Andrea Brillantes, grateful at proud sa sarili na hindi gumib-up sa showbiz matapos ang mga pinagdaanan

Looking back sa mga pinagdaanan sa buhay at sa showbiz, grateful ngayon ang young star sa pagpili niya ng path ng pagpapaka-tatag. “Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi bumigay. Kung nag-give-up ako, hindi ko rin mararating kung ano ang meron ako ngayon. At gusto ko rin magpasalamat s’yempre, sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin.”

Photos: Beautéderm Corporation

Looking back sa mga pinagdaanan sa buhay at sa showbiz, grateful ngayon ang young star sa pagpili niya ng path ng pagpapaka-tatag. “Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi bumigay. Kung nag-give-up ako, hindi ko rin mararating kung ano ang meron ako ngayon. At gusto ko rin magpasalamat s’yempre, sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin.”

Nanibago pero masaya ang naging pakiramdam ng young actress na si Andrea Brillantes nang makaharap niya face-to-face ang entertainment press makalipas ang halos dalawang taon na through online lang ang mga gatherings.

Nangyari ang face-to-face event sa launch niya bilang isa sa pinaka-bagong celebrity endorsers ng Beautéderm.

“Sobra akong naninibago pero masaya kasi heto na ulit, nagkikita-kita tayo and of course, I’m so happy and honored to be a part of Beautéderm family,” panimula ng other half of the SethDrea love team. 

“Sobrang saya ko rin po to represent a product na hindi lang tinutulungan tayo sa ating kagandahan kung hindi pinapahalagahan din ang ating kalusugan. Kaya I’m so happy to represent Reiko & Kenzen vitamins.”

Sa part naman ng C.E.O. ng Beautéderm na si Rhea Tan, nababaitan daw siya sa bagets. Na-appreciate raw talaga niya ang mga organic postings ni Andrea about Beautederm. Maging ang bag na regalo daw niya dito ay nadamay pa.

Ang isa sa mga orihinal na endorsers ng Beautéderm na si Sylvia Sanchez ang naging tulay para mapabilang si Andrea sa mahigit 70 celebrity endorsers na meron ngayon ang naturang corporation. Malapit kasi si Andrea sa aktres.

Samantala, kinumusta namin kay Andrea kung paano niya inaalagaan ang sarili ngayong pandemic.

“Of course, kailangan sinusundan ko po ang mga protocols at lagi po akong may dalang mask at alcohol. Palagi po akong nagsa-sanitize,” aniya.

Hindi rin naman daw siya pala-labas na tao maliban kung trabaho ang pakay.

“Actually, hindi po kasi ako palalabas na tao. Palagi lang din akong nasa bahay. Kung lalabas din ako, for work. Kaya kailangan ko po of course, ang aking vitamins, ang aking health booster.

“Kaya ngayon, very timely rin ang paglabas ng bagong products ni Mommy Rei na para sa ating kalusugan at kailangan nating alagaan during pandemic.”

At saka niya nga inilahad ang pagpo-positibo niya rin sa COVID-19 despite the fact na maingat siya.

“Alam n’yo na po na nagka-COVID-19 ako before. Kaya talagang tine-take ko po ang Kenzen B+ kasi, ayoko na po siyempreng maulit, ’yun, ’di ba? Ito pong Kenzo B+ is an immunity booster. Kailangan nating i-boost ang ating sistema, ang ating immunity. So, I take it po talaga para protektahan ang sarili ko.”

Hindi lang immunity ang malakas ngayon kay Andrea kundi maging nag kanyang core. Pinagtibay na rin ng panahon. Hindi naman kaila—dahil maging si Andrea ay open about it—na may panahong muntik na siyang mag-give-up sa kanyang career dahil sa isang matinding unos na pinagdaanan. Pero sa paglipas ng mga taon, masasabing mas sumikat at mas marami pang opportunities na dumating sa kanya.

Gaano siya ka-grateful na hindi niya itinuloy ang pagku-quit sa showbiz?

“Actually it was never [I] almost... I wanted to [quit],” pagtatapat niya. “Pero I kept on fighting. It was mostly my Mom who wanted me to give-up kasi siya na ’yung nahihirapan para sa akin, pero inilaban ko. ’Yung, ‘Hindi e. Ito na ang pangarap ko ever since I was a kid. Artista na ‘ko noong seven years old ako.

“Ito lang ang alam ko, dito ako lumaki, ito ’yung buhay ko. So, kahit na pabigay na ’ko, inilaban ko pa rin talaga. At kung meron man na isang bagay na pinaka-grateful ako sa lahat ng bagay na dumating sa akin is ’yung strength siguro na meron ako. 

“Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi bumigay. Kung nag-give-up ako, hindi ko rin mararating kung ano ang meron ako ngayon,” patuloy niya. “At gusto ko rin magpasalamat s’yempre, sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin. 

“Sa mga kaibigan ko na pinalakas ako and of course, sa Diyos. Nagpapasalamat ako dahil pinagdaanan ko pa rin ang lahat ng pinagdaanan ko. Kung hindi ’yon, hindi ako magiging kung sino ako today.

“And na-realize ko kasi na lahat ng dumating sa buhay ko, meron akong natulungan,” dagdag pa niya. “Lahat ng pinagdaanan ko, merong mga kapwa Gen-Z ko na nakikita na kung kinaya niya, kaya ko rin. So, masaya ’ko na isa ko sa inspirasyon sa generation ko.”

At sa murang edad niya na 18, napakarami pa raw niyang gustong ma-achieve sa buhay.

“Yes po, marami pa po,” nakangiting lahad niya.

“Malayo pa po ang pangarap ko sa estado ko ngayon sa buhay. Marami pa po akong gustong maibigay sa pamilya ko, sa sarili ko...marami pa po akong gustong patunayan sa lahat ng tao, sa fans ko.

“S’yempre ngayon na pandemic, miss na miss ko na sila. Actually, sa work ko na hindi p’wede ang mall show at sobrang limited ang p’wedeng gawin, naiipon ko lahat ang gusto kong ibigay. Feeling ko, naka-pause lahat. Kapag natapos na ’to, hopefully, matapos na sana ang pandemic, ang dami kong gustong ibigay na pagmamahal sa fans ko and ang daming na-reserve na energy.

“So, marami pa po, meron pa ’kong sampung taon na gawin pa lahat ng gusto ko.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.