Isa na umanong ganap na lolo si outgoing Manila City Mayor Isko Moreno dahil tatay na raw, sa edad na bente, ang binata at artista n’yang anak na si Joaquin Domagoso.
Iyan ang iniulat ng showbiz columnist and host na si Cristy Fermin sa radio and online show nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute nitong June 24.
Ayon daw sa kanyang source, totoo ang mga lumabas na tsika noong kalagitnaan ng campaign period na naging tatay na umano ang young Kapuso actor.
“Lolo na po si Mayor Isko Moreno. Dahil ’yon pong lumabas na kuwento nu’ng kasagsagan ng kampanya hanggang eleksyon na hindi po nila kinontra at hindi po nila sinang-ayunan…ito po, ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso,” pagbabalita ni Manay Cristy sa kanyang show.
Aniya pa, mainam na rin daw na hindi kinontra ng mag-ama ang balita para kapag nagkalabasan ng totoo later on ay walang maibabato sa kanila pabalik ang publiko.
“Kaya pala wala silang imik nu’ng lumabas itong kuwentong ito. Pero alam mo, ang laking bagay nu’n nu’ng hindi sila nagsalita. Kapag wala kang kinontra, wala kang babawiin kapag totoo pala,” sabi pa ng veteran showbiz writer.
Inilarawan pa ni Manay Cristy, na ayon umano sa kanyang source, ay kahawig daw ni Mayor Isko ang kanyang lalaking apo.
“Kamukhang-kamukha daw ni mayor ayon sa ating source. Batang lalaki, pinangalan po nilang Scott… Nakakatuwa. Lolo na si Yorme. Napaka-cute daw po ng baby ni Joaquin Domagoso. Ang tambok-tambok daw ng pisngi, ang taas ng ilong, ang gwapo-gwapo,” lahad pa n’ya.
Samantala, pinapurihan naman niya ang batang ama na si Joaquin dahil hinarap naman daw nito ang kanyang resposibilidad.
“Oo, batang ama si JD, pero responsableng batang ama kasi pinanindigan niya ang pagdadalang tao ng kanyang karelasyon at binigyan niya ng pangalan ang kanilang baby.”
And speaking of karelasyon, hindi naman n’ya pinangalanan kung sino ang ina ng batang dalawang buwan na umano ngayon.
“Ngayon, kung tatanungin n’yo po kami kung sino ang mommy ng baby, hayaan na lang natin na ang magsabi nito ay si Joaquin kapag nagbigay s’ya ng pahayag,” saad pa n’ya.
Samantala, lumabas sa mga balita na ang babaeng karelasyon ng aktor si Raffa Castro, anak ng dating artistang si Diego Castro at younger sister ni Kapuso actress Claire Castro.
Isinilang umano ni Raffa ang baby nila ni Joaquin—na pinangalanan nilang Scott Angelo Domagoso— noong April 28 sa FEU Medical Center sa Quezon City.
As of this writing ay kapwa wala pang opisyal na pahayag ang kampo nina Joaquin at Raffa sa balitang ito.
YOU MAY ALSO LIKE:
Anak ni Yorme Isko Moreno na si JD Domagoso, natatakot daw na natutuwa sa kasikatan ng tatay niya
Cassy Legaspi, nami-miss ang pagiging caring ni JD Domagoso sa set ng First Yaya
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber