Andrea Brillantes, aminadong siya ang gumawa ng “first move” kaya sila nagkalapit ni Ricci Rivero

Ayon kay Andrea Brillantes, never daw n’ya na-imagine before na magiging magkasintahan sila ni Ricci Rivero. Bukod daw kasi sa hindi impressive na first impression n’ya dito ay tadtad pa umano ng red flags ang binata.

PHOTOS: @ricciiirivero on Instagram

Ayon kay Andrea Brillantes, never daw n’ya na-imagine before na magiging magkasintahan sila ni Ricci Rivero. Bukod daw kasi sa hindi impressive na first impression n’ya dito ay tadtad pa umano ng red flags ang binata.

Inamin ng aktres na si Andrea Brillantes na s’ya ang gumawa ng first move kaya sila nagkalapit at nauwi bilang magkasintahan ng basketball star na si Ricci Rivero.

Ito ay sa kabila ng hindi magandang first impression n’ya sa basketbolistang aktor. “Mayabang, suplado, at akala mo kung sino” daw kasi ang unang pagkakakilala n’ya dito. 

Sa vlog entry ni Andrea kasama ang nobyo, nitong October 4 ay sinagot nila ang karaniwang tanong ng fans na kinalap n’ya from Twitter and Instagram. 

Kabilang nga sa mga naitanong sa celebrity couple ay kung sino ba ang gumawa ng “first move” sa kanilang dalawa. 

Dito na nagkabukuan kung saan lumalabas na ang Kapamilya actress pala ang nagsimula ng lahat, unintentionally. 

Ngayon po, itong relationship na ito…s’ya [si Andrea],” sagot ni Ricci sabay baling sa kanyang nobya. “Ikaw ’yong nagpa-follow, ikaw ’yong nagme-message [sa Instagram].”

Wala namang nagawa si Blythe, nickname ni Andrea, kundi akuin ang mga sinabi ng kanyang boyfriend. Pero may pa-throwback s'ya. 

Opo, ako… Dati po nag-chat na sa akin si Ricci before sa private account ko. And then nu’ng [Gintong] Kadena days, nag-DM [direct message] na s’ya sa akin pero hindi ako nag-reply sa kanya,” pagbabaliktanaw ng aktres. 

Tapos ’yon na nga, [hindi sinasadyang] nagkita na kami [sa Xylo at the Palace sa Taguig]," dagdag pa n’ya. 

Hirit naman ni Ricci, after daw ng pagkikita nila sa bar ay saka lang ulit nag-follow sa Instagram account n’ya si Andrea. Nag-follow-han daw kasi sila sa IG before nu'ng mga panahong hindi pa sila close at hindi pa gaanong kilala ang isa't isa. 

Dapat pina-follow namin ang isa’t isa pero nag-unfollow din kami sa isa’t isa,” natatawang paliwanag pa ng aktres.

“Tapos nag-follow [uli] s’ya after ilang days after nu’ng Xylo,” dagdag detalye pa ng boyfriend niyang basketbolista.

Depensa naman ni Blythe sa ginawa n’ya, “Nasa IG Stories ka kasi ng mga friends ko. Ang sabi ko sa sarili ko, ‘In-unfollow ko s’ya dati. I-follow ko nga uli.’

Natuwa lang daw kasi s’ya na pareho pala silang mahilig ni Ricci sa astrology.  

Kasi nag-post s’ya ng astrology [sa IG Story]. Sabi ko, ‘He’s interested in astrology also.’ Kasi nga, ’di ba, mahilig ako sa mga zodiac signs. So parang natuwa lang ako [na may] lalaki na mahilig sa astrology,” esplika pa n’ya. 

Nag-comment daw si Blythe sa IG Story na iyon ni Ricci, na natanggap naman ng aktor bilang IG message. Nag-reply naman daw doon ang actor-basketball player pero dinedma na s’ya ng aktres. 

Pero bumawi naman daw si Andrea at nag-reply sa isang IG Story few days after. 

Kasi na-guilty ako na hindi ako nag-reply sa kanya [before]. S’ya naman ang tagal [sumagot],” ani Andrea. 

Nag-reply ako mga after a week ata,” pagpapatotoo naman ni Ricci.

At doon na nga daw nagsimula ang communication nila. 

Pero para kay Andrea, never daw n’ya na-imagine before na magiging magkasintahan sila ni Ricci. Bukod daw kasi sa hindi impressive na first impression n’ya dito ay tadtad pa umano ng red flags ang binata. 

Hindi po. Hindi po talaga. Kasi, una, mas matanda s’ya [sa akin], basketball player s’ya, Lasallian s’ya. Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki nasa kanya,” lahad n’ya. 

Kasi, ’di ba, galing ako sa heartbreak, kailangan kong protektahan ang sarili ko. So, sabi ko, ‘Hindi ito.’ 

Dati, red flag din sa akin ’yong all boys silang magkakapatid. Sobra po akong natakot doon. Kaso hindi, mabait naman pala s’ya,” pagtatapos ng aktres.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Brillantes breaks inisa-isa ang isyu: inamin nang naging sila ni Seth Fedelin, owns up to her TikTok brouhaha, at dinenay na sinugod si Francine Diaz sa dressing room ng ABS-CBN

Fans ni Francine Diaz, pinagso-sorry si Andrea Brillantes sa idolo nila

Ina ni Francine Diaz, may himutok kay Seth Fedelin; talak naman kay Andrea Brillantes: “Sobra ka na!”

Andrea Brillantes, aminadong na-imbiyerna sa delivery rider na humiling ng “two joints” hand gesture sa selfie nila: “Leni ako!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.