Andrea Torres, nilinaw na hindi sila nagli-live in ng bf na si Derek Ramsay

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram

Pinasinungalingan ng aktres na si Andrea Torres ang issue na nagsasama na sila ng boyfriend na si Derek Ramsay sa iisang bahay. 

Makailang ulit na ring umugong ang bali-balita na nagsasama na ang Kapuso couple sa iisang bubong pero muling nabuhay ang issue matapos ipakita ni Derek ang kanyang new three-storey house in Alabang, Muntinlupa sa kanilang joint YouTube channel ni Andrea last September 11. 

Sa nasabing two-part house tour vlog, kasamang nilibot at ipinakita ni Derek ang kanyang new house ang nobyang si Andrea. Kaya naman suspetsa nang marami ay nagli-live in na ang dalawa. 

Isa ang veteran showbiz writer and talent manager na si Lolit Solis ang nagbigay komento sa issue at sinabing masaya s'ya kung nagsasama na nga talaga sina Derek at Andrea.

"Masaya ako sa mga balitang nagsasama na sila Derek Ramsay at Andrea Torres, Salve," sey ni Lolit sa kanyang Instagram post last September 14. "Bagay na bagay ang dalawa, they look very good together, at parehong sweet na tao. 

Wish pa ng 73-year-old showbiz columnist na sana ay si Andrea na nga ang babaeng itinadhana para sa award-winning actor dahil talagang maganda ang tandem nila.

"Sana nga ay mag settle na si Derek sa piling ni Andrea at magkaruon na ng bagong pamilya with her. Kahit sinong relasyon ni Derek ay naging seryoso siya kaya nga lang along the way siguro talagang hindi pa iyon ang babae para sa kanya na maging Mrs niya. 

"Now sana natagpuan niya iyon kay Andrea, at sana nga makabuo na sila ng pamilya. Hindi lang sila bagay physically, parang tugma din ang temperament nila at values, kaya swak."

May pahabol pang advice si Manay Lolit kay Derek na sana ay pakasalan na nito ang Kapuso actress. 

"Go na Derek, ihatid na sa altar si Andrea, talagang siya na ang the one for you, ang matagal mo ng hinahanap. Go go go, don't wait too long," pagtatapos ni Lolit. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Thankful naman si Andrea sa magagandang sinabi ng Take It... Per Minute! Me Ganonn?! co-host pero nilinaw n'yang hindi pa sila nagsasama ng nobyong si Derek. 

"I still live with my parents Nay. But happy and touched that D calls it ours," sey ni Andrea sa comment section ng IG post ni Lolit. "Napakasweet. Thanks po Nay!"

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram


 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres says “yes” to boyfriend Derek Ramsay’s proposal... to put up their vlog

Pika's Pick: Andrea Torres pulls off a birthday surprise for her “answered prayer” Derek Ramsay and post the sweetest birthday message after

Pika's Pick: Andrea Torres dedicates sweet birthday message to boyfriend Derek Ramsay's mom

Derek Ramsay on Andrea Torres: “She’s somebody that I could date.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.