Angel Locsin, ipapangalan sa mga kaibigang sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban ang mga alagang manok

PHOTOS: @realmeangellocsin, @beaalonzo, @annecurtissmith, & @iamangelicap on Instagram

PHOTOS: @realmeangellocsin, @beaalonzo, @annecurtissmith, & @iamangelicap on Instagram

Gusto daw ipangalan ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang mga magiging alagang manok sa mga celebrity friends n’yang sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban

Ito ang ibinahagi ng Kapamilya actress nang mag-guest s’ya sa YouTube vlog ni Bea na in-upload noong February 6. 

Kinumusta kasi ni Bea ang Iba 'Yan TV host kung ano ba ang pinagkakaabalahan nito sa ngayon. 

Naghahanap ako ng ibang venue para sa sarili ko naman,” sagot ng 35-year-old actress-TV host. “Kagaya mo din, bumibisita ako sa farm. Bilang buo na ‘yong farm mo, ako naman gusto kong magsimula.

Matatandaan na ipinakita na ni Angel last December 2020 sa kanyang Instagram at sa YouTube vlog nila ng husband-to-be n’yang si Neil Arce ang tinutukoy n’yang farm located in Bulacan. 

Tsika pa ni Angel, hindi naman daw nila gagawing commercial farm ang lupang nabili n’ya pero gusto daw n’ya magpatayo ng farmhouse at mag-alaga ng mga manok.

Kasi mas gusto ko s’ya na homestead ‘yong feel,” lahad n’ya. “Hindi talaga s’ya ‘yong commercial farm… Parang in case of emergency [lang] at least meron kang food supply na p’wede mong pagkunan. Saka, somewhere na p’wede kang makapag-detox, makapag-relax.

At nag-aral na ako about chickens. Ewan ko ba. Gusto ko sila gawin silang [parang] dogs,” dugtong pa n’ya.

At dito na nga n’ya inihayag na plano n’yang ipangalan sa mga BFF n’yang celebrities ang kanyang mga magiging alagang manok.

Tapos ‘yong chickens na ‘yon, ipapangalan ko lahat ng chicks,” natatawang lahad ni Angel. “So Bea, may pangalan ka na du’n. Sila Anne [Curtis], sila Angge [Angelica Panganiban]… Lahat ng chicks.”

Natawa naman si Bea sa balak ng kaibigan n’yang aktres. 

Hirit naman ni Bea kay Angel ay kung kelan ba talaga ang magiging kasal nila ng nobyo nitong si Neil. 

Hindi ko pa p’wedeng sabihin first off dito,” natatawang sagot ni Angel. “Pero this year, this year… Alam mo naman… Ay dapat sana alam mo kasi invited ka du’n, ‘di ba?

Congratulations sa new venture mo, Angel.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin responds to military official who red-tagged sister Ella Colmenares

Pika's Pick: Angel Locsin alerts followers regarding fake news about her running for a Senate seat

Angel Locsin and Neil Arce to move November 2020 wedding by “early next year”

Angel Locsin: “Pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sabihin noon mag-rally na sa kalsada.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.