Ana Jalandoni, napatawad na si Kit Thompson; pero “’yong case po namin iniwan ko po ’yon sa legal team ko.”

“Wala na po akong galit kasi ni-let go and let God ko na po ’yon.”-Ana Jalandoni on Kit Thompson

PHOTOS: @realanajalandoni & @kitthompson on Instagram

“Wala na po akong galit kasi ni-let go and let God ko na po ’yon.”-Ana Jalandoni on Kit Thompson

Pinatawad na raw ng aktres na si Ana Jalandoni ang dati n’yang nobyo na si Kit Thompson sa nagawa nitong pisikal na pananakit sa kanya two months ago.

Sa media conference ng Asia’s Golden Icon Awards nitong June 8 – kung saan ipinakilala s’ya bilang Most Empowered Celebrity of the Year awardee– inilahad ni Ana sa entertainment press na wala na s’yang galit sa dati n’yang kasintahan sa kabila ng mga nagaw nito.

Kinumusta kasi s’ya ng press sa estado n’ya ngayon matapos nga ang naging kontrobersyal nilang hiwalayan. 

Matatandaan kasi na na-rescue ng mga pulis itong si Ana noong March 18 sa isang hotel sa Tagaytay matapos siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan. 

Tadtad ng pasa ang mukha that time ng aktres dahil sa tinamo niyang pambubugbog umano ni Kit.

Nadakip naman ang aktor at dinala ito sa kostudiya ng pulisya hanggang sa nakapagpiyansa ito at pansamantalang nakalaya. 

Ganu'n man daw ang kinahantungan ng kanilang relasyon ay napatawad na umano ni Ana si Kit. 

 “Wala na po akong galit kasi ni-let go and let God ko na po ’yon,” pagbabahagi n’ya sa press. 

Gusto ko na rin pong mag-start para sa sarili ko. Hindi makakatulong sa akin kung may galit ako sa puso ko… Alam ko po may pupuntahan ito na maayos lahat.

Kailangan umano niyang magpatawad para tuluyan siyang maghilom.

Ganu’n pa man, hindi pa rin naman niya inuurong ang isinampa niyang kaso laban sa aktor. 

Bale po ’yong case po namin iniwan ko po ’yon sa legal team ko,” saad ni Ana. 

Iniwan ko na po ’yon sa counselling team ko, sa mga attorney ko. Sila na po ang bahala doon.”

Sa ngayon ay nakatuon daw ang atensyon n’ya sa trabaho. Thankful din siya sa mga taong sumusuporta sa kanya.  

May mga friends ako and my family nakasuporta sa akin. ’Yong management ko po sa Cornerstone, they helped me din po kasi gusto ko na talagang magtrabaho nang magtrabaho. Doon po ako naka-focus ngayon, sa trabaho,” sabi pa niya. 

Natanong din ang aktres kung ready na ba siya na tumanggap ng manliligaw at pumasok sa relasyon. 

Hindi pa po. Wala pa po ako du’n,” sagot ni Ana. “Trabaho po muna saka negosyo pa din. Doon muna ako.”

Madali naman makipagrelasyon. Ewan ko… Wala pa [nagpaparamdam]. Wala pa naman,” pagtatapos niya. 

At base na rin sa award niya bilang Most Empowered Celebrity, natanong din siya kung paano ba ang maging isang empowered na babae.

"Do the right thing. Basta alam mong nasa tama ka, ramdam mong nasa tama ka, gawin mo para sa sarili mo para maging empowered ka,” pagtatapos ni Ana. 

Maliban sa aktres, kinilala din si Kirst Viray bilang Aspiring Actor of the Year, habang si Atak Arana naman ang Outstanding Comedian of the Year.

Gaganapin ng awarding ceremony ng Asia's Golden Icon Awards sa June 28 sa Grand Ballroom ng Okada Manila Resort sa Parañaque City.
 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pamilya ni Ana Jalandoni, desididong kasuhan si Kit Thompson dahil sa umano’y pambubugbog sa aktres

Pangungulit nga ba ng isang dating karelasyon ni Ana Jalandoni ang pinagmulan ng away nila ni Kit Thompson na nauwi sa umano’y pambubugbog ng huli?

Xian Gaza, dumistansya sa isyu nila Kit Thompson at Ana Jalandoni

Ayon kay Ana Jalandoni, verbally and physically abusive na umano si Kit Thompson sa kanya noon pa man

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.