Aljur Abrenica, kumpiyansang malaki ang maitutulong ng biyenan niyang si Robin Padilla sa entertainment industry once umupo na itong senador

Aljur Abrenica, kumpiyansang malaki ang maitutulong ng biyenan niyang si Robin Padilla sa entertainment industry once umupo na itong senador

Happy daw ang aktor na si Aljur Abrenica sa pangunguna ngayon sa bilangan ng pagka-senador ni Robin Padilla, ang ama ng estranged wife n’yang si Kylie Padilla.

Sinabi n’ya ’yan sa story conference ng upcoming movie n’yang The Revelation noong May 11, two days after the election. Ito ay matapos hingin ng entertainment press ang reaksyon n’ya sa nangyayaring bilangan. 

Ayon sa aktor, masaya daw s’ya ngayong ang father-in-law n’ya—na Papa pa rin kung kanyang tawagin—ang senatorial candidate na nakakuha ng pinakamalaking boto sa katatapos lang na eleksyon. 

“I’m so happy kasi si Papa, ano ’yan, e… Sa industriya kasi they know him as a…sa labas, his image… alam n’yo lahat ’yan. Ang dami n’yang natulungan, kahit ’yong mga stuntmen. Doon po ako hanga sa kanya, e,” pahayag ni Aljur. 

Aniya pa, hindi rin naman daw pahuhuli si Robin when it comes to leadership skills.

“He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon ng pagiging lider, siya talaga,” pagbibida ng aktor.

Bukod pa doon, hindi daw madaling makalimot si Robin sa mga taong nakakasama nito. 

“And he remembers people,” pagpapatuloy ni Aljur. “One time, may isang tao na isang beses lang niya nakita, and he was telling me, nakasama n’ya ito sa isang event. 

Hindi n’ya ito kilala at once lang n’ya nakita pero natatandaan n’ya nang tawagin s’ya. Si Papa, he takes care of his people,” dagdag pa n’ya.

Pagtitiyak pa n’ya, malaki ang maitutulong ng kanyang biyenan para mas mapaunlad pa ang entertainment industry sa bansa. 

“And he understands the situation. So, actually plus ’yon para sa atin sa industriya, na nakaposisyon s’ya. Kasi, he knows, e. Alam niya kung ano ang dapat ayusin sa industriya, how to make it better. He’ll be striving to make our industry better,” saad pa n’ya. 

Nirerespeto naman daw n’ya ang mga bashers ng actor-turned-politician sa sinasabi ng mga ito na hindi umano ito qualified para maging senador. Pero para sa kanya, sapat ang mga pinagdaanang karanasan ng kanyang biyenan para mahulma nito ang sarili sa pagiging maayos na lider.

“For me, I respect them. Pero kasi, sometimes isang dinig lang natin [sa sabi-sabi] we believe,” ani Aljur. 

Minsan daw kasi, mas pinipili lang tingnan ng tao ang gusto n’yang tingnan at hindi na nag-e-effort para mag-research sa nagawa ng isang kandidato. 

“Sometimes hindi natin alam na nasa social dilemma tayo. Sa post natin kung ano lang ’yong gusto nating makita ’yon lang ang pinapakita…Wala namang perpekto, e,” lahad pa n’ya. 

Mas maganda daw na tignan ang history ng tao kung saan ito nag-umpisa at kung paano ito nakatayo sa kanyang pagkakadapa at malagpasan ang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.

“’Yong pinagdaanan n’ya, saan s’ya nagsimula, ’yong ups and downs n’ya… Ako kasi naniniwala ako kay Papa kasi ang dami n’yang pinagdaanan lalo na ’yong bumabagsak… hindi naman s’ya laging sikat, e. Hindi s’ya laging nasa top, e,” he said. 

 “Ang dami n’yang beses bumagsak pero nakakaahon s’ya. Doon mo masusukat ang isang lalaki at pagiging isang leader,” pagtatapos n’ya.

Anyway, mapapanood ang pelikula n’yang The Revelation kasama ang brother n’yang si Vin Abrenica, ang actress-vlogger na si Jelai Andres, at ang controversial actress-producer na si Ana Jalandoni soon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Robin Padilla, Arjo Atayde, mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres at ibang celebrities, nanguna sa mga tinakbuhan nilang posisyon sa gobyerno

Robin Padilla, humiling ng Sharon Cuneta-Salvador Panelo benefit concert para sa mga batang may special needs; tugon ni Panelo: “Game ako diyan.”

Sa pagtatanggol kay Toni Gonzaga, Robin Padilla tinawag na bully si Direk Erik Matti

Payo ni Kris Bernal sa dating ka-love team at kontrobersyal ngayong si Aljur Abrenica: “Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at kung ano ang para sa’yo.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.