Alexa Ilacad, torn between two lovers ngayon kina KD Estrada at Eian Rances?

Hindi lang si Alexa Ilacad ang “torn between two lovers” dahil maging mga fans ay hati din.      Nagkaroon na nga ng fans and supporters ang aktres at si KD Estrada na kung saan binansagang KDLex ang kanilang magiging tambalan; habang ang iba naman ay isinusulong ang AlEian para naman sa tandem nila ni Eian Rances.

PHOTO: @alexailacad on Instagram; INSET: @kdestrada_ & @eianrances on Instagram

Hindi lang si Alexa Ilacad ang “torn between two lovers” dahil maging mga fans ay hati din. Nagkaroon na nga ng fans and supporters ang aktres at si KD Estrada na kung saan binansagang KDLex ang kanilang magiging tambalan; habang ang iba naman ay isinusulong ang AlEian para naman sa tandem nila ni Eian Rances.

Ang haba ng hair at mukhang “torn between two lovers” ang peg ngayon ni former Pinoy Big Brother (PBB) housemate Alexa Ilacad dahil dalawang boys ang nali-link sa kanya, ang mga batchmates n’ya sa PBB na sina KD Estrada at Eian Rances.

Nagkaroon na nga ng fans and supporters ang aktres at si KD Estrada na kung saan binansagang KDLex ang kanilang magiging tambalan; habang ang iba naman ay isinusulong ang AlEian para naman sa tandem nila ni Eian Rances.

Kaya naman nitong January 18 sa virtual media launch para sa newest single n’ya na “Paano” ay natanong ang Kapamilya star kung sino ba kina KD at Eian ang mas matimbang sa puso n’ya. 

“I’m going to be showbiz now and say that I cannot choose. Kasi if I choose I’m gonna break someone’s heart which I don’t want,” pa-safe na sagot ni Alexa. 

“Actually, I don’t have to choose anymore because the management will choose for me. So, abangan na lang nila kung sino ’yon,” natatawang dagdag pa n’ya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

Sa ngayon, matatawag daw n’yang soulmates sila ng promising singer na si KD. Hindi daw nagbago ang closeness nila ngayon kahit na nakakagalaw na sila nang maayos kumpara noong nasa loob sila ng PBB House. 

“With KD, our relationship has grown into soulmates. We’ve realized na we are each other’s soulmates and we’re just really blessed. Sobrang close kami,” paliwanag n’ya sa press. 

Kung paanong close kami sa loob ng bahay [ni Kuya] ganu’n din kami dito sa labas, but of course with no restrictions and everything, no more lapels. We’re free, more free to be our clingy selves,” patuloy pa ni Alexa.

“And we were able to support each other even more here sa ‘outside world.’ And we’re just really happy to be in the presence of one another.”

Tsika pa n’ya, hindi lang daw sila ni KD ang naging close kundi maging ang families nila. 

“Our families are really close now. Of course, we’re even closer. And it’s really nice ’cause we found a new home [sa isa’t isa],” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eian Rances (@eianrances)

Kay Eian naman, ipinagpapasalamat daw n’ya na naayos nila ang kung anumang issue na meron sila sa loob ng Bahay ni Kuya. Mas okey daw ang takbo ng pagkakaibigan nila ngayong kapwa na sila nasa “outside world.”

“With Eian naman, we’ve had the roller coaster ride story inside the house. So thankful, here outside it’s not like that. It’s tamed. We’re testing the waters and the waters are calm,” lahad ni Alexa.

“And we’re good friends. We’re really, really good friends. That is something I want to maintain and that is something na I’m proud to say na meron kami. We’ve iron everything out and we’re good. [The] communication is there. And yeah, the friendship will always be there,” pagtatapos n’ya.

Dahil hindi pa nga makapili si Alexa between the two, abangan daw muna ang kanyang newest single entitled “Paano” na may tema ng heartbreak na ire-release n’ya on January 21.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.