Tila expected na ni Alessandra “Alex” de Rossi na pilit maikukumpara ang bagong romcom movie niyang Through Night & Day—na syinut pa sa mga major scenes sa Iceland—sa surprise blockbuster hit movie niyang Kita Kita last year. Ang tambalan kasi nila ng komedyanteng si Empoy Marquez na nagtala ng more than 300 million gross.
Ayon kay Alex, hindi siya na-pressure na tapatan o higitan ng bago niyang pelikula ang Kita Kita. Basta’t para sa kanya, masaya siya sa bagong project niya. Hindi lang kasi siya artista dito kundi concept writer pa at co-producer.
Kilala si Alex hindi lang sa pagiging prangka at transparent kundi sa pagiging mapili sa mga projects na gagawin. Hindi siya gaya ng iba na raket ang turing sa trabaho.
Ayaw niya raw pagkumparahin ang dalawang pelikula pero idinidiin niyang “iba” at natatangi ang Through Night & Day kaya’t sana raw ay panoorin ng mga tao.
Bukod pa sa mga tanong tungkol sa pressures at expectations, sinagot din ni Alex ang ilan pang katanungan na may kinalaman at wala sa pelikula sa paraang very Alex—meaning kikay pero seryoso; prangka na may karinyo.
Naganap ang casual tsikahan ng ilang members of the press (including pikapika.ph) with Alex sa after-panel-discussion portion ng press conference para sa Through Night & Day na ginanap kahapon, October 30, sa Le Reve Pool and Events Place sa Quezon City.
Through Night & Day is showing on November 14.
And here’s a portion of that interview: