Andrea Brillantes sa mga nag-aakalang mean girl siya: “Ako ’yong nabu-bully lagi sa school.”

Wino-work out na raw ni Huwag Kang Mangamba star Andrea Brillantes ang personality niya para hindi siya mapagkamalang maldita. “Kasi nami-misinterpret ’yong pagiging mahiyain ko sa pagiging maldita. ’Yong wall ko medyo bini-break ko na s’ya.”

SCREENSHOT: Andrea B on YouTube

Wino-work out na raw ni Huwag Kang Mangamba star Andrea Brillantes ang personality niya para hindi siya mapagkamalang maldita. “Kasi nami-misinterpret ’yong pagiging mahiyain ko sa pagiging maldita. ’Yong wall ko medyo bini-break ko na s’ya.”

In-address ni Kapamilya actress Andrea Brillantes ang ilan sa mga common first impressions at assumptions sa kanya ng netizens lalo na ang umano’y pagiging maldita daw n’ya.

Ito ang naging content ng aktres sa kanyang latest vlog entry na in-upload n’ya sa YouTube few days ago. Doon ay sinagot n’ya ang mga maling impressions sa kanya ng fans na kinalap n’ya from her Instagram Stories. 

Isang fan ang tahasang nagsabing mean girl daw s’ya sa school.

Ako actually ang sobrang loser sa school—promise,” sagot dito ni Andrea. “Baka kasi akala n’yo totoo nu’ng pagka-Marga ko. Akala n’yo ganu’n.

(Marga was her maldita character sa 2018 top-rated Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto, kung saan sumikat nang husto ang kinabibilangan niyang teen group ngayon na Gold Squad.)

“Actually, hindi. Ako ’yong sinasampal sa school,” pagpapatuloy ng aktres. “Promise, totoo, sinampal ako sa school dati. Gusto n’yo pangalanan ko pa [’yong nanampal]? Hahaha! ’Wag na natin s’yang pangalanan.

S’ya nga daw ang kadalasang biktima ng pambu-bully sa school at binabansagan pa ng kung anu-ano umanong degrading insults. 

Ako ’yong nabu-bully lagi sa school,” pag-amin pa ng Kapamilya star. “Lagi na lang na tinatawag na higad ako kasi nga sa [makapal na] kilay ko at saka kasi nga ako ang pinakamaliit hanggang ngayon. 

Lagi akong ’yong [tinatawag na] pandak, higad, tapos bungi. Demon ang tawag sa akin dati kasi ’yong ngipin ko para daw pang demon.”

Isa pa sa inamin n’ya ay never daw s’yang nagkaroon ng kaibigan noong nag-aaral pa s’ya. 

Wala akong friends,” saad ng former child star. “As in pag pasok ko pa lang sa school… Nursey [school] pa lang wala akong friends. Hindi nila ako sinasama sa mga laro nila. Lagi lang akong nasa corner. Ako ’yong ganu’ng bata dati.

Sey pa ni Andrea, baka mukhang mataray daw ang kanyang mukha kaya s’ya napagkakamalang maldita o kaya naman ay snob sa kanyang mga fans. 

“Feeling ko kasi meron lang akong arresting b*tch face madalas,” paliwanag n’ya. “Tini-train ko na ang sarili ko [kasi] hindi ako ganito,” saad niya sabay pakita ng ngiti. 

Sa totoo lang ganito ako most of the time,” pagmumuwestra naman niya ng seryosong mukha.

Mukha ko lang talaga ’to, guys,” dagdag niya. 

Pag binababa ko ang kilay ko, ganyan ako,” sabay demo naman ng galit-mode face.

Baka naka-apekto din daw sa kanya ang hindi magagandang experience n’ya sa school before kaya naging ganu’n ang personality n’ya. 

Ewan ko. Madami talagang tao ang nagsasabi na suplada ako. Inayos ko ’yon, actually,” patuloy na lahad pa ni Andrea.

Dati kasi sobrang mahiyain ako kasi nga, ’di ba, ako ’yong laging hindi pinapansin, ako ’yong laging nasa sulok lang, ako ’yong laging binu-bully...so, hindi ako namamansin ng mga tao kasi feeling ko, lahat sila, aawayin lang ako. 

Pagtitiyak naman ng Huwag Kang Mangamba actress: “Ngayon, winork out ko na ’yong personality ko kasi nami-misinterpret ’yong pagiging mahiyain ko sa pagiging maldita. ’Yong wall ko medyo bini-break ko na s’ya.

Kahit madaming masamang tao, hindi dapat ’yon maging dahilan para baguhin mo ’yong pagiging mabait mo,” pagtatapos ni Andrea.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.