Andrea Brillantes, halos “ma-dyebs” sa kaba nang makaharap si Alden Richards; tells him: “Hintayin mo ako in three years, magkaka-movie tayo.”

First time naka-face-to-face ni Andrea Brillantes ang Kapuso idol niyang si Alden Richards. At ito ay sa shoot ng isang TV commercial nila. Aniya, fan siya ng AlDub Kalyeserye nila noon ni Maine Mendoza. After ng first scene nila, nagkuwento si Andrea sa kanyang vlog at inilarawan kung gaano siya ka-kaba. “Masaya ako. Kanina nga akala ko iiyak na ako, e. Sabi ko babalik ako sa tent tapos iiyak ako. Pero nadye-dyebs ako. Ganu’n kasi ako pag kinakahaban,” kuwelang pagtatapat niya.

SCREENSHOTS: Andrea Brillantes on YouTube

First time naka-face-to-face ni Andrea Brillantes ang Kapuso idol niyang si Alden Richards. At ito ay sa shoot ng isang TV commercial nila. Aniya, fan siya ng AlDub Kalyeserye nila noon ni Maine Mendoza. After ng first scene nila, nagkuwento si Andrea sa kanyang vlog at inilarawan kung gaano siya ka-kaba. “Masaya ako. Kanina nga akala ko iiyak na ako, e. Sabi ko babalik ako sa tent tapos iiyak ako. Pero nadye-dyebs ako. Ganu’n kasi ako pag kinakahaban,” kuwelang pagtatapat niya.

Pangarap pala ni Kapamilya actress Andrea Brillantes na makatambal sa isang pelikula si Kapuso actor Alden Richards.

Sinabi n’ya ito sa kanyang YouTube vlog na kinunan during their three-day beverage commercial shoot at in-upload kamakailan. Ang shoot ang nagsilbing unang pagkikita nila ng kanyang idolo.

Sa pagre-record niya ng vlog, hindi nga napigilan ng aktres na mag-fangirling kay Alden. Aniya noon pa raw panahon ng kasikatan ng tandem nito with Maine Mendoza, dubbed as AlDub, ay tagahanga na s’ya ng aktor. 

Hinahanda ko na ’yong speech ko, e, [for Alden]...‘Alam n’yo ba fan na fan ako ng AlDub? As in. Hanggang doon po sa concert n’yo po. Bago pa nagkaroon ng social distancing nauna na po kayo. Alam ko ’yan!’” panimula niya na animo ay pagpa-practice ng kanyang sasabihin kapag nagkaharap na sila ng Kapuso star.

Pagbabalik-tanaw pa ni Blythe (nickname ni Andrea), kinikilig daw talaga s’ya kapag pinanonood n’ya ang ‘Kalyeserye’ segment nito noon sa noontime show na Eat Bulaga. 

“Fan kasi talaga ako dati sa napakaliit kong townhouse na rent. Tapos nanonood ako tapos ang liit-liit lang ng TV namin. Tapos nanonood ako ng AlDub, tapos kami ni mama tili kami nang tili,” k’wento pa niya.

Hindi ako ready… Kinikilig ako. Baka makalimutan ko kung paano magsalita, maging gibberish ako mamaya.”

At noong ipatawag na si Andrea dahil kukuhanan na ang isang eksena nila ni Alden ay nagtitili na ang dalaga. At nang finally ay i-introduce sila sa isa’t isa, ay tanging ‘Hello po,’ ang nasambit niya at impit na nagtitili.

Masaya ako. Kanina nga akala ko iiyak na ako, e. Sabi ko babalik ako sa tent tapos iiyak ako. Pero nadye-dyebs ako. Ganu’n kasi ako pag kinakahaban,” kuwelang pagtatapat niya sa vlog matapos makunan ang una nilang eksena. 

Ayoko ’yong fan na fan [ang dating]. Gusto ko ’yong picture na akala mo close kami, ’yong hindi ako nahihiya. Paano ko kaya gagawin ’yon?” tila pagpa-practice na naman niya.

Kuwento pa ni Blythe, pinansin daw ni Alden ang kamao at niya at tinanong kung nagbo-boxing siya—na ikinakilig niya. Natanong din daw niya kung Capricorn ito. At kung tutuusin daw ay ikatlong TVC na nila ito ni Alden pero first time nilang nagka-face-to-face at magka-eksena talaga.

Bago sila magpa-alaman niya Alden after their three-day shoot ay nalambingan pa niya itong makipag-TikTok sa kanya.

Matapos ang TikTok shoot nila at habang paalis na si Alden, ay naka-ipon na ng confidence ang young actress para pahabol na sabihin dito na gusto n’yang magkasama sila sa isang pelikula in the future.

“Bye, Sir Alden. Hintayin mo ako in three years magkaka-movie tayo. Charot! Five years, five years,” pabirong deklara n’ya. 

Ayan, kakaalis lang n’ya miss ko na s’ya kaagad. Char! Pero suwerte ko sa totoo lang. Tatlong araw ko nang kasama si Sir Alden,” pagtatapos ni Andrea.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.