Alfred Vargas at Italyanang misis, magba-Vlog na din; mga anak, bawal pa daw mag-cellphone at social media

“Kami ni Yas, ilo-launch namin ’yong Youtube channel namin [called] Vargas na Pag-ibig...Kasi ang daming... lalo na kay Yasmine, ang daming nagpa-private message sa kanya, ‘O, mag-vlog naman kayo.’ Si Yasmine kasi may sarili siyang following ng mga ano...ang dami niyang natutulungan ’yong mga [kailangan ng] breast milk...breastfeeding advocate kasi siya, e.”

Photos/video: Anna Pingol & Instagram

“Kami ni Yas, ilo-launch namin ’yong Youtube channel namin [called] Vargas na Pag-ibig...Kasi ang daming... lalo na kay Yasmine, ang daming nagpa-private message sa kanya, ‘O, mag-vlog naman kayo.’ Si Yasmine kasi may sarili siyang following ng mga ano...ang dami niyang natutulungan ’yong mga [kailangan ng] breast milk...breastfeeding advocate kasi siya, e.”

Aware daw ang mga anak ni Alfred Vargas, maliban sa one-year-old na bunso, na very public ang trabaho ng kanilang tatay bilang public servant at artista.

Kaya naman pag nasa public places sila gaya ng mall or restaurant, sanay daw ang mga itong naaabala pa rin ang private moments nila pag may kakausap or may magpapa-picture sa tatay nila.

“Pag may nag-request ng pa-picture sa akin, lumalayo na sila, sisiksik sila sa mama nila,” k’wento ng actor-politician sa pikapika.ph. 

May mga pagkakataon naman daw na ang request ng nagpapa-picture ay kasama ang family niya. Pumapayag daw siya at di naman niya pinagdadamot ang mga cute niyang anak at magandang misis. 

“Sa akin, p’wede ’yon,” say ni Alfred. “Automatic, when anyone asked for a photo, I tell them, ‘Make sure you smile.’ So kung makikita ninyo sila, laging naka-smile ’yong mga anak ko pag may nagpa-photo.”

Sanay naman daw sa tao ang mga anak nila ng half-Italian wife na si Yasmine. Ang ayaw nilang makasanayan ng mga anak nila sa ngayon ay ang pagso-social media. Hindi pa raw kumportable ang Quezon City first district representative na i-expose ang mga anak sa ganoon. 

Eight years old palang ang panganay ni Alfred na si Alexandra, habang seven naman si Aryana. Ang unico hijo namang si Cristiano just turned one year old.

“Walang phone ang mga anak namin, wala sila no’n,” patuloy na tsika ni Alfred. “We have one iPad for them that they cannot use if we are not around. Tapos, wala silang social media account.

“Siguro later pagka medyo matured na sila nang konti. That’s the only time I will allow [them]. Kasi delikado rin, e. Grade 4 ’yong panganay ko, merong iba doon [sa klase niya], nagulat ako may mobile phones sila at saka Facebook na. E, so ako siguro later on pa ako. Papakiramdaman ko.”

Mababait at disiplinado naman daw ang mga anak nila kaya hindi mahirap pagsabihan ang mga ito. Malaking bagay daw talaga siguro na at least may isang magulang na naka-tutok sa mga ito habang nagsisilaki. Kaya laking pasalamat ni Alfred na dedicated homemaker ang misis niya.

Pero kahit paano ay may social media exposure ang mga anak niya. Bilang proud parents, laman ang mga bata ng social media accounts nilang mag-asawa. 

Ang soon, magiging bahagi na rin ang mga ito ng vlog nilang mag-asawa. Yes, nag-give in na rin sila ni Yasmine sa demands of the times.

“Kami ni Yas, ilo-launch namin ’yong Youtube channel namin [called] Vargas na Pag-ibig,” masayang pagbabalita ni Alfred na ikinatawa namin dahil naalala naming ito rin ang ginamit nilang hashtag sa kanilang church wedding two years ago.

“Yon pa rin [ang title]. Cute, e,” natatawa ring tuloy-paliwanag ni Alfred. “’Yon na ’yon. ’Yon na kami. Pag sinabing Vargas na pagmamahalan, kami ’yon.

Within February daw ang target nilang paglo-launch ng channel at may mga material na raw sila para sa mga unang vlog entries.

“Kasi ang daming... lalo na kay Yasmine, ang daming nagpa-private message sa kanya, ‘O, mag-vlog naman kayo.’ Si Yasmine kasi may sarili siyang following ng mga ano...ang dami niyang natutulungan ’yong mga [kailangan ng] breast milk...breastfeeding advocate kasi siya, e.  

“Tapos si Yasmine, matiyaga sumagot sa mga comments at saka sa mga message. Ang dami ngayon humihingi ng advice sa kanya...’yong tungkol sa pagiging mother, papa’no mag-ano...tapos ayan, breast feeding.... Pa’no magpalaki ng bata? Kaya sabi ng iba, imbes na sagutin mo isa-isa yan, mag-vlog ka nalang.’”

At press time, malamang ay na-shoot na ng mga-anak ang kanilang introduction video para sa family-oriented “Vargas na Pag-ibig” Youtube Channel. Anytime soon ay ilo-launch na nila ito.

Welcome to the world of vlogging, Vargas family!

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.