Andrea Torres, dinagsa ng trabaho; tuloy din daw ang pagsi-celebrate niya ng Pasko

PHOTO: @andreaetorres on Instagram

PHOTO: @andreaetorres on Instagram

Hindi daw apektado ang Christmas plans ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Ito ay sa kabila ng recent break up nila ng aktor na si Derek Ramsay matapos ang isang taon na sila ay naging magkasintahan.

Sa naging interview kasi ni Lhar Santiago sa kanya sa 24 Oras last Friday, November 27, sinabi ni Andrea na ipinagdasal n’ya na magka-TV project na s’ya. 

“Actually, dinasal ko ‘to,” pag-amin ng 30-year-old GMA star. “Miss ko na magtrabaho. Sabi ko sana maraming trabaho ang pumasok.”

Dininig naman daw ang panalangin ng aktres. Matapos kasing mag-air ang Magpakailanman episode nila ni Juancho Trivino last Saturday, November 28, ay sasabak na s’ya sa lock-in taping para sa Kapuso primetime series na Legal Wives na mapapanood naman next year. 

Ilang days from now po aalis na ako para mag-lock in sa Legal Wives,” sey pa ni Andrea. 

Dito, makakasama naman n’ya si Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Gaganap s’ya bilang isa sa mga asawa ng Muslim character ni Dennis Trilllo. 

At dahil kakagaling lang n’ya sa break up, ang family daw n’ya ang makakasama n’yan ngayong darating na pasko gaya ng nakagawian na nila. 

Magiging memorable po s’ya [ang Pasko] dahil ang dami nating pinagdaan this year,” pahayag pa ng sexy Kapuso star. “Feeling ko mas mabigat ‘yong pag-celebrate talaga ng Christmas.”

Kung may hiling man daw s’ya this Christmas season, ito ay para sa kanyang pamilya. 

Ang gusto ko lang talaga maging healthy ‘yong family ko and magsama-sama na kaming lahat,” pagtatapos ni Andrea.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.