Andi Eigenmann, pinaiyak ang inang si Jaclyn Jose

Binigyang-tribute ni Andi Eigenmann ang kanyang premyadong aktres na nanay sa kanyang kaarawan ngayong araw.

PHOTOS: @andieigengirl & @jaclynjoseofficialfanpage on Instagram

Binigyang-tribute ni Andi Eigenmann ang kanyang premyadong aktres na nanay sa kanyang kaarawan ngayong araw.

Tribute sa pagiging ina ang naging sentro ng message ni Andi Eigenmann for her mom, the multi-awarded actress Jaclyn Jose, who is currently celebrating her birthday today, October 21.

Ibinida ni Andi sa Instagram ang mga natutunan n’ya dito noon na ginagawa na n’ya ngayon bilang isa na ring ina.

“Maligayang kaarawan sa aming NANAY!” panimulang pagbati ni Andi sa kanyang celebrity mom na nilakipan niya ng larawan nilang mag-ina noong baby pa siya.

”We all may have different priorities and beliefs as parents raising our children, but the most important gift we can give to our children is to love, and love them with all our hearts. With that, you won't go wrong,” pahayag pa n’ya.

Pinasalamatan din ni Andi ang kanyang ina sa walang-patid nitong pagmamahal sa kanya at sa kanyang mga apo.

“And this I learned from YOU! Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag alaga sa amin,” lahad pa ng Siargao-based mother of three kids. 

“Wala ako rito kung hindi dahil sa iyong pagmamahal at suporta. Mahal na mahal ka namin!”

Paalala pa ni Andi sa kanyang ina, panahon na raw para mag-self love ito.

 “Wag kalimutan, ibigay naman ang pagmamahal sa iyong sarili. We will see you soon!”

Sa comment section ay napa-comment si Jaclyn na obvious na na-touch sa gesture ng kanyang panganay.

“Naiyak naman ako, anak..mahal na mahal ko kayo,” ani Jaclyn na sinundan ng tatlong red heart emojis.

SCREENSHOT: @andieigengirl on Instagram

Nagpaabot din ng pagbati para sa The World Between Us star niyang ina ang mga online followers ni Andi sa comment section ng kanyang IG post na, at press time, ay meron ng mahigit 80.3K hearts. 

Happy birthday, Ms. Jaclyn.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.