Aljur Abrenica, napa-“Oh, men!” kay Shaina Magdayao; Kylie Padilla, di naitago ang selos

SCREENSHOT:   Aljur Abrenica on YouTube

SCREENSHOT: Aljur Abrenica on YouTube

Nagkabukuhan ng kanya-kanyang local celebrity crushes ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa sa latest vlog content ng aktor na in-upload last August 17 sa newly-launched nitong YouTube channel.

Sumalang kasi ang mag-asawa sa usong-usong “Jojowain o Totrapahin” challenge na ginawa na rin ng ibang celebrities and vloggers. Ang main rule nila sa kanilang edition, kailangan lang nilang isipin na kapwa pa sila single, walang pananagutan o karelasyon. Pero ang twist: bawal magselos. 

"Sa totoo lang, biktima lang ako. I don't want to do this," panimulang paliwanag ni Aljur sa video. 

Bawi naman ni Kylie sa sinabi ng kanyang mister: "Really? Ginagawa na namin 'to pero pag sa harap ng camera nahihiya s'ya. Good to get to know him, right?"

Sa nasabing challenge, na pakana pala mismo ni Kylie, nalaman ng audience na hanggang "friendzone" o tropa lang sa puso n'ya ang mga fellow Kapuso stars niyang sina Benjamin Alves, Rocco Nacino, Martin del Rosario, and David Licauco.

Maging ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ay "totropahin" lang din daw ni Kylie. 

"Okey naman si Alden kapag nakausap ko sa set," paliwanag ng Encantadia actress. "May wisdom. May matututunan ka din. Pero wala 'yong spark. Sabi ko nga mahilig ako sa tall, dark and handsome."

Pati ang Kapuso-turned-Kapamilya primetime actor na si Richard Gutierrez ay hanggang tropa lang din sa puso n'ya.  

"Mahilig kasi ako sa tall, dark and handsome. E, medyo maputi si Richard, di ba? Totropahin."

Napakuwento naman ang StarStruck alumnus na si Aljur na si Richard pala ang isa sa mga dahilan kung bakit s'ya nagpursige na makapasok sa showbiz. 

"Hindi ko makakalimutan to," pagsasalaysay ng aktor. "Elementary ba ako nu’n? Batang bata pa ako. Umuulan. Nasa sala ako kasi nanonood ako ng Click." 

(Ang Click ay ang Saturday youth-oriented series kung saan isa si Richard sa mga bidang artista. Umere ito noon sa GMA Network mula 1999 to 2004).

"May eksena si Richard Gutierrez at si Angel Locsin tapos na-amaze lang ako sa chemistry nila," pagpapatuloy n'ya.  "Alam mo 'yon? Tapos sabi ko, 'Gusto ko 'yong ginagawa nila.' Naging inspirasyon sila na naging artista ako. Si Richard. Si Angel."

Pasok naman para dyowain daw ni Kylie si Kristoffer Martin na nakasama n'ya noon sa Reel Love Presents Tween Hearts na ipinalabas sa Kapuso network ten years ago. 

"Cute s'ya nu'ng [panahon ng] Tween Hearts. Hahaha 'Yon lang ang sasabihin ko.

Dyo-dyowain din daw ng aktres ang award-winning actor na si Dennis Trillo, na naging co-actor n'ya before sa Kapuso drama fantasy series na Dwarfina na pinagbidahan naman ni Heart Evangelista no'ng 2011. 

"Ano, e... Man of few words," paliwanag ni Kylie. "Gusto ko 'yong mga ganu'n, e. Actually, 'yon ang pinaka nagustuhan ko kay Dennis Trillo—man of few words."

Pag dating naman sa dati niyang ka-loveteam na Ruru Madrid na nakatambal n'ya sa Encantadia at TODA One I Love, tila nahirapang mag-isip si Kylie. Ibang klaseng chemistry din kasi ang meron sila pag-umaarte sa screen kaya pumatok din sa manonood ang kanilang tambalan.

Dito, si ALjur na sumagot para sa asawa at sinabing: "Dyo-dyowain."

"Dyo-dyowain na lang para tapos na," natatawang dugtong ni Kylie sa sinabi ng kanyang mister. "Sige. Dyo-dyowain... Hindi nga. Tropa lang talaga, e. Ita-try namin. Tingnan namin kung magwo-work pero feeling ko hindi tatagal. Hahaha."

On his turn, todo explain naman si Aljur nang s'ya na ang natanong kung sino ba ang pasok sa standard n'ya na maging dyowa. 

Una na rito ang hot momma na si Ina Raymundo. 

"Grabe naman kayo," depensa agad ng 30-year-old Kapampangan actor na agad ding bumalikwas.

"Dyo-dyowain. Childhood crush ko 'yan, e. ’Tsaka hindi naman dahil sa ano... As of now, gusto ko 'yong ginagawa n'ya. Inspiring. Kita ko kung paano s'ya [maging nanay] sa mga bata."

"Sabi ko na, trap 'to," natatawang hirit ni Aljur

Hanggang tropa lang din daw para kay Aljur ang mga mestiza celebrities na sina Solenn Heussaff, Marian Rivera, Julia Montes and Rhian Ramos

"Bakit lahat na lang [totropahin]?" natawang protesta ni Kylie. "May nagsisinungaling sa ating dalawa."

