Ang rating ni Maine Mendoza sa drama skills niya? “Nag-improve na po ng .2%.”

Kung siya daw kasi ang magre-rate sa drama skills niya ay paniguradong mababa ang grade na ibibigay ni Maine Mendoza sa sarili niya. “Iba po kasi ang standards ko sa sarili ko, e,” paliwanag niya. “So, mahirap po akong i-convince. And alam ko na pag may proyekto akong ginawa, na kapag hindi maganda ’yong gawa ko, ina-admit ko. And alam ko na deserve ko ’yong bashings ng tao sa akin.”

Photos: Anna Pingol & Black Sheep Productions

Kung siya daw kasi ang magre-rate sa drama skills niya ay paniguradong mababa ang grade na ibibigay ni Maine Mendoza sa sarili niya. “Iba po kasi ang standards ko sa sarili ko, e,” paliwanag niya. “So, mahirap po akong i-convince. And alam ko na pag may proyekto akong ginawa, na kapag hindi maganda ’yong gawa ko, ina-admit ko. And alam ko na deserve ko ’yong bashings ng tao sa akin.”

Mid 2018 nang mag-fizzled out ang phenomenal two-year old loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards—also known known as AlDub—na ipinanganak instantaneously sa live show ng Eat Bulaga!

But before that, the power tandem became magnet to advertisers and everything they touched turned to gold, except maybe their 2017 GMA-7 TV series Destined to be Yours, which received lukewarm reception.

Si Alden ang unang sumubok magsolo through the GMA-7 fantasy series na Victor Magtanggol. Maine followed suit by agreeing to be paired with Coco Martin in the MMFF 2018 entry, Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Then, just last July, ipinalabas—at naging matagumpay—ang itinuturing na unique collaboration between ABS-CBN at GMA-7 na Hello, Love, Goodbye, kung saan napagsama ang prized talents ng dalawang TV networks para sa said movie ng Star Cinema.

It’s Maine’s turn to test the waters. Nasa promo period na ngayon ang kanyang Isa Pa, With Feelings, ang drama love story movie niya with Carlo Aquino.

At sa press conference nga ng pelikula kamakailan, nakumusta si Maine tungkol sa estado ng pagsosolo niya ngayon at sa pagkaka-baklas niya sa anino ng AlDub tandem.

“Okey din po siya kasi naisip ko na it’s a chance to grow and explore, to work with actors from different networks,” paunang sagot ni Maine, na bagama’t hindi talaga contract star ng GMA-7 ay nananatiling identified sa Kapuso network.

“So, nagpapasalamat po ako sa aking manangement [na Triple A, headed by Tony Tuviera] na talagang pinayagan po ako na gumawa ng pelikula under Black Sheep [Productions] at sa Black Sheep po kasi kinosider n’yo po ako,” patuloy ni Maine.

Addressing her leading man Carlo Aquino directly, Maine, in a pa-girl act, added: “And to Carlo kasi pinagt’yagaan mo ko...maraming salamat.”

Never namang itinanggi ni Maine na reluctant drama actress siya. Pero dahil nasa explorative mode siya ngayon at mukang napa-drama nang husto sa Isa Pa, With Feelings (base sa trailer) teleserye na kaya ang next project niya?

“Hindi ko pa po masasabi sa ngayon. Depende rin naman kasi sa proyektong i-o-offer sa akin in the future. Pero tingnan po natin kung kakayanin ko po. Kung hindi, sorry nalang. Babalik nalang ako sa comedy kasi ’yon naman talaga ang comfort zone ko.”

Kung siya daw kasi ang magre-rate sa drama skills niya ay paniguradong mababa ang grade niya sa sarili.

“Iba po kasi ang standards ko sa sarili ko, e,” paliwanag niya. “So, mahirap po akong i-convince. And alam ko na pag may proyekto akong ginawa, na kapag hindi maganda ’yong gawa ko, ina-admit ko. And alam ko na deserve ko ’yong bashings ng tao sa akin.”

Pabirong dagdag biya: “Ayon, feeling ko naman may improvement ako... mga point two percent (.2%). Improvement pa rin ’yon. Hahaha!”

Maski raw sa Isa Pa, With Feelings ay hindi pa rin siya kumpiyansa sa naibigay niya.

“Hindi pa masyado,” pag-amin niya. “Alam ni Direk [Prime Cruz] yan... every time na meron kaming heavy scene—saka alam ni Carlo rin—na parang ayokong tumigil hanggat di ko nakukuha ’yong gusto ko. Pero kasi cut-off na kaya kailangan na naming tumigil. Hahaha!”

Isa Pa, With Feelings is showing on cinemas on October 16.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maine Mendoza, inaming nagka-crush nang “slight" kay Carlo Aquino

LOOK: Carlo Aquino hugs Maine Mendoza during his concert!

Carlo Aquino says he and Maine Mendoza are comfy now: “Kailangan lang namin, parang diesel, ‘magpa-init.’”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.