Andi Eigennman, naghihimutok sa mga masasamang paratang sa Surigaonon fiancé niyang si Philmar Alipayo

Patuloy na nananawagan si Andi ng tulong para sa mga biktima ni Super Typhoon Odette sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Nag-pledge din sila ni Philmar na kanilang ido-donate ang mga kikitain sa kanilang YouTube vlog na “Happy Islanders” para sa relief and rehabilitation ng mahal nilang Siargao.

PHOTOS: @andieigengirl on Instagram

Patuloy na nananawagan si Andi ng tulong para sa mga biktima ni Super Typhoon Odette sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Nag-pledge din sila ni Philmar na kanilang ido-donate ang mga kikitain sa kanilang YouTube vlog na “Happy Islanders” para sa relief and rehabilitation ng mahal nilang Siargao.

Walang araw na hindi nanawagan ng tulong ang aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang mahal na Surigao del Norte at kalapit na lalawigan sa Visayas at Mindanao na hinagupit ng super bagyong Odette noong December 16.

Gamit ang kanyang Instagram Stories ay walang patid ang pagpo-post ni Andi ng mga kaganapan sa Siargao, her home for the past several years, kalakip ang pananawagan ng tulong. Ina-update din niya ang kanyang mga followers kung ano ang mga kailangan doon, maging ng iba’t ibang paraan paano makapaghahatid ng tulong.

Masuwerte na lamang na hindi inabutan sina Andi at fiancé na si Philmar Alipayo at ang tatlong anak nilang sina Ellie, Lilo, at Koa ng bagyo doon dahil nasa Manila na sila, as early as December 12, para makapiling ang ina at lola ng mga bata na si Jaclyn Jose ngayong Pasko. Kaya’t hindi nila naranasan directly ang bagsik ni Odette na puminsala sa mga kababayan natin doon.

Ang paraiso nilang Siargao kasi ang naging sentro ng landfall ng bagyo at mababakas sa mga news reports kung gaano katindi ang iniwan nitong pinsala. Maging ang bahay nina Andi at Philmar, bagama’t minimal damage lang kumpara sa iba, ay dumanas din ng pinsala.

Nang may pagkakataon nang makabalik si Philmar doon para tulungan ang pamilya at mga kababayan na pansamantala niyang iniwan doon ay agad itong lumipad pa-Siargao. 

Sa kanyang Instagram Stories pa rin, ikinuwento ni Andi kung paanong mabigat man sa loob ay iniwan sila ni Philmar para asikasuhin nang kanilang pamilya at ari-arian doon.

“@chepoxz just got back to Siargao and left me and the kids with a heavy heart in order to go and see our family what more we could do to help,” panimula ng aktres sa kanyang IG Story post.

Sa pakikipag-unayan  ni Philmar sa isang private flight company, ang Sunlight Air, na maghahatid ng tulong sa Siargao, nakibakas siya as a volunteer para maka-balik ng Siargao. At naroon na rin lang, tinanong niya ang mga tao ng Sunlight Air kung p’wede siyang magbitbit ng ilang boxes na naglalaman ng tulong para sa kanyang pamilyang nasalanta rin. Pinayagan naman umano si Philmar.

Kaya laking dismaya ni Andi nang may naglabasang akusasyon na umano’y nagnakaw ng donation good si Philmar para sa sarili niyang pamilya.

“When he got a set on the @sunlight_air plane as a volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes!” pagbabahagi pa n’ya. 

“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he’s more than willing to use his own money just to help out community out,” pagpapatuloy ni Andi.

SCREENSHOT: @andieigengirl on Instagram

Isa pa sa ikinasasama ng loob n’ya ay ang pagdududa daw ng mga tao sa kanyang fiance sa pagkakaroon nito ng pera gayong nagtatrabaho naman daw ito para sa kanyang pamilya, lalo na para sa kanyang mga anak.

“Just so hurtful that it always seems to be so hard to believe that my fiance has his own money to spend too because he works to earn it,” himutok pa ng aktres. 

“Now with some, he is still the same simple man who doesn’t need really need much. Just for his kids to have a good life. Which is why it isnt hard for him to share his blessings to HIS HOME.”

Aniya, kahit na may pera ay nananatiling simple daw si Philmar dahil nasanay na ito sa payak na pamumuhay. 

“Before he left I keep telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, ‘Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purified water, no proper food to eat. I WILL BE OK,’” pagtatapos ni Andi sa kanyang post.

SCREENSHOT: @andieigengirl on Instagram

Patuloy na nananawagan si Andi ng tulong para sa mga biktima ni Super Typhoon Odette sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Nag-pledge din sila ni Philmar na kanilang ido-donate ang mga kikitain sa kanilang YouTube vlog na “Happy Islanders” para sa relief and rehabilitation ng mahal nilang Siargao.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.