Alwyn Uytingco, tinawag na “milagro” ang pagse-celebrate nila ng 12th anniversary ni Jennica Garcia: “Muntik na nga magtapos sa 11th year.”

Alwyn Uytingco sa date nila ni Jennica noong Valentine’s Day: “Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya. Pero simple lang naman ang ganap.”

PHOTO: @alwynxalaskador on Facebook

Alwyn Uytingco sa date nila ni Jennica noong Valentine’s Day: “Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya. Pero simple lang naman ang ganap.”

Happy and grateful ang aktor na si Alwyn Uytingco sa nakuha n’yang second chance mula kay Jennica Garcia. Dahil dito ay nakapag-celebrate sila ng Valentine’s Day at 12th anniversary nang magkasama.

Sa lengthy post-Valentine update ni Alwyn sa kanyang Facebook na pinamagatan pa niyang “I See You,” mas pinili daw n’yang i-celebrate ang Valentine’s Day at anniversary nila ni Jennica kesa sa kanyang birthday. 

“Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin.. bday ko, anniversary namin tapos may balentimes pa. Hindi sa lahat ng oras napagbibigyan kami ng chance ma-celebrate lahat ng ‘yan,” panimulang kuwento n’ya. 

“Una sa first, hindi ko na inisip magpa-party para sa bday ko. Dahil syempre Covid, at saka tumatanda na ko, ice-celebrate ko pa? Teka lang.. hindi naman nakakatuwa ‘yon ah. At ayoko na ng attention para sa sarili ko. Kaya mas excited ako na ipagdiwang anibersaryo at balentimes namin ni Jen. Lalo na sa taon na ‘to.”

Tinawag nga n’yang milagro na umabot ng 12 years ang kanilang pagsasama dahil last year ay naging laman ng mga balita ang kanilang paghihiwalay. Inamin din n’ya na kasalanan n’ya kaya dumaan sa chapter na iyon ang kanilang marriage. 

“Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sakin. Ako po ang may sala. Sorry na po.) Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga,” lahad pa ni Alwyn. 

And to celebrate the occasion, naglibot sa isang museum ang celebrity couple na surprise daw ng aktor kay Jennica.

“Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya. Pero simple lang naman ang ganap,” paliwanag n’ya. 

“Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam alam. Sabi ko lang, papasyal kami. Ganern. Matagal na niyang gusto makapunta sa museum na ‘yon, lalo pa ng malaman niya na nakapag shoot ako doon.”

Matapos ang paglilibot sa museum, inaya daw n’ya si Jennica sa bamboo garden at doon n’ya naalala ang Hollywood film na Avatar.

“Nung mapagod na kami, nag aya si Jennica na umuwi na. Sabi ko, puntahan muna namin yung garden sa labas ng Gallery 7. At yon ang da best na panapos sa day trip namin. Hindi namin inaasahan na may mga tumpok ng bamboo doon sa garden,” salaysay pa ni Alwyn sa naging date nila ng kanyang misis.

“Sa tuwing humahangin, parang kumakanta yung mga bamboo kapag nagbe-bend yung trunk nila. Doon ko naalala yung pelikula na Avatar. Hind yung airbender, yung kulay blue sila.”

Aniya, ang pelikulang ito daw kasi ang naging laman ng usapan nila noong magkita sila ni Jennica for the first time. 

“Recently pinanuod ko ulit yung Avatar ni James Cameron kasi favorite ko ‘yon at may balita na magkakaroon daw ito ng part 2(and 3??). Naaalala ko na ito nga pala ang kauna-unahang bagay na sinabi ko kay Jennica noon, nung hindi pa kami mag jowa,” pagpapatuloy niya. 

“Nasa isang bar kami noon. Kasama ang common friends namin. Halos magkatabi kami, pero di kami nag uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi, ‘Napanuod mo na ba ‘yong Avatar?’ Sagot niya, ‘Hindi, ano ‘yon?’ Doon na nagsimula ang conversation namin. And up to this day, hindi ko pa rin makakalimutan ang topic namin na ‘yon.”

May specific line daw kasi sa movie na naaalala n’ya at ’yon ang nakikita n’ya ngayon sa kanyang asawa. 

“May isang linya doon sa pelikula na sinasabi ang mga character na tumatak sa akin. Yung quotable line na ‘I see you, Jakesully,’” paglalahad pa ni Alwyn. 

“Imagine, sabihin sa’yo ng isang warrior princess ‘yon.. na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya ‘yong presence mo. ‘Yong kapasidad mo, yung worth mo.”

And because of this, nagkaroon na daw ng kakaibang impact sa kanya ang pelikula sa pinagdaanan nila ng aktres. 

“At noong nag rewatch ako ng Avatar, mas mabigat na sakin ang mga salitang ito. I SEE YOU. Na para bang mas matimbang pa ito kaysa I love you,” pag-o-opinyon pa ng aktor. 

Sa dulo ng kanyang post, nagpasalamat si Alwyn sa kanyang misis sa pagmamahal nito sa kanya despite his imperfections at sa pagbibigay sa kanya ng second chance. 

“Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal,” aniya.

“I see you, Jennica. Mahal kita,” pagtatapos ni Alwyn. 

 

“I See You” Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin.. bday ko, anniversary namin tapos...

Posted by Alaskador on Tuesday, February 15, 2022

Masaya naman ang mga fans nila sa magandang kinahantungan ng pagsisikap ni Alwyn na magkabalikan sila ni Jennica.

Matatandaan na sikretong nagpakasal sina Alwyn at Jennica noong 2014 at binyayaan ng dalawang anak na babae, sina Athena Mori at Alessi, ang kanilang pagsasama.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.