Angel Locsin, nag-sorry matapos dagsain at hindi makontrol ang pila ng mga tao sa kanyang community pantry

PHOTOS: @therealangellocsin on Instagram, @armin6991 & Brgy Holy Spirit PNP via @radyopilipinas1 on Facebook.

PHOTOS: @therealangellocsin on Instagram, @armin6991 & Brgy Holy Spirit PNP via @radyopilipinas1 on Facebook.

Humingi ng paumanhin si Angel Locsin sa publiko at sa mga naabala ng kanyang dinagsang pa-birthday community pantry na itinatag niya sa Brgy. Holy Spirit, Don Antonio Heights sa Quezon City ngayong araw.

Nahirapan kasing kontrolin ng mga otoridad ang pila ng mga taong nagsidagsaan sa venue na nauwi pa reportedly sa pagkamatay ng isang senior citizen na kinilalang si Rolando dela Cruz. 

Sa in-upload niyang Instagram videos ngayong araw, April 23, sinabi ng Kapamilya actress na napaaga ng alas otso ang pagbubukas nila sa community pantry—kahit alas-diyes pa talaga dapat ang schedule nila—dahil nadatnan daw kasi nila mahaba na ang pila ng mga tao alas siyete pa lang ng umaga. 

“Nakita po namin na mahaba na po ‘yong ang pila [ng mga tao] so nagmadali na po kami na mag-load ng mga gulay kasi kinuha pa po namin ‘yon sa bagsakan kaya kanina lang po namin s’ya inimpake,” panimulang salaysay ng aktres. “Dapat ‘yong alas diyes po namin na pagbubukas, nag-open po kami ng mga alas otso, alas otso pasado po.

K’wento pa n’ya, maayos naman daw na nagsimula ang pamimigay nila ng goods pero nagkagulo daw dahil marami umano ang sumingit sa pila. 

Nagsimula naman po kami nang maayos naman po though mahaba talaga ‘yong pila,” lahad ni Angel. “May social distancing po s’ya. Namigay na rin po kami ng p’wede nilang order-an. Pipiliin na lang po nila para mabilis po ‘yong pila. Maayos naman po. May mga stubs naman pong pinamigay. 

“Then, parang…habang ini-interview po ‘yong task force parang ‘yong mga walang pong stubs… [Ito po] ang pagkakak’wento sa akin kasi busy po ako. Nagbibigay po ako ng goods, e...Parang ‘yong mga wala pong stubs yata sumingit sa pila,” pagpapatuloy ng birthday celebrant. “Naintindihan ko naman po kasi kanina pa sila nag-aantay. ‘Yon po ang dahilan kung bakit nagsiksikan pero nagsimula naman po kami na maayos naman po talaga.

‘Yong akin pong ramp kung saan po kami nagbibigay ay may mga markers pa po na nakalagay para ma-observe po talaga ‘yong social distancing at maka-follow po kami ng protocols.”

Nagtulong-tulong na daw ang mga taga-munisipyo, mga barangay tanod, kapulisan, at militar pero nahirapan daw mga itong kontrolin ang mga tao. 

Dagdag pa ng aktres and humanitarian aid worker, hindi daw n’ya ito inasahan at hindi raw ito ang intensyon n’yang mangyari.  

Hindi po ito ang gusto ko,” pahayag n’ya. “Nagsimula po kami nang maayos ang aming layunin pati po ang aming pagpaplano ng social distancing. Nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga ang mga tao na kahit wala sa pila sumingit na po sila.

At sa puntong ito humingi ng tawad ang tinaguring real-life “Darna” ng kanyang mga tagahanga sa mga naabala at sinabing hindi ‘yon ang kanyang intensyon kung bakit s’ya naglunsad ng community pantry.  

Sa mga nagambala ko po dito, pasensya na po. Hindi po ito ang intensyon ko,” lahad pa n’ya sa video. “Ako po ay umakyat na ngayon kasi kinausap ako baka ‘yong iba lang po dito baka nais lang po magpa-picture o naaaliw lang...so, umakyat na po muna ako. Para kahit papano makabawas po sa sikip sa baba. 

Pero sa lahat po nang naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po talaga ito ‘yong intensyon natin,” muling paglilinaw n’ya. “Kahit anong paghahanda naman po natin para ma-avoid ‘yong ganitong gulo hindi lang po talaga s’ya makontrol kahit na nandito na po ‘yong munisipyo, nandito na po ‘yong military, nandito ‘yong pulis, nandito na po ‘yong barangay. Lahat po nandidito na po. Hindi lang po talaga natin makontrol.

Humingi rin s’ya ng pasenya sa mga taong hindi makakakuha ng goods ngayong araw.  

Sa mga hindi po nabigyan, hindi po mabibigyan today, nais ko ring magsabi ng pasensya po,” sey ni Angel. “Gustuhin ko mang mag-abot I don’t think na papayagan po ako ulit na gawin ‘to. Baka po ipahatid na lang namin kung anuman po ang matitirang goods namin sa lugar n’yo dito sa area para mapakinabangan din po ng iba. 

“Again, pasensya po. Pasensya po. Gusto ko lang po i-celebrate ‘tong birthday ko na sana makatulong ako sa mga tao. Hindi ko po intensyon na makagulo. Pasensya na po,” pagtatapos n’ya. 

After one hour ay nagbigay ng update si Angel sa kanyang Instagram video na maayos na uli ang pila ng mga tao. 

Maayos na po ulit ‘yong pila. Nakinig na po ang lahat,” anunsyo n’ya sa video. 

Pinasalamatan din n’ya ang mga otoridad na tumulong para maiayos ang pila ng mga tao at maging ng publiko sa pagpapauna sa pila ng mga senior citizens at iba pang may health conditions.  

Maraming salamat po sa Task Force Disiplina pati sa mga barangay tanod po natin na tumulong po,” lahad n’ya. “Maraming salamat din po sa mga pumayag na paunahin ang mga senior citizens natin though hindi sila dapat nasa labas ngayon. Pero dahil nand’yan na sila, unahin na po natin sila pati ‘yong may [mga] kondisyon.

Dagdag pa ng aktres, “Tatapusin po namin ngayon ‘yong may mga stubs. Though nakahanap po kami ng ilang stubs na pina-[photocopy] po. Binibigyan pa rin naman namin pero bawal po ‘yon. 

Ayon po. Maayos na po. Maayos na po ang sistema doon,” pagtatapos ni Angel, who turned 36 today.

Inspired sa Maginhawa community pantry sa pangunguna ni Patricia Non ang inilunsad ni Angel Locsin. May konsepto ito ng Pinoy bayanihan kung saan p’wedeng mag-donate ng goods ang sinumang gustong magbigay habang p’wede namang kumuha ang kahit sino na walang pambili ng pagkain ngayong panahon ng pandemya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta showers Angel Locsin with praises after her donation to animal rescue group

Ogie Diaz sa mga bashers ni Angel Locsin: “Kung ikamamatay n’yo na ganu’n ang size ni Angel, ipalilibing ko kayo...”

Angel Locsin, ipapangalan sa mga kaibigang sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban ang mga alagang manok

Angel Locsin remains bothered by DepEd’s statement on module body shaming her

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.