Andrea Torres sa pahayag ni Derek Ramsay na ito ang unang nakipag-break sa kanya: “I honestly have a different memory of what transpired and who ended it...”

Wala raw siyang nakikitang magandang maidudulot kung sasagutin niya kada sabihin ng dating boyfriend na fiancé na ngayon ng aktres na si Ellen Adarna. Naka-focus lang daw siya sa sarili at sa kung ano ang mga nangyayari ngayon sa kapaligiran. “For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person, I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?”

Photos: @andreaetorres | @ramsayderek07 | @always.andrek

Wala raw siyang nakikitang magandang maidudulot kung sasagutin niya kada sabihin ng dating boyfriend na fiancé na ngayon ng aktres na si Ellen Adarna. Naka-focus lang daw siya sa sarili at sa kung ano ang mga nangyayari ngayon sa kapaligiran. “For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person, I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?”

Marami ang humahanga sa Kapuso actress na si Andrea Torres sa kalmado niyang pag-handle sa naging break-up nila ng dating boyfriend, ang Kapuso actor na si Derek Ramsay.

Late last year pa nang mag-break ang dalawa. Napanatili ni Andrea na maging tahimik at hindi magsalita o kahit magparinig sa kanyang social media. Instead, nag-focus lang ito nang husto sa mas mahahalagang bagay gaya ng kanyang trabaho tulad ng bagong serye niya sa GMA-7 na Legal Wives, kung saan isa sa leading ladies ni Dennis Trillo; sa kanyang fitness activities, at sa kanyang pamilya.

Taliwas naman kay Derek na active sa pagsagot sa mga nagtatanong—mapa-Netizens man o media—tungkol sa naging break-up nila ni Andrea.

Sa huling interview nga ni Derek sa radio show ni Cristy Fermin, siya na mismo ang nagpahayag na siya ang nag-initiate ng break-up nila at sa phone lang ito naganap.

Maging ang mga magulang ni Andrea ay nadamay nang slight nang “yes” ang naging sagot nbi Derek sa tanong kung may kinalaman ang mga magulang ng dalaga sa naging issue nilang magkasintahan noon.

Sa naging interview naman ni Andrea sa GMA News—na sinabi niyang una at huling beses na niyang pagsasalita tungkol sa break-up nila—walang-dudang lumalabas na hindi niya sinasang-ayunan ang mga naging pahayag ng ex niya.

“I honestly have a different memory of what transpired and who ended it,” malamang pahayag ni Andrea. “But I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ thing.”

At hindi rin sang-ayon ang dalaga na kailangang pag-usapan sa publiko ang anumang nangyari.  Aniya; “I don’t see the significance of discussing details in public.”

Wala raw siyang nakikitang magandang maidudulot kung sasagutin niya kada sabihin ng dating boyfriend na fiancé na ngayon ng aktres na si Ellen Adarna.   

Naka-focus lang daw siya sa sarili at sa kung ano ang mga nangyayari ngayon sa kapaligiran.

“For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person, I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?”

Hindi na rin pinahaba pa ni Andrea ang pagkakabanggit sa mga magulang sa naging interview ni Derek kay Cristy Fermin. Pero tila makahulugan ang binitawan nitong salita na: “If he truly respects me and my family, let us have our peace.”

Sa isang banda, ilan sa malalapit na kaibigan ni Andrea ang nakakausap namin at pareho ang mga comments ng mga ito. Ayon sa kanila, hanga sila sa kung ano ang nakita nila kay Andrea simula pa lang ng break-up.

Hindi rin daw sila nagulat kung bakit sa kabila ng heartache ay tila naging pinaka-magaan at pinaka-madaling moving-on process ng actress ang nangyari sa breakup nito kay Derek.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

Andrea Torres, aminadong may pinanghihinayangan sa taong 2020

Miss Eco International First Runner-Up Kelley Day, “happy to be back” matapos ma-quarantine sa Egypt

LOOK: Maui Taylor and her past project with 2021 Oscars Best Supporting Actress winner Youn Yuh-Jung

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.