Andrew E., nagigimbal sa ginagawang record ng Shoot! Shoot! single niya sa TikTok

Salamat sa mainit na pagtanggap ng mga Tiktokers sa Shoot! Shoot! single ni Andrew E., nagka-offshoot pa ito ng isang comedy movie na pinabibidahan din ni Andrew E.

PHOTOS: @andrewe_dongalo on Instagram

Salamat sa mainit na pagtanggap ng mga Tiktokers sa Shoot! Shoot! single ni Andrew E., nagka-offshoot pa ito ng isang comedy movie na pinabibidahan din ni Andrew E.

Hindi raw ine-expect ng rapper-songwriter and comedian na si Andrew E. na muling kakagatin ng publiko, especially ng bagong henerasyon, ang kanta n’yang Shoot! Shoot! na isinulat n’ya almost 20 years ago. 

Sa ngayon kasi ay nakapatagtala na ito ng 40M collective views at patuloy pa ring umiikot sa nasabing socmed app dahil sa Shoot! Shoot! dance challenge.

Dahil sa re-emergence at pag-viral ng kanta, umaandar agad ang pagka-maagap ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films at kinausap agad si Andrew E., para pagbidahin sa pelikula of the same title. 

At tila may umaktibo na naman ang pagkaroon ni Andrew E. ng Midas touch dahil ang trailer ng Shoot! Shoot! ay magte-10M views na.

“Eighteen years ago, walang manghuhula na makakahula na maghi-hit ’yan sa TikTok, ’no?,” natatawang balik-tanaw ni Andrew E. during his movie’s virtual media conference kamakailan.

“Ni sa isang iglap ng thinking ay hindi ko inisip na mamahalin ulit ’yan ng masa or mamahalin ulit ng mga music lovers.”

Dagdag pa ni Andrew, hindi naman daw niya pine-pressure ang sarili niya na magsulat ng “hit” song then and even now.  Ang goal lang umano niya parati ay makagawa ng bago, kakaiba, and maybe something ahead of its time. And then he’d just throw it to the universe and let the universe decide what to do with it. Nagkakataon lang na most of his pieces at umalagwa.

“Honestly, there’s no pressure for me writing for anything or writing songs for some particular something…wala. Hindi po ako ganu’n,” pahayag pa ni Andrew. “Maybe ang tamang adjective for me would be ’yong tipong I always write something that would be so new and fresh again to the listeners. ’Yon palagi ang palatuntunan po ng isang Andrew.

“Kunwari gagawa ako ng kanta, kailangan something new again, something ahead again. And how can we doubt? Shoot! Shoot! was written 18 years ago. So, gaano ka-ahead ’yon? Sobra naman ’yon, ’di ba?

“But then again, s’yempre, ang plataporma ko is writing songs or maybe writing elements to the songs in as much as very imaginative in the future na tipong maaaring ahead, or maybe advance, or trend-setting…maybe.”

Aniya, sa ganoong paraan siya bumabawi sa mga kakulangan niya o mga hindi niya kayang ibigay.

“Doon palagi... para anumang shortness ko - hindi ako singer, hindi ako manganganta - doon ko mapupunuan sa placing na ’yon na ‘Hindi nga s’ya singer, but look! ’Yong mga kanta naman n’ya is something new to our ears, something new to our imagination.’ Doon bumabawi ang isang Andrew E. po.”

Excited na bulalas pa niya:  “Imagine mo kung may social media na noon. Imagine-in mo lang kung ano kayang energy ang ibibigay ng madlang people, ’di ba? 

“E, ngayon ang binibigay nilang energy for Shoot! Shoot! is amazing. Naka-40 million TikTokers ’yong Shoot! Shoot!, e. Nakakagimbal, ’di ba? ’Yon lang ang masasabi ko and I hope we can do that again,” pagtatapos ni Andrew. 

Anyway, mapapanood na ang comedy film ni Andrew E. na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan— together with the new sexy goddesses ng Viva na sina AJ Raval at Sunshine Guimary—simula October 8 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.