In December last year ay naglabas ng report ang Esquire Magazine website tungkol sa mga top local celebrity earners sa YouTube at sa listahan nila ng top 10 ay si Alex Gonzaga, who only started her YouTube channel in July 2017, ang itinanghal na No.1.
Esquire used data taken from the online statistics website SocialBlade, at ibinase nila ang tally accordring to views, subscribers, and estimated earnings at lumabas na by December 2018, Alex has amassed anywhere from $6,900 to $110,700 or P360,000 to P5,780,000 per month.
As of presstime ay meron ng 2,918,602 subscribers si Alex sa YouTube at ang pauso niyang “Chambe” dance entry ay nagtala na ng more the 17M views.
(Meron din siyang 6M followers sa IG, habang 1.3M naman sa Twitter at 1.7M sa Facebook))
Nang makapanayam ng pikapika.ph si Alex sa storycon ng upcoming movie niyang Love The Way You Lie sa office ng Viva Films ay isa ang pagiging No. 1 celebrity YouTuber niya sa hiningan namin ng reaksyon and it turned out na up to that point pala ay hindi siya naniniwala sa report na iyon ng Esquire.
“Talaga ba? Hehehe. . . hindi wala, wala…actually may mga nag-tag lang sa akin pero parang hindi lang naman ako… totoo ba ’yon? Reliable source ba ’yon?” sunod-sunod na tanong ni Alex.
Kami pa ang nagkumbinse sa kanya na reliable ang nasabing report.
Agad namang bumawi ang kalog na vlogger: “Thank you, ha Esquire. Kayo talaga, Mars, salamat. . . hahahaha. . . thank you, ha. Kayo talaga. . . Coffee tayo. . . hahahaha. . . Thank you.”
Pero aminado si Alex na malaki ang naitulong ng pagiging vlogger niya sa pagbubukas ng maraming doors of opportunity for her. Ang YouTube channel niya ang kine-credit ni Alex sa pagbibigay ng purpose sa buhay. Marami na raw kasing pagkakataon in the past na kinukuwestyon na niya kung ano ang lugar niya sa mundo. It all changed when she discovered vlogging.
“Kasi before vlogging parang nagtatanong na rin ako kung ito ba talaga ang gusto kong gawin, entertainment?” esplika ni Alex. “Kasi parang I felt na parang I’m not being myself. So, siguro nga lang I just needed that moment para talagang…’yong parang everything will fall into place talaga. Kasi kung hindi ako nabigyan ng gano’ng moment sa buhay ko na nagtatanong ako in life kong anong gagawin ko, nagku-question ako, hindi ako makakagawa ng YouTube account, YouTube video.”
Ayon kay Alex, malaki ang utang na loob niya sa mga naging taga-subaybay niya sa YouTube at sa iba pang social media platforms niya. Kaya naman she took the opportunity nang kausap namin siya, para na rin makapagpasalamat.
“Sa mga Netizens, sa lahat ng sumusuporta, sa lahat ng nagmamahal sa pamilya Gonzaga… thank you talaga,” sinsero at seryosong bitiw ni Alex. “Kasi lalo na when we entered the social media world, ’yon nga yong YouTube vlogging, I really felt na parang I’m appreciated. I really felt na ’yong reason why we are here…why I’m here in this industry. So I’m very, very thankful na meron tayong mga taong sumusuporta talaga…naka-subscribe tapos kung anuman ang ginagawa naming, updated sila.”