Andre Yllana, “go na go” sa posibleng kasalan ng nanay na si Aiko Melendez at ng boyfriend nitong si Vice Governor Jay Khonghun

May blessing na ang bagong Viva artist na si Andre Yllana kung sakaling magpapakasal na ang kanyang ina na si Aiko Melendez sa boyfriend nitong si Vice Governer Jay Khonghun!

PHOTOS: @andreyllana (L) and @aikomelendez (R) on Instagram

May blessing na ang bagong Viva artist na si Andre Yllana kung sakaling magpapakasal na ang kanyang ina na si Aiko Melendez sa boyfriend nitong si Vice Governer Jay Khonghun!

Ipinakilala na bilang bagong miyembro ng Viva Artists Agency si Andre Yllana, ang guwaping na anak ng aktres na si Aiko Melendez at aktor na si Jomari Yllana.

Pormal siyang pinakilala ng Viva sa pamamagitan ng isang digital press conference via Zoom ngayong Biyernes, February 5.

During the course of the presscon, na-mention ni Andre na merong “mom’s instinct” si Aiko pag dating sa kanya kung saan nararamdaman nito kung may problema ang anak, lalo na kung may kinalaman sa love life. Tanong naman ng pikapika.ph, kung meron din ba si Andre na “son’s instinct” at nakakaramdam din ba ito kung may dinaramdam ang ina.

“Yes, meron po,” sagot ni Andre. “Malakas po akong kumutob kunyari ’pag si mommy may problema. Kunyari malungkot si mommy, parang merong uma-ano po sa akin na ‘Ano kaya ’yon? Parang may something po, ahh.’ kaya nararamdaman ko po kaagad.”

Namention din ng pikapika.ph ang vlog ni Aiko noong January 10 kung saan nagpasabog ang celebrity psychic na si Jovi Vargas sa mga predictions niya sa ilang celebrities at politicians this 2021. Isa sa naipahaging nito ay tungkol sa napipintong kasal umano ni Aiko ngayong taon sa boyfriend niyang si Jay Khonghun na Vice Governor ng Zambales. 

Kung sakaling mangyari ’yon, may blessing na ba ang si Andre sa nanay niya?

“Yes, go na go po ako, lalo na po kay Tito Jay,” enthusiastic na sagot ni Andre. “Sobrang big thanks din po kay Tito Jay dahil hindi po ako ngayon [nandito] kundi dahil po kay Tito Jay kaya super thank you...kaya go na go tayo diyan ’pag may kasalan.”

Dagdag pa ni Andre na naging maganda na ang bonding nila ni Jay at naging father figure na ito sa kanya.

“Si Tito Jay naman po kasi, maganda naman po ’yong bonding po namin. So, ’yong mga missing pieces po hinahanap ko as a father figure po, nakukuha ko naman po kay Tito Jay kaya big thanks po talaga kay Tito Jay,” kwento pa ng new Viva artist.

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.