Anak ni Mayor Isko Moreno na si JD Domagoso, ayaw daw tumira sa Malacañang

PHOTOS: @jdomagoso on Instagram

PHOTOS: @jdomagoso on Instagram

Ayaw at hindi daw nakikita ng young Kapuso actor na si JD Domagoso na titira s’ya at ang kanilang pamilya sa Malacañang someday. 

Iyan ang naging sagot n’ya nang matanong s’ya ng press sa virtual media conference kahapon, March 8, para sa upcoming primetime series ng GMA Network na First Yaya kung saan isa s’ya sa cast members. 

Dito, makakatambal ni JD ang dalagang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na si Cassy. Ito rin ang unang beses na sasabak sa primetime series ang gwapong anak ni Manila Mayor Isko Moreno.

Sa presscon, natanong ang young actor sa kanyang saloobin dahil nakukumpara sila ng kanyang actor-turned-public servant daddy.

May lumabas kasi na magkahiwalay na video sa social media noon kung saan makikitang sumasayaw silang mag-ama. Kuha sa programang That’s Entertainment ang dancing video ni Mayor Isko na halos ka-edad lang din ni JD noong time na ‘yon. 

Basta ako mas pogi ako,” confident na sagot ni JD sa press pero natatawang binawi agad ang kanyang sinabi. “Joke lang.

Wala naman daw issue sa kanya na naihahalintulad s’ya sa tatay n’ya dahil inaasahan na daw n’ya na mangyayari ‘yon. 

Okey lang naman sa akin na ma-compare ako sa tatay ko kasi given naman ‘yon na mako-compare kami,” pahayag ng 19-year-old Kapuso star. 

Pero that’s not my focus naman, e,” dagdag pa n’ya. “That’s what he wanted to do when he was a kid. Ako rin naman gusto kong maging artista so hindi ko naman kino-compare ‘yong mga achievement n’ya sa akin kasi we all have different phases and different experiences po.

Isa pa sa naitanong sa aktor ay kung nakikita ba n’ya na balang araw ay titira s’ya sa Malacañang.

Umiikot kasi ang k’wento ng romance drama series nila sa isang yaya - na gagampanan ni Sanya Lopez - ng mga anak ng presidente ng bansa na s’yang character naman ni Gabby Concepcion.

At sa kaso ni JD, hindi nawawala ang posibilidad na balang araw ay tumira ng kanyang pamilya sa Malacañang lalo pa’t nasa pulitika ang kanyang ama na alkalde ngayon ng lungsod ng Maynila na nababalita ring may planong tumakbong presidente someday.

Sana po hindi,” sagot n’ya. “Sana po hindi. Ayoko talaga

Kapag nangyari daw kasi ‘yon baka mag-iba ang tingin sa kanya ng mga tao at ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Isa pa sa inaayawan n’ya sa ideyang ‘yon ay ang pagkakaroon ng bodyguard. 

Baka umiba ‘yong tingin ng tao sa akin or magiging mahirap ang buhay, e. May bodyguard ka na lagi. E di, papano ‘yon? Papano ka makaka-enjoy ng buhay?” lahad n’ya.

Alam naman kaya ng Daddy Isko n’ya ang opinyon n’yang ‘yon?

Sey ni JD, wala naman daw planong kumandidato sa pagkapangulo ang kanyang tatay at naka-focus ito sa trabaho nito bilang mayor ng Maynila. 

Opinyon ng dad ko… Ayaw din n’yang tumakbo bilang presidente. Hanggang mayor lang po s’ya,” sagot ng young actor. 

Anyway, mapapanood na ang First Yaya, top-billed by Sanya Lopez and Gabby Concepcion, sa GMA Telebabad simula March 15 na papalit sa time slot ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Political rivals sa pagka-mayor ng Maynila noon na sina Isko Moreno at Erap Estrada, nagkaayos?

Mayor Isko Moreno, binalikan ang “basurero-to-glitz and glam” showbiz life niya; payo niya sa mga baguhan, “mag-ipon nang mag-ipon dahil hindi lahat ng oras ay tag-araw.”

Pika's Pick: Yorme Isko Moreno says even non-Manilenos are welcome to get their Covid vaccine in his city once they arrive

Mayor Isko Moreno, hinamon ang mga senador na i-donate ang sweldo sa tao

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.