Aljur Abrenica, itinuring daw na “love of my life” si Kylie Padilla; aminadong may pinagdadaanan sila ni AJ Raval ngayon

Paliwanag ni Aljur Abrenica, masyado na siyang sadsad kaya hindi niya napigilan ang sarili na gawin ang pinagpiyestahan-pero-deleted ngayong Facebook post niya. “It was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ’yun.”

Photos: @ajabrenica / @kylienicolepadilla

Paliwanag ni Aljur Abrenica, masyado na siyang sadsad kaya hindi niya napigilan ang sarili na gawin ang pinagpiyestahan-pero-deleted ngayong Facebook post niya. “It was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ’yun.”

Mukhang alam na ni Aljur Abrenica na maraming itatanong sa kanya ang entertainment media na dumalo sa face-to-face media conference ng latest movie niya kaya inunahan na niya agad ang mga itong magsalita bago pa man nagsimula ang pormal na question-and-answer portion. Matapos daw noon ay hindi na siya mage-entertain ng iba pang katanungang related sa issue nila ng kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Ayon kay Aljur ay nasadsad siya sa banat ng publiko kaya on impulse ay nagawa niyang mag-post sa Facebook account niya noong Oktubre 19 ng panig niya kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.

Aniya, hindi siya proud sa ginawa niya dahil bukod sa mas nakalkal ang pribado nilang buhay at naging mitsa ito para mag-iba ang tingin ng ilang netizens sa ina ng mga anak niyang sina Alas, 3; at Axl Romeo, 1.

Bungad ni Aljur sa press conference: “I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na ako, e, nabugbog na.

So, it was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ’yun. Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila.”

At kahit hiwalay na sila ni Kylie at umabot sila sa puntong pinagpiyestahan ang buhay nila sa Internet ay sumumpa siyang si Kylie daw talaga ang kanyang naging “love of my life.”

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ’yung babaeng ’yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ‘yun,” seryosong paliwanag ni Aljur.

Matapos mahimasmasan at dahil na rin marahil sa inabot na pag-kundena ng netizens ay dinelete rin ni Aljur ang kontroberyal niyang post after three days.

Huli man, nagsisi pa rin ang aktor sa kanyang naging akto.

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children sina Alas at Axl gusto ko na lang matapos ‘to because in the future they’re gonna see ‘tong isyu na ito.

“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Ipinagpapasalamat ko ’yun. Napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ’yun at lahat lumabas na, hanggang du’n na lang.”

Sa tanong kung paano ang set-up nila sa mga bata, ay salitan umano sila sa ngayon.

“Nasa akin ang mga bata. May times na sa kanya, may times sa akin,” matipid na sagot ng aktor.

Inamin din niyang may pinagdadaanan sila ng rumored new girlfriend niyang si AJ Raval.

“Well, kami ni AJ, may mga pinagdadaanan kami sa mga nangyayari ngayon pero we’re fighting, we’re doing our best to learn from it,” kaswal nitong sagot at hindi na nag-elaborate pa.

Sa huli, nagpasalamat si Aljur sa entertainment press sa pagkuha ng kanyang panig, Alam naman daw niyang ang iba sa mga taga-panulat are coming from a place of concern sa nangyari sa kanilang relasyon.

Pero sa ngayon ay hanggang doon nalang muna raw ang p’wede niyang ibahagi.

“Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganu’n ka-apektado ang mga tao dahil sinubaybayan n’yo ang pagsasama namin ni Kylie,” malumanay niyang sabi.

“So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganun’n na lang. Maraming salamat po,” pagtatapos niya.

Samantala, matapos ang matagumpay na Nerisa movie niya sa Viva Films ay eto’t may kasunod ng project si Aljur, ang Manipula mula sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan. Makasama niya rito sina Kiko Matos, Rosanna Roces, Christian Vasquez, Allan Paule, Marco Alcaraz at ang producer mismo ng pelikula na si Ana Jalandoni na siyang magiging leading lady niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kylie Padilla assures people concerned about her that she’s okay; “Masaya ako and I will protect my happiness.”

Resbak ni Cristy Fermin kay Kylie Padilla: “Hindi pa ipinanganganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin ng kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin.”

AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla; nagdesisyong mag-social media detox muna

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.