Andrea Torres, na-appreciate na ngayon ang outcome ng pagpapa-sexy niya onscreen

“Kasi, ’yung stand ko noon, ayoko talaga. Parang pinu-push ko na hindi, pang-wholesome ako talaga, pa-sweet, ganyan. “Sabi ko, buti na lang pala nakinig ako sa kanila [GMA management]. Kasi parang do’n po ako nabigyan ng roles na medyo out-of-the-box after no’n.”

Photos: @andreaetorres

“Kasi, ’yung stand ko noon, ayoko talaga. Parang pinu-push ko na hindi, pang-wholesome ako talaga, pa-sweet, ganyan. “Sabi ko, buti na lang pala nakinig ako sa kanila [GMA management]. Kasi parang do’n po ako nabigyan ng roles na medyo out-of-the-box after no’n.”

May pinagdadaanang unos sa buhay ang Kapuso actress na si Andrea Torres nang tanggapin niya ang proyektong Legal Wives.

Alam naman ng lahat ang naging break-up nila ni Derek Ramsay noon. At tila naging daan ang bagong serye na ito ni Andrea sa naging moving-on process niya.

“Sobrang blessed ko nga at sabi ko nga, thank you, thank you talaga. Umaayon din po talaga lahat ng nangyayari sa life ko.

“And parang nakikita ko ’yung timing, ang ganda ng timing niya.  Na ngayon, parang very busy kami ngayon sa iba’t-ibang projects. Na parang ang sarap kasi, palagi akong inspired, palagi akong masaya.

Love na love ko talagang mag-trabaho. Happiest ako kapag nasa trabaho ako,” dire-diretsong panimula ni Andrea

Maranao Muslim royalty ang role ni Dennis at iikot ang istorya sa relasyon niya sa kanyang tatlong asawa, kabilang si Andrea bilang si Dianne San Luis-Makadatu, ang nag-iisang Kristiyano among the three wives.

“’Yun ang naging mahirap sa kanya, hindi niya naiintindihan talaga,” lahad ni Andrea about her character. “Tapos s’yempre, mahal niya si Ismael (Dennis), gusto niyang mag-work ’yung marriage nila. Pero ’yung nangyayari sa paligid nila, hindi naaayon sa kung ano ang napag-usapan nilang dalawa. Kung ano ’yung dream niya for them, so do’n po lumalabas ang mga conflicts.”

Dugtong pa niya, “Of course, nandiyan pa ang other wives, si Amirah, played by Alice Dixson at si Farrah, played by Bianca Umali. So nagka-clash din silang tatlo.  Somehow po, nagkaka-selosan silang tatlo.

“Nagko-compare sila kung paano sila tratuhin ni Ismael. So, marami pong eksena rito talaga na nagbabangayan kami. Mga big scenes namin ni Dennis na nag-aaway kami, tapos kami-kami rin mismo na mga girls.

“Plus, ’yung family rin niya, nagkakaroon din kami ng friction kasi nga, hindi rin ako nakikisama kung ano ang gusto nila.”

Bilang lumaking Kristiyano, naitanong kay Andrea kung sa totoong buhay, nakikita niya ang sarili na posible ring pumasok sa sitwasyon na katulad ng ginagampanan niyang karakter.

“Siguro mahirap po sa atin,” pag-amin niya. “Kasi, sanay po tayo na isa [karelasyon] lang talaga. Although sa soap [opera] na ’to, nalaman ko po na it’s a selfless act. 

“Kumbaga, parang kung halimbawa, may babaeng nangangailangan, nabiyuda siya or na-rape siya, it’s their way of saving, helping the person. So, may deeper meaning po siya and I think, nakakatuwa kasi, mas naa-appreciate natin ang culture nila.

“At saka family-oriented sila at kailangan daw po, equal ang treatment.”

Samantala, puring-puri naman ni Andrea ang leading man niyang si Dennis.

Sobrang simple niya pong tao pala. Walang kayabang-yabang sa katawan.  Doon ako na-impress sa kanya.

“Never siyang nagalit, never siyang nakasimangot. Sobrang gaan lang niyang kasama. Pati sa mga eksena po. Sabi ko nga, kapag siya ang ka-eksena ko, hindi ko kailangang mag-prepare. Kasi, kapag nagtinginan na kami, naaapektuhan na ’ko sa kanya.

Very generous siya na actor.”

Sa muling pagpirma ni Andrea ng network contract sa GMA-7, ipinaalala namin sa kanya na dati ay iniyawan at iniyakan niya nang ipatahak sa kanya ang sexy route sa kanyang career.

Pero dahil sa laki ng naging ambag nito sa growth ng kanyang career niya, masasabi ba niyang isa pala ito sa naging tamang desisyon na ginawa niya.

“Opo,” nakangiting pag-ako niya. “Isa ’yun sa mga desisyon na buti na lang nakinig ako sa kanila pala. Kasi, ’yung stand ko noon, ayoko talaga. Parang pinu-push ko na hindi, pang-wholesome ako talaga, pa-sweet, ganyan.

“Tapos kinausap nila ako na hindi, may hiling ang mga tao na mag-sexy ka. So, bakit hindi natin i-try na ibigay ang gusto nila. P’wede namang dahan-dahan.

“So, ’yun po, sabi ko, buti na lang pala nakinig ako sa kanila. Kasi parang do’n po ako nabigyan ng roles na medyo out-of-the-box after no’n.”

At dahil niyakap na nga ni Andrea ang pagiging sexy dramatic actress, paano nabago nito ang perspective niya bilang isang babae at bilang isang actress?

“Ako po kasi, sanay ako na ang way ko, aaralin ko munang lahat, ilalatag ko munang lahat bago ko gawin ’yung isang bagay. 

“Gusto kong malaman ang pros and cons bago ko malaman kung ano ang possible outcome. Feeling ko po, ang naitulong no’n sa akin, may mga bagay na kailangang talunin mo nalang talaga. Hindi mo kailangang masyadong bigyan ng background check, hindi mo kailangang masyadong mag-overthink.

 “Parang if you feel right at ’yun na rin ang sinasabi ng paligid mo, go ka na rin kahit hindi mo alam kung ano ang mangyayari.”

Samantala, sa darating na Lunes na, July 26, ang premiere telecast ng Legal Wives sa GMA Teelebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, ready na daw ma-in love muli

Para kay Andrea Torres, “it’s an honor” daw kung totoo ang balitang magkaka-sitcom sila ng idolong si John Lloyd Cruz

Andrea Torres sa pahayag ni Derek Ramsay na ito ang unang nakipag-break sa kanya: “I honestly have a different memory of what transpired and who ended it...”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.