Angel Locsin, patuloy na nasasaktan pero patuloy na lalaban para sa ABS-CBN; “slowly healing” na rin daw matapos ang ill-fated community pantry niya

Photos: @therealangellocsin

Photos: @therealangellocsin

Pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa inorganisang community pantry ng Kapamilya actress na si Angel Locsin, matagal din bago muling nag-post o nag-share ang actress ng any update sa kanyang Instagram account. 

Matatandaan na noon mismong kaarawan niya last April 23 ay nagsagawa ng charitable effort ang aktres na kilala sa pagiging matulungin. Ito ang naisip niyang paraan ng pagse-celebrate ng kanyang 36th birthday.

However, hindi inaaasahan ng aktres at kanyang mga kasama na dadagsain ng libo-libong katao ang kanyang community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City, na dahil sa pagsisiksikan ay naging sanhi pa ng pagkamatay ng isang senior citizen.

Agad na humingi ng paumanhin ang tinaguriang “real-life Darna” sa nangyari noong araw din na ’yon. Aniya, hindi niya intensyong maka-abala at gumawa ng gulo sa komunidad.

April 24 pa ang huling post ni Angel na may kinalaman pa rin sa pangyayari. Iyon ay ang pagre-repost niya ng post ng QC Government na humihikayat sa mga nagpuntahan sa community pantry ni Angel na magpa-free swab test, partikular na ang mga nakakaramdam ng Covid-19 symptoms.

Pero ngayong araw, May 6, isang araw matapos gunitain ang ika-isang taon ng pagpapasara sa ABS-CBN ay hindi nakatiis ang aktres na hindi mag-post ng kanyang saloobin.

Katulad ng ibang mga Kapamilya stars, nag-post din si Angel ng kanyang damdamin makalipas ang isang taong pagkawala sa ere ng ABS-CBN. 

Ibinahagi ni Angel sa kanyang IG post ang ilan sa mga pictures at videos na kuha noong gabi ng May 5, 2020, kung kailan sinabing hihinto na sa pagbo-broadcast ang ABS-CBN batay sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na siyang naglabas ng cease and desist order (CDO) para ipahinto ang pagbo-broadcast ng lahat ng TV and radio stations ng ABS-CBN due to “absence of valid Congressional Franchise required by law.” 

May 4, 2020 ang takdang araw ng pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN.

Isa si Angel sa mga artistang naging very vocal noon sa kanyang damdamin at laging kabilang sa mga rally o vigil na may kinalaman sa clamor na mabigyang muli ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Sa caption ng post niya ngayong araw, na isinulat na parang tula, sinabi niyang ang sakit daw na naramdaman niya noon ay hindi pa rin lumilipas. Pero gaya ng karamihan, siya raw ay patuloy pa rin lalaban at hindi susuko.

Aniya: “May 5, 2020 saved pictures on my phone. 

“Isang taon na ang lumipas. 

“Pero ang sakit ay hindi lilipas. 

“Hirap man, 

“pero kailangan pa ring bumangon. 

“Para sa tao. 

“Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso, 

“Patuloy pa rin sa pagbangon. 

“Hindi susuko at patuloy na lumalaban.

“Dahil para sa tao. 

“Laging para sa tao.”

Sa comment section, may isang concerned commenter ang nagpahatid ng mensahe sa actress.  Ayon sa netizen: “Angel, I hope you’re ok. It’s been a traumatizing months.” (sic)

Nag-reply si Angel sa netizen at inaming nahirapan at nasaktan siya sa nangyari sa kanyang birthday community pantry at unti-unti pa lang siyang nakaka-recover.

Ayon kay Angel: “The past few months is hard and I hurt. I’m slowly healing. Salamat po.” (sic)

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin, inako ang pagkukulang sa nangyaring trahedya sa kanyang community pantry

Angel Locsin, nag-sorry matapos dagsain at hindi makontrol ang pila ng mga tao sa kanyang community pantry

Assunta de Rossi’s "hugot" on being a first time mom: "25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood."

Myrtle Sarrosa, nagka-chronic intestinal disease dahil sa sobrang karne at kape

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.