Alex Gonzaga names her favorite YouTubers

PHOTOS: Anna Pingol & @cathygonzaga on Instagram

PHOTOS: Anna Pingol & @cathygonzaga on Instagram

Si Alex Gonzaga ang Number 1 celebrity YouTuber in terms of number of subscribers and monetary revenues.

Kung mayroon mang ibang YouTube celebrities (or mga dating hindi kilala pero nagkaroon ng pangalan sa YouTube) na lumalamang sa kanya in terms of number of subscribers, hindi naman maitataob ang milyon-milyong views ng bawat entry niya sa kanyang YT Channel na sa ngayon ay mayroon ng 2.9 million followers.

Ang kanyang pinaka-hit na entry, ang Chambe Dance Challenge ay malapit nang mag-19M views.

Patunay na may kakaibang charm ang nakababatang Gonzaga pagdating sa vlogging [video blogging]. At maski siya ay aminadong tila nahanap niya ang tunay na mundo niya sa pagbi-vlog.

Thus, we asked Alex, the country top celebrity YouTuber, kung sino naman ang mga paboritong niyang panoorin din sa YouTube.

Humirit muna siya na ang pinaka-ayaw niya kunwari ay “’Yong Toni Gonzaga,” na kakasimula lang mag-YouTube nitong Enero at may tatlong entry palang sa ngayon pero meron ng 733K subscribers.

But then she names the following as her favorite people to watch on YouTube: Lloyd Café Cadena (1.2M subscribers), Mychelle Dy (1.6M), Anne Clutz (897K), Ja Mill (3.5M), Wil Dasovich (1.7M), Kryz Uy (161K), at ang fashion/beauty vlogger na si Lauren Uy (190K).

Gaya niya, tumatalakay din ang mga vloggers na binanggit niya ng mga random topics gaya ng travel, makeup tips, pranks, challenges at iba pang wholesome kalokohan na bunga ng malilikhain nilang utak.

“Lahat yan pinapanood ko,” sey ni Alex. “Tapos pag may bagong mag kaka-YouTube account na artista, papanoorin ko rin yan kasi dapat kailangan open-minded ka din para madami kang naiisip…’yong utak mo madaming nakikita. Pag tumigil magiging vegetable na tayo diba? Patay ang utak.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.