Aminadong dating bully, Vin Abrenica, ini-isa-isa ang mga dating biktima para hingan ng tawad

(Right Photo) Shaina Magdayao, Direk Dwein Baltazar & Loisa Andalio

PHOTOS: Melo Balingit

(Right Photo) Shaina Magdayao, Direk Dwein Baltazar & Loisa Andalio

Si Vin Abrenica ang bidang lalaki sa iWant series na Past, Present, Perfect? na kasalukuyang nag-i-streaming for free online.

Ngayong Martes, June 4, ay nagkaroon ng presscon sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN ang serye at isa sa tanong kay Vin ay kung ano ba ang kanyang natutuhan sa kanyang nakaraan.

“Marami akong natutuhan na lessons in my past. Tanggap ko naman lahat ng nangyari,” paunang pahayag ni Vin. May mga natutuhan ako. Pero siguro ang isa sa pinakamasakit na naalala ko ay ’yong comparison sa akin bago pa man ako pumasok sa showbiz.”

Inilarawan din ni Vin ang kanyang former self as the “bad one.”

“I was the black sheep noong bata ako,” siwalat ni Vin. Kung ang ibang ay naranasan na ma-bully when they were young, ako ang pinakamasama kong ginawa ay ang maging bully.”

Wika pa ni Vin, sobra niyang pinagsisihan ngayon ang pagiging bully niya noong araw.

“To the point na I went to my friends to say sorry to them. Pag nagkikita kami, I personally say to my friends na na-bully ko. I realized na hindi tama ang maging bully kaya now I am trying to make amends sa mga friends ko. 

“Sabi naman nila sa akin, okay lang ’yon kasi mga bata pa naman kami that time. Pero may mga iba akong kaibigan na naiiyak pag nagso-sorry ako sa kanila. Hindi ko na gagawin iyon. Ang biggest lesson na natutuhan ko ay hindi tama ang maging bully.”

Incidentally, agad na nag-trend sa Twitter ang tungkol sa Past, Present, Perfect? mula nang ito ay ipalabas noong May 31. Marami ang pumuri sa cast, nag-recommend sa mga kakilala, at nagsabing nakaka-relate sila sa kuwento ng serye. Catch Vin in the series  along with Loisa Andalio and Shaina Magdayao on iWant.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Meet Allmo$t, the group behind the hit single "Dalaga"

Stars you didn’t know were painters

Lovi Poe and Chris Johnson spark breakup rumors

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.