Andrea Torres, ready na daw ma-in love muli

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram & GMA Network

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram & GMA Network

Handa na daw ang aktres na si Andrea Torres na muling buksan ang kanyang puso at magmahal.

Inamin n’ya ito ngayong hapon, July 16, sa kanyang virtual media conference matapos ang muli n’yang pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Blooming ngayon ang aktres - na kakauwi lang few days ago mula sa lock-in taping ng kanyang upcoming primetime series na Legal Wives - kaya kinumusta s’ya ng press at tinanong kung nakapagpatawad na ba s’ya. Ilang buwan din kasing pinag-usapan online ang break up nila ng dati n’yang nobyong si Derek Ramsay.

Sagot ni Andrea, hindi daw s’ya nagtanim ng galit kaninuman, at mas naka-focus daw s’ya ngayon sa pagpapaka-positibo sa buhay. 

“Everyday naman, magaan naman akong gumigising dahil wala akong tinatanim na anything sa kahit na sino,” lahad n’ya sa press. “Part ng pagiging positive na wala kang grudges o wala kang iniisip na masama sa ibang tao.

At dahil ilang buwan na rin s’yang single, natanong pa ang aktres kung open na ba s’yang mag-entertain ng mga manliligaw.  

Oo naman,” pag-amin ni Ada [nickname ni Andrea]. “S’yempre dapat may time din for that, ‘di ba? Why not? Pag binigay…why  not?”

And because of what happened to her previous relationship, natanong din ang sexy Kapuso star kung nagbago na ba ang pamantayan n’ya pag dating sa future na mamahalin?

“Feeling ko naman po meron na akong idea sa kung ano ‘yong taong gusto ko,” natatawang lahad n’ya. “Pero minsan, ‘di ba, hindi mo naman makukuha ‘yong eksaktong nasa isip mo. Pero I think meron na akong idea kung ano ‘yong magiging perfect partner for me pang habangbuhay.

Pang-habang buhay? Kasalan na ito? 

“Feeling ko parang matagal pa. Parang gusto ko pang mag-work,” natatawang pagtatapos ni Andrea.

Speaking of work, matapos ang ilang delays ay tuloy na tuloy na sa pag-ere ang pinagbibidahan n’yang cultural series na Legal Wives kung saan kasama n’ya sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali, Al Tantay, Irma Adlawan, at iba pang naglalakihang artista. 

Mapapanod ang Legal Wives simula July 26 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Para kay Andrea Torres, “it’s an honor” daw kung totoo ang balitang magkaka-sitcom sila ng idolong si John Lloyd Cruz

Derek Ramsay, muling dumipensa sa isyu ng breakup nila ni Andrea Torres: “I’ve always been honest.”

Andrea Torres sa pahayag ni Derek Ramsay na ito ang unang nakipag-break sa kanya: “I honestly have a different memory of what transpired and who ended it...”

Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.