always CANDID, because I won't get anything from dishonesty," pahayag pa ng aktres. "[Thirty six] pa lang ako, pero alam ko na po yun since natututo akong magsalita. And sorry kung lagi akong napapahamak, pero sarili ko lang naman yung topic so I'm allowed to be honest."

Hamon pa n'ya sa mga may duda: "ASK FOR THE FULL TAPE."

Tsika pa ni Alex, kung may movie project man daw s'yang pinagkakaabalahan ngayon, ito ay mga indie films na hindi naman ganu'n kalakas kumita kumpara sa mga mainstream movies. 

"It's like bat ako umabot na ganun nalang laman ng acct ko. Eh lahat naoospital nitong pandemic?! Anong gagawin ko? 

"Wala naman akong work last year. Fuffy and Lucid are both indie films. Yung isa ko pang ginawa tinakbuhan pa kami. So... Yeah? Binigay ko pa rin!" 

Dagdag biro pa ni Alex: "Letter A kasi pangalan ko kaya ako laging unang natatawagan pag may naoospital. Di ako marunong tumanggi. Let's leave it at that."


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.