Andrea Torres, aminadong may pinanghihinayangan sa taong 2020

PHOTO: @andreaetorres on Instagram

PHOTO: @andreaetorres on Instagram

Sinagot ng aktres na si Andrea Torres ang ilan sa mga tanong na may kinalaman sa breakup nila ni Derek Ramsay.

Sumalang kasi ang sexy Kapuso star bilang guest sa “May Pa-Presscon” segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ipinalabas last Sunday, March 28. 

Sa show ay nahingan ni Tekla si Andrea ng tips kung paano ba maka-move on. Matatandaan kasi na November noong nakaraang taon nang maghiwalay sila ni Derek Ramsay matapos ang isang taon nilang relasyon. 

Mag-focus ka sa sarili mo,” pagbabahagi ni Andrea na happy daw sa pagiging single sa ngayon. “Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa’yo at tsaka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa ‘yong sarili mo.

Inusisa naman ni Boobay kung may nararamdaman ba s’yang kapiranggot na selos sa ex-boyfriend n’ya ngayong nakahanap na ito ng bagong girlfriend in the form of Cebuana actress Ellen Adarna

Wala,” diretso pero matipid na sagot ng aktres. 

Pahabol na tanong naman ni Boobay kung may panghihinayang ba s’ya sa sinapit ng kanilang relasyon ni Derek. 

Sa puntong ito naging safe ang sagot ng aktes. 

Meron,” tugon n’ya. “Sa oras na nawala sa atin nu’ng COVID, ‘di ba? ‘Yong mga planong hindi natuloy. Ang dami kaya. Ako ang dami kong… nu’ng start naman ng 2020, ‘yong dineclare mo na, ‘This is it. Ito ‘yong mga gagawin ko.’

Natanong din si Andrea tungkol sa dati nitong boyfriend na si Sef Cadayona. Nag-guest din kasi ito sa show kamakailan at natanong kung liligawan ba n’ya uli ang aktres ngayong single na ito. 

Sey naman ni Sef sa previous episode ng TBATS na friends lang sila ni Andrea na kinumpirma naman ng aktres. 

Oo. Masasabi kong oo, friends na kami ngayon talaga,” paliwanag ni Andrea sa show. “May time kasi…matagal kasi kaming hindi nag-usap, e. Pero ngayon okey na uli. 

Pag minsan kung may itatanong or may nakita lang s’ya na something. Very random lang.

Isa pa sa sinagot ni Andrea ay kung nagbibigay ba s’ya ng third chance sa kanyang mga naging karelasyon.  

Sa akin kasi, all-out kasi ako, e,” lahad n’ya. “All-out ako sa relasyon. Kapag dumating sa point na kumalas na, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. So okey na.” 

Sa ngayon, hindi pa daw handang magmahal muli ang aktres at mas pinagtutuunan n’ya ng pansin ang kanyang sarili. 

Ako, hindi pa. Usually kasi pag ganito binibigyan ko ng time ‘yong sarili ko para maging mag-isa. Para kapagka dumating ‘yong next [na mamahalin], all-out ulit,” natatawang pahayag ni Andrea.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Derek Ramsay, two years daw dapat ang palilipasin bago makipag-relasyon ulit pero na-“blindside” ni Ellen Adarna

Pops Fernandez sa pag-uugnay sa kanya kay Derek Ramsay: "Hindi po totoo....We don't talk to each other. We don't really text each other."

Andrea Torres breaks her silence on break-up with Derek Ramsay

Break up nila ni Andrea Torres, kinumpirma ni Derek Ramsay; diin niya: “There is no third party!!!!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.