Andrew E., inalarma ng cholesterol

Feeling ni Andrew E ay nabawasan ng major ang kanyang energy mula nang magka-cholesterol blockage removal surgery siya noong early 2020 at ito raw ang wino-work out niya ngayon. “Lately, kino-concern ko ’yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again.”

Photos: Viva Films

Feeling ni Andrew E ay nabawasan ng major ang kanyang energy mula nang magka-cholesterol blockage removal surgery siya noong early 2020 at ito raw ang wino-work out niya ngayon. “Lately, kino-concern ko ’yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again.”

Noong February 2020, isang buwan bago ilagay ang buong Pilipinas sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ay nagkasakit pala si Andrew E. at ikina-alarma ito nang husto ng buong pamilya niya.

Kaagad naisip ng master rapper/actor na dahil sa health condition niya ay hindi na siya makakapag- trabaho ulit.

Sa Zoom mediacon ng pelikula niyang Shoot Shoot! (Di ko siya Titigilan) naikuwento ng ang rapper-actor ang alarming na event na ito sa kanyang buhay.

“May cholesterol blockage ako sa right shoulder blade,” panimula niya. “I underwent two robotic operations. Kailangan dalawa kasi mahaba ang blockage. I had to deal with it for two hours and thank God, nalampasan ko.”

Naka-apekto daw ito sa overall health niya.

“Lately, kino-concern ko ’yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again. Kasi, simula noong ma-ospital ako, kung ang tao ay 100 hundred percent ang energy, I was around 40 percent.

“And then came my movie, Pakboys, I was a little bit gaining like 50 or 60 percent energy. With Shoot! Shoot! I was, like, maybe 80 to 90 percent energy. Nagre-recuperate ako. Kahit paano, hindi ako napapahiya sa aking mga kasamahan sa pelikula. Baka isipin nila, I’m carrying the situation just because I want to be pa-bida,” pagtatapat ni Andrew.

Samantala, “habulin ng babae” na naman ang role niya sa Shoot! Shoot!. Simula noong 90’s ay halos ganito na ang mga ginagampanan niyang karakter. Natanong tuloy si Andrew E., kung ganito—o naging ganito—rin ba siya sa totoong buhay?

“Well, I don’t know kasi hindi ko naman nate-testing now.  Well, noong binata ako nate-testing ko, but now hindi ko na nate-testing,” natatawang pag-amin pa rin niya. “Maybe the main focal object of the way na nagiging malapit ako sa girls o mga babae would be...is my way of being as a rapper.

“Kasi kung sa itsura lang, e, mas habulin ako ng aso kaysa sa babae.  Pero kung sa pagiging rapper diyan ako malapitin kasi maybe in10 girls, may sampu ang curious how I talk in front of the girl by means of being a rapper. So, doon sila nagiging curious.

Samantala, ang original 90’s song ni Andrew E. na naging hit TikTok trend ngayon after 30 years (with 40M combined views) ang ginamit ding  title sa bagong Vivamax original movie na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan.”

Ito ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay at ng ultimate pakboy na si Andrew E., kasama nga ang mga sexy at kalog na Vivamax Goddesses na sina AJ Raval at Sunshine Guimary with Juliana Parizcova Segovia and Wilbert Ross.

Ito ay tungkol kay Jack (Andrew), isang simpleton na nangangarap maging isang aktor. Ang pagpasa niya sa isang audition ang pagmumulan ng lahat ng kanyang misadventures sa pelikula.

Mapapanood ang Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe starting October 28.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

After 25 years, Andrew E., inaming nanligaw sya at na-basted ni Ana Roces

FIRST LOOK: SHOOT! SHOOT!: DI KO SIYA TITIGILAN! promotional stills

Pika's Pick: Andrew E.’s toy collection is every toy hunter’s dream

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.