Paliwanag naman ni Aljur, hinahangaan n'ya ang mga nabanggit na mga artista at naging malapit din s'ya sa mga ito pero wala daw kahulugan ang mga 'yon. Lalo na kay Rhian na nakatambal n'ya sa mga teleserye na Ilumina at Indio at movie na My Kontrabida Girl.

"Seryoso. Nakatrabaho ko na s'ya before,” tsika ni Aljur. “May pinagdadaanan ako [that time]. I saw the effort na alalayan ako pero nothing... Walang ibig sabihin."
 
"Pero okey din 'yong chemistry n'yo [ni Rhian]. Selos ako nu'n," natatawang pag-amin ni Kylie sa mister. 

Pagdating naman kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, nagkaroon ng twist ang sagot ni Aljur. 

"Maganda si Catriona. Grabe," paglalarawan n'ya sa beauty queen. "I met her several times before pa ng [stint n'ya sa Miss Universe]. Maganda talaga tapos pure heart. 'Yong charity n'ya tunay talaga. Intellectual... Marami kang matututunan sa kanya. And 'yon nga 'yong sinasabi mong magic. 'Yon 'yon, e. So, totropahin."

Hindi binili ni Kylie ang mga pinagsasabi ni Aljur.

"Totropahin pa rin?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa aktor.
 

"...Na p'wede mong dyowain," kambiyong pag-amin ni Aljur.

Ganu'n din daw ang hatol n'ya kay Jessy Mendiola—totropahin pero may possibility na dyowain. 

Pero agad na sinundan iyon ng Sandugo star ng defensive na paliwanag: "Nu'ng nakita ko talaga s'ya,” sey niya sabay turo kay Kylie, “Hindi ko na pinakawalan pa. Dyinowa ko na. Alam mo 'yon? 'Yon ang nakikita ko, e. E, hindi ko naramdaman ['yong spark] sa mga 'yon. So, tropa na pwedeng dyowain. Hindi naman ako magpapaka-ipokrito. Ang gaganda ng mga 'yan, o. Maaayos na tao, di ba?"

Mahaba rin ang paliwang ni Aljur nang masali na si Kris Bernal sa usapan na ka-batch n'ya sa StarStruck noong 2006, and later on naging ka-love team during his years with GMA Network. 

"Totropahin," sagot ng Kapuso-turned-Kapamilya actor. "Hindi, para alam n'yo, hindi lang kami nag-abot. Nauna ko s'yang nagustuhan tapos dumating 'yong time na s'ya na 'yong nagkagusto sa akin. Tapos nag-move forward kami. Tapos nagkaroon kami ng ibang klaseng friendship. Grabe. 

"'Yong sa screen... Talagang more than blessing in disguise na naging magkaibigan kami kesa nagkaroon ng serious relationship. Kasi it could have been... Baka masira sa set, kapag nag-away. Feeling ko s'ya lang 'yong kaibigan ko na magiging ganu'n, di ba?"

"Pero if ever [naging] parehas kayo... Nagsalubong kayo ng feelings?" pangungulit naman ni Kylie.

"Oo. P'wede. Nu'ng time na 'yon. May possibility maging kami. Dyo-dyowain," direktang tugon ni Aljur sa kanyang misis. 

Pero tila ibang-iba ang naging reaction n'ya nang mabanggit na si Kapamilya actress Shaina Magdayao.

"Oh, men..." bulalas ni Aljur. "Syo-syotain ko 'yon. Dyo-dyowain. Oh, men..."

"Bakit 'Oh, men'?" curious na tanong ni Kylie sa naging reaction ng asawa. 

"Kasi bata pa lang ako crush ko na s'ya," may himig ng kilig na sagot ni Aljur. “May effect 'yon sa... Akala ko ba walang magagalit?" 

"Bakit kasi 'Oh, men'?" balik-tanong ni Kylie sa asawa.


"Kasi naaalala ko 'yong childhood ko kapag pinapanood ko s'ya. Crush ko talaga... May mag-aaway nito mamaya," lahad pa ni Aljur sa camera na ang tinutukoy ay ang nag-iba ang timbreng si Kylie. 

Sabay naman silang sumagot ng "Dyo-dyowain" nang banggitin ang pangalan ng actress, model and beauty queen na si Michelle Dee

"Dyo-dyowain mo rin?" tanong ni Kylie.

"Oo," tugon ni Aljur. "Kasi tropa na natin, e, so dyo-dyowain ko na."

Paliwanag nila, isa daw kasi sa nakaka-attract kay Michelle ay ang kanyang personality at pagiging intellectual.

And because they save the best for last, pangalan ni Kylie ang nasa dulo ng listahan. 

Dito na napamura si Aljur at sinabing: “Aasawahin ko na 'yan. Aanakan ko pa.

Sa huli, sinabi ni Aljur na katuwaan lang ang ginawa nila. At bilang relationship goal tip, sinabi nilang importante ang openness ng mga mag-asawa para mas tumatag ang relasyon. 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Pika's Pick: Former Kapuso loveteam partners Kris Bernal and Aljur Abrenica reunite and exchange congratulations.

Robin, ayaw patawag ng “Daddy” kay Aljur

OMG! Vin and Allen Abrenica show off hunky bods on IG

Kylie Padilla gives birth to baby boy Axl Romeo!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.