Isa si JD Domagoso, ang 18 year old na anak ni Manila Mayor Isko Moreno, sa mga regular stars na mapapanood every Sunday sa kalo-launch lang na new Sunday musikomedya show ng GMA-7 na All Out Sundays.
At s’yempre, hindi maiwasang matanong ang bagets tungkol sa sikat niyang tatay, ang tinatawag ngayong rockstar mayor na si Yorme Isko. Ayon kay JD, maski siya ay nagugulat sa second-wind kasikatan ng tatay niya na akala daw niya ay limited lang sa mga taga-Metro Manila lang. Pero kapag nag-a-out-of-town daw silang pamilya ay pinagkakaguluhan pa rin daw ang tatay niya.
As his son, unti-unti na rin daw siyang nakaka-adjust sa pagka-popular ng ex-That’s Entertainment member niyang tatay. May mga pros and cons daw ito.
“Nakakatakot…in a good way,” panimula ng ma-charismang bagets. “First, nakakatakot because, you know, papa is getting famous. People might just come...go close to you for bad reasons. Good way because when he got famous na, people are having more hope… may nababago sa Manila …Kaya palang gawin, di ba? Gulat ’yong mga tao ’no? Kaya palang gawin, kaya.”
Ang tinutukoy niya ay ang project ng tatay niyang literal na linisin ang mga kalye ng Maynila, kabilang na ang pagsasa-ayos ng trapiko na dali-dali nitong na-solusyunan pagka-upong-pagka-upo bilang alkalde ng said lungsod.
Aware daw si JD kung gaano ka-hands on at ka-sipag ang tatay niya dahil Yorme daw leads by example.
“Priorities. Laging may time,” pagsa-summarize ni JD sa attitude ng tatay. “‘If you want tomorrow to change, you got to do something about today.’ ’Yon ang palaging sinasabi ni Papa.”
As per JD, hindi naman daw siya nahirapang hingin ang blessing ng tatay niya sa pagsabak niya sa showbiz. Kasunduan lang daw nilang hindi mapapabayaan ang pag-aaral niya ng Business Entrepreneurship.
Kitang-kita kay JD na enjoy na enjoy siya sa pagso-showbiz na bagay naman sa kanya dahil guwapo’t ma-PR ang bagets. Tuwang-tuwa siyang napabilang sa All Out Sundays dahil mahilig siyang sumayaw.
“Enjoy naman,” say ng malikot na bagets habang suma-sayaw-sayaw. “It gives me more dancing projects.”