Alex de Rossi, muntik nang matigok sa Iceland

May obvious chemistry ang dalawa—Paolo Contis at Alex de Rossi—at kapwa karinyo-brutal ang style nila sa comedy. Na-apply daw nila nang husto ang element na ito sa movie.

PHOTO & VIDEO: Anna Pingol

May obvious chemistry ang dalawa—Paolo Contis at Alex de Rossi—at kapwa karinyo-brutal ang style nila sa comedy. Na-apply daw nila nang husto ang element na ito sa movie.

Very personal project para kay Alex de Rossi ang pelikulang Through Night & Day na kalahati ay sinyut pa sa Iceland.

 

Una ay dahil istorya niya ito na dahil sa kabisihan early this year ay hindi niya natutukang isulat nang buo kaya nagpatulong siya sa writer friend niyang si Noreen Capili. Pangalawa, co-producer siya dito. Pero nilinaw niyang hindi sa aspeto ng pananalapi ang naging papel as producer kundi “making things happen.” MissFit Productions ang tawag sa kumpanya nila ni Lucky Blanco na isa rin sa mga producers ng highly successful na Kita Kita movie niya last year. Bagamat inamin niyang nag-waive siya ng TF (talent fee) dito. Pangatlo, sa Iceland nga sinyut ang mga major scenes ng pelikula. Na-tick off na niya sa bucket list niya na ngayon na ma-explore ang Iceland although second time niya na raw ito. Ang first visit niya ay noong Holy Week this year para mag-ocular pero panay yelo lang daw ang nakita niya that time.

 

Ang Iceland ay isang Nordic island country na nasa North Atlantic at kilala ito sa pagkakaroon ng dramatic landscapes na doon mo lang makikita. Isa din sa highlight ng pagbisita doon ang makakita ng green aurora borealis or Northern lights.

 

Proud na proud si Alex sa magandang kinalabasan ng rom-com movie nilang ito ni Poalo Contis na tungkol sa magkasintahang matagal nang magkatipan na mas makikilala ang isa’t isa matapos nilang magsama through night and day nang magbakasyon sila sa Iceland as couple.

 

Sana raw ay maging credible siya at paniwalaan ng mga tao pag sinabi niyang “iba” ang pelikula niyang ito, na una sa apat na konsepto niyang naka-bangko noon pa.

 

Bukod pa sa napakalaki ng involvement ni Alex sa said movie, mas naging memorable—rather unforgettable—pa ito dahil muntik na pala niyang ikatigok ang isang eksena sa movie. Isang eksena ito kung saan nakalublob siya sa isang natural pool na kukuhanan lang for two minutes. Kaso zero to below 10 degrees Centigrade ang klima noong mga panahong nandoon sila kaya nag-hypothermia si Alex.

 

Direk Roni Velasco relates how shooting in below zero temperatures can be a real hazard. To illustrate further, Paolo Contis adds: “Bumili nga ako ng saging, hilaw…hinihintay kong mahinog…pag tingin ko bulok na. Hindi dumaan sa hinog, e. Bulok agad. Saka yong pagkain no’ng Day 1, natira, kinain ko ng Day 8, okay pa rin, e. Hahaha!”

 

Hypothermia, accprding to mayoclinic.org, is “a medical emergency that occurs when your body loses heat faster than it can produce heat, causing a dangerously low body temperature.”

 

Sa press conference ng pelikula kaninang hapon, October 30, na ginanap sa Le Reve Pool and Events Venue sa Quezon City, ay idinetalye ni Alex at ng director nilang si Veronica Velasco kung paanong halos ikamatay na ni Alex ang insidente maitawid ang eksenang kailangan sa pelikula.

 

Here’s the full clip:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.