Allen Dizon, hirap sa role bilang transgender: “Hindi ako komportable!”

PHOTOS: Lito M & Dennis Evangelista

PHOTOS: Lito M & Dennis Evangelista

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap bilang transgender woman ang Urian at international best actor awardee na si Allen Dizon. 

Sa isang special two-part episode ng “Magpakailanman” (MPK) titled “Kailan Naging Ama Ang Isang Babae: The Roxanne D’Salles Epic Story,” gagampanan ni Allen ang makulay na buhay ni Roxanne D’Salles, a former US Navy and was born as a man named Roland Aggabao. 

“Hindi ko ma-imagine na kayang kong gawin ‘yun pero sa tagal ko na rin sa industriya, komportable na ako sa kung anuman ‘yung ginagampanan kong role at kung anuman ‘yung mga hindi ko pa nagagawa. Gusto kong subukan, so, napa-timing,” 

Bago ang alok ng MPK, nakatanggap na rin daw si Allen ng offer to play gay role sa ilang indie films but he politely turned it down. 

“Kasi kung may ganu’ng role, tinu-turndown ko na kaagad, ayokong gawin. Hindi kasi ako komportable, ang tigas ng katawan ko, hindi bagay ‘yung boses ko,” pangangatwiran ng award-winning actor. 

Bakit pumayag siyang gawin ang isang episode ng MPK?

“No’ng binigay nila ‘yung script sa akin at binasa ko, ah, hindi naman pala siya ano, parang lalaki siya, nag-asawa at nagkaroon ng anak sa labas tapos no’ng nagpa-sex change siya, doon siya naging parang babae which is no’ng transition na kaya ko namang gawin.”

“Sa make-up, si direk Zig (Dulay), ‘yung aming director, nag-usap na lang kami kung papaano ‘yung gusto niyang style, about sa boses, about sa ganyan, about sa kilos,” kuwento niya. 

Mahirap bang gumanap bilang transgender?

“Nahirapan ako sa... siyempre, kailangang paliitin ko ‘yung boses ko tapos medyo malambot ‘yung mga kilos ko,” lahad ng aktor. 

Dagdag niya, “Dapat talaga girl, babaing-babae talaga siya kasi sex change siya, tranny na siya so, tapos naka-wig ako at naka-full make up ako.” 

“Kailangan ko talagang gawing makatotohanang babae ako kasi si  Roxanne in real life, talagang girl siya. Babae talaga ‘yung hitsura niya— the way na magsalita and the way na kumilos siya.”

“Dati siyang US navy. He’s trying to be a real man. Talagang pinipilit niyang maging lalaki siguro pero mas lamang pa rin ‘yung pagiging babae niya,” lahad pa ng former Viva Hot Men member.

Aminado si Allen na hirap siya sa papel niya pero nailusot na ito with flying colors. 

“Yung nagrehearse ako nang naka-heels, na kailangang maging malambot ako. Nagrehearse ako. Inabot kami ng mahigit 3 hours bago kinunan ‘yung eksena.”

“Bago sa akin ito, bagong mapapanood ng mga tao,” pagmamalaki niya. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darren Criss, ayaw na ng gay roles

Stars you didn’t know were painters

Meet Allmo$t, the group behind the hit single "Dalaga"

Eddie Garcia, role lang daw ng kinse anyos ang di niya pwedeng tanggapin (a retrospective article)

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.