Angeli Khang ginawang pakiki-bonding ang pagpa-plaster ng hiyas ni Quinn Carillo; Sab Aggabao, boycott naman sa plaster

Kung nag-busy sina Angeli Khang (left) at Quinn Carillo (center) sa pagpa-plaster-an, boycott naman si Sab Aggabao (right) sa pagpa-plaster.“ Ako lang ang hindi nagpa-plaster sa aming lahat. Since the first scene until the end, wala akong plaster kasi ayoko talaga,” proud na pag-amin niya.

PHOTOS: VIVAMAX / @itsquinncarillo

Kung nag-busy sina Angeli Khang (left) at Quinn Carillo (center) sa pagpa-plaster-an, boycott naman si Sab Aggabao (right) sa pagpa-plaster.“ Ako lang ang hindi nagpa-plaster sa aming lahat. Since the first scene until the end, wala akong plaster kasi ayoko talaga,” proud na pag-amin niya.

Buong tapang na idineklara ni Direk Jeffrey Hidalgo na his Vivamax film Eva may be the bravest sexy film to date dahil hindi lang daw side note ang sex dito kundi the film is “primarily about sex” or its exploration.

(Yes, Jeffrey Hidalgo ng Smokey Mountain. Mag-move on na po tayo dahil erotic films director na siya. Haha!).

Ang bida na si Angeli Khang—na pa-level-up nang pa-level up ang pagka-daring after each film—si Eva, isang housemaid na mataas ang libido and very curious i-explore ang realm ng sex, especially its not-widely charted side.

Kaya naman sa trailer palang, makikita nang nakipag-threesome siya with Sab Aggabao (of #Pornstar 2) and Marco Gomez (of House Tour).

Si Sab is playing as Eva’s pansexual boss. Ang pansexual ay ’yong mga sinasabing gender-blind. They can have sexual and romatic relationships with any gender dahil deadma nga sila sa gender. Si Marco naman ang houseboy ng kapitbahay na madalas ka-“explore” ni curious Eve.

Sobrang nag-bonding daw sila sa set at nagkapalagayan ng loob kaya by the time na kukuhanan na ang threesome scene, wala na silang inhibition at all. Lalo na si Sab. Maski nga ang bidang si Angeli ay tiklop sa tapang niya.

“Hindi ako nahirapan sa threesome kasi first day palang close na kami sa isa’t isa,” pagkukuwento ng soft-spoken an si Angeli. “Maraming biruan, maraming kulitan, Unang day palang na pagpunta namin sa set, nag-usap na agad, nagpicture-picture lahat...kaya no’ng threesome na, sobrang comfortable nalang namin sa isa’t isa na kahit gusto ni Direk na meron kaming saplot, kami pa ’yong ‘Go lang, Direk, sabihin mo kung ano, okay lang kami, Comfortable kami ditong tatlo.’ Hahaha!”

Pero nakakatuwa si Marco, say naman ng maingay na si Sab. “Kasi bago kunan ’yong threesome, nagpa-alam siya... ‘Mga, ’tol, baka merong hindi p’wedeng hawakan o halikan diyan, ah, sabihin n’yo lang...’”

“Nakakatuwa kasi magaan lahat sa set,” Sab goes on. “Tapos nandoon si Direk para i-guide kami kung ano gagawing choreo kasi baka mamaya may sumilip.”

“E, no’ng time na ’yon, hindi ako naka-plaster,” proud na deklara niya. “Ako lang ang hindi nagpa-plaster sa aming lahat. Since the first scene until the end, wala akong plaster kasi ayoko talaga.”

Bukod kay Sab, may love scene din si Angeli with dancer-turned actress Quinn Carillo (of Silab), who is playing a transman naman pala (not lesbian).

(Well-represented yata ang rainbow flag dito, e).

Thus, we asked Angeli kung kanino siya mas nasarapang ka-love scene, babae o lalaki?

“Merong ibang sarap ang tomboy at meron ding ibang sarap ang lalaki....and doing that scene with Quinn, talagang nakaka-enjoy...”

Pinutol ni Angeli ang sarili dahil natatawa siya habang naaalala niya ang naging bonding nila Quinn off-cam, bago pa man kuhanan ang maselan nilang eksena.

“One time me bonding kami na off-camera, kaka-meet palang namin pero...p’wede bang sabihin ’yon?” nag-aalangan pa ring mag-kwento ni Angeli.
“Basta may bonding kami na it made us very close after no’n, ’yon talagang naka-tatak na sa isipan namin habang-buhay. Hahaha!”

Nagpatulong kami kay Sab na magk’wento but Angeli decided na siya na.

“Ang bonding namin ay mag-plaster sa isa’t isa...hahaha!” pagbibisto ni Angeli sa sarili.

“Sobrang nakakahiya po ’yong part na ’yon,” singit ni Quinn. Kasi nga first time ko mag-gawa ng [sexy] scene tapos sabi ko, ‘Angeli, ano, can I see paano ilagay [ang plaster?’ ‘Ganito...ganito...’

“Tapos no’ng nilalagay ko na, sabi niya, ‘Ako na.’ Tapos, natulala nalang ako, nilalagay na niya, Hahaha!”

“Ang ganda ng bonding n’yo,” natatawang side comment ni Marco Gomez.

“And for Sab, si Sab sobrang all-out,” dagdag ni Angeli. “Talagang hindi na niya kailangan ng plaster and she’s very brave. Hahaha!”

(To the unfamiliar, plastering in sexy movies ay ’yong paglalagay ng leucoplast sa sensitive parts ng aktor/aktres para matakpan ito. May mga artists, gaya ni Sab, na ayaw gumamit noon dahil mahirap at masakit itong tanggalin).

Pero ayan, Eva po at hindi plaster ang title ng pelikula na mapapanood sa Vivamax on Christmas Eve (December 24).

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

 Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.