Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan...nagka-problema kaming dalawa at na-mismanage namin when it comes to posting...na-spread sa mga tao.”

Photos: Instagram

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan...nagka-problema kaming dalawa at na-mismanage namin when it comes to posting...na-spread sa mga tao.”

February this year nang maka-amoy ang mapagmatyag na Netizens na tila may pinagdadaanan ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na cryptic posts ni Kylie na tila may kinalamang lahat sa relationship gaya ng:

“I’m submissive, not stupid,” More self-love, baby girl,” at “Free.” May pahabol pa siyang post na kita ang kanyang ring-less left hand.

Agad ding dinelete ni Kylie ang mga nasabing posts na bagama’t hindi pinangalanan si Aljur ay agad naka-trigger sa kanilang mga taga-subaybay na isiping there’s trouble in paradise, ika nga.

Pero noong March 8, araw ng celebration ng International Women’s Day, ay naglabas naman ng tribute post si Aljur tungkol sa asawa bilang pagbati. Ang post ay naglalaman ng series of photos ni Kylie, and this time, nakitang suot na muli ni Kylie ang kanyang wedding ring.

“Many photos of our Queen. #internationalwomensday,” pagka-caption pa ni Aljur sa kanyang post.

Nagbunyi ang kanilang mga fans dahil feeling nila ay naagapan ang “paghihiwalay” ng couple na ikinasal lang noong December 2018.

Mas na-reinforce pa ang paniniwala ng mga fans na okay na sila dahil noong March 25, a day after Aljur’s 31st birthday, ay muling nag-post si Aljur ng series of photos and videos na nagpapakita ng kanilang intimate birthday celebration as a family, kung saan present si Kylie at tila nag-silbi pang camerawoman ng mga candle-blowing moments ni Aljur

Ngayong hapon, May 24, sa virtual story conference ng upcoming Vivamax movie na Nerisa ay hindi naiwasang matanong si Aljur, who is Cindy Miranda’s leading man in the film, kung ano ba talaga ang mga naganap noong Pebrero.

Bagama’t matipid ang naging sagot ni Aljur ay hindi naman niya ikinailang may matindi silang pinag-daanan ng asawa.

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan...nagka-problema kaming dalawa at na-mismanage namin when it comes to posting...na-spread sa mga tao,” esplika ni Aljur na medyo garalgal ang video quality at erratic ang internet signal.

“Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to ...” patuloy ni Aljur pero may nag-garbled sa parte ng video.

Ang agad nang nasagap naming karugtong ay: “...what’s best sa aming dalawa at sa mga bata.”

Muka namang napag-usapan na nang maige ng mag-asawa ang naging gusot bagama’t tila work in progress pa ang lahat dahil maliban sa March 25 Instagram post ni Aljur ay kapwa wala pa silang social media post ng whole family photos at couple photos kumpara noon.

Sina Aljur at Kylie has two handsome boys—Alas Joaquin, 3; and Axl Romeo, one and a half years old.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aljur Abrenica, kasama si Kylie Padilla at dalawa nilang anak sa kanyang 31st birthday celebration

Mga cryptic posts ni Kylie Padilla, patama ba sa asawang si Aljur Abrenica?

Komedyanteng si Bearwin Meily, naibenta ang bahay dahil sa kawalan ng source of income

The Weeknd wins the most awards at the Billboard Music Awards 2021; but the BTS performance made the event more exciting

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.