Angel Locsin, inako ang pagkukulang sa nangyaring trahedya sa kanyang community pantry

PHOTO: @therealangellocsin on Instagram

PHOTO: @therealangellocsin on Instagram

Inako ni Kapamilya actress Angel Locsin ang mga naging pagkukulang sa nangyaring trahedya sa itinayo n’yang community pantry sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City ngayong araw ng Biyernes, April 23. Ang charity work kasing ito ang naisip niyang gawin bilang celebration sana ng kanyang ika-36th birthday.

Pero sa dami nang nagsipuntahan ay nagkagulo ang mga nasa pila na gustong makakuha ng libreng pagkain at nagresulta 'yon sa pagsisiksikan na tahasang naging labag sa ipinatutupad na health protocols ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. 

Unfortunately, isa ding senior citizen, na kinilalang si Rolando dela Cruz ang namatay habang nasa pila. Dead on arrival daw ang 67-year-old na lolo nang isugod ito sa ospital.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Angel sa nangyari at sinabing hindi n’ya intensyong makaabala at gumawa ng gulo sa komunidad.

Sa panibago n’yang post sa Instagram, kinumpira ng actress and humanitarian aid worker ang balitang may isang ngang lolo ang namatay kanina habang nasa pila. 

“[S]a tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry,” panimula n’ya sa mahaba n’yang post. “Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.”

Nakausap na din daw ni Angel ang pamilya ng nasawi at sinabi n’yang habambuhay daw s’yang hihingi ng kapatawaran sa nangyaring insidente. 

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya,” lahad ng 36-year-old actress sa kanyag post. “Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

Pagpapatuloy pa ng "Iba ‘Yan" TV host, “Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.”

Patuloy pa rin naman daw ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga mga nakapila sa in-organize n’yang community pantry. 

“Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila,” pagbabahagi pa ni Angel. “Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.”

Nakita din daw nila na maraming matatanda ang nasa pila para makakuha ng pagkain kaya ginawan daw nila ng fast lane ang mga senior citizens.

“Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga,” sey ng aktres. 

Paglilinaw n’ya sa itinayong fast lane for senior citizens, “Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.”

Hanggang 4PM lang ang itinayong community pantry ni Angel. Ang matitira daw sa kanilang stocks ay ido-donate nila sa iba pang community pantries na nagsulputan sa iba’t ibang dako ng Metro Manila.

“Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay,” sabi n’ya. 

Bukod sa pag-ako sa pagkakamali sa nangyaring trahedya sa inorganisa n’yang community pantry ay humiling din ang aktres na sana ay huwag idamay ang iba pang community pantries sa pagtuligsa. Nangako din siyang tutulungan n’ya ang pamilya ng namatay.  

”Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

”Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

“I am very very sorry,” pagtatapos ni Angel.

Nagpahayag naman ng suporta kay Angel ang ilan n’yang kaibigan sa showbiz gaya nina Rita Avila, Alessandra De Rossi, Bea Alonzo, Dimples Romana, at more. 

SCREENSHOT: @therealangellocsin on Instagram
SCREENSHOT: @therealangellocsin on Instagram

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta showers Angel Locsin with praises after her donation to animal rescue group

Ogie Diaz sa mga bashers ni Angel Locsin: “Kung ikamamatay n’yo na ganu’n ang size ni Angel, ipalilibing ko kayo...”

Angel Locsin, ipapangalan sa mga kaibigang sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban ang mga alagang manok

Angel Locsin remains bothered by DepEd’s statement on module body shaming her

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.