Andrea Torres, “sobrang saya” sa relasyon nila ni Derek Ramsay

Sa tanong kung si Andrea ba ang maituturing niyang “the better woman,” walang kagatul-gatol na sinagot ito ng 39-year old British-born Filipino model na si Derek Ramsay ng: “Yes, of course!”

Photos: Lito T. Mañago

Sa tanong kung si Andrea ba ang maituturing niyang “the better woman,” walang kagatul-gatol na sinagot ito ng 39-year old British-born Filipino model na si Derek Ramsay ng: “Yes, of course!”

UMAMIN na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa totoo nilang relasyon. Nagsimula raw maging close ang dalawa, ayon na rin sa kanilang kuwento, nu’ng ginawa nila ang summer station ID ng GMA Network early this year.

Sa pagdalaw ng ilang entertainment press sa last taping day ng primetime series nilang The Better Woman sa Valley Golf Antipolo  no’ng Wednesday ng gabi, September 25, sabay nang humarap sina Derek at Andrea sa amin. 

“‘Yong connection naman namin was even before... the things you’re talking about, wala naman kaming alam na magiging ganito ka-close kami. When we first met, we already had a connection du’n sa station ID ng GMA. We just connected.

“Usually, pinag-iisipan mo ‘yan. It just go naturally,” paglilinaw ng Kapuso hunk at leading man ni Andrea sa magtatapos na The Better Woman.

Naikuwento ni Derek na aalis silang dalawa ni Andrea papuntang Dubai (naka-alis na sila kahapon, September 26) para sa isang basketball tournament ng Philippine Basketball League, kung saan bahagi ang hunk actor. 

Sa tanong ng press kung si Andrea ba maituturing na “the better woman” ni Derek, walang kagatul-gatol na sinagot ito ng 39-year old British-born Filipino model. 

“Yes, of course!” 

Sa part ni Andrea, sabi nito, “Sobrang saya, sobrang saya! Marami rin namang nakakapansin, ‘yong difference talaga. Parang ngayon din lang ako naging vocal. Ngayon din lang ako nagpo-post na hindi tungkol family, hindi work or sarili ko kaya siguro, halatang-halata. 

“‘Di ba kasi kapag masyado kang happy, hindi mo ma-keep sa sarili mo. So hindi mo na rin ino-overthink, so popost na lang ako,” pagtatapat ng Kapuso sexy actress. 

“He’s the closest guy to me right now!” dagdag ng 29-year old Kapuso star. 

Para sa award-winning actor/frisbee player, hindi na rin naman daw lihim ang kanilang “special relationship” ni Andrea. 

“We’re very happy together,” say ni Derek. “That’s not... that’s already on the table. We both enjoy being with each other whether it’s at work...

“Kagaya nga, she doesn’t have to go to Dubai tomorrow (September 26) pero she’s supporting me in my games there so...,” biting pahayag ni Derek pero kinumpirma niyang, “We’re more than friends!” 

Dagdag ni Derek, “We’re at that stage na we both have feelings for each other na it’s not just both physically attracted to each other. It’s deeper than that.”

Ani pa ng aktor, “In the sense that she met my parents, I’ve met her parents, our parents have met.” 

Nabanggit nina Andrea at Derek na twice nang nag-meet ang kani-kanilang magulang at masaya diumano ang kanilang parents sa kanilang relasyon. 

At any rate, tutukan ang ending ng The Better Woman ngayong gabi—mula sa direksyon ni Mark Sicat de la Cruz— sa telebabad block ng GMA at abangan kung anong kahihinatnan ng isa pang karakter ni Andrea bilang Juliet (ang twin sister ni Jasmine). Mapapanood ito pagkatapos ng The Gift ni Alden Richards

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.