Halos sabay ang pagso-showing ng pelikula ng CarGel—o ng tambalang Carlo Aquino at Angelica Panganiban—na Exes Baggage at ang pagsisimula ng Playhouse morning drama show ni Angelica sa ABS-CBN.
September 17, 2018 nag-pilot ang show, habang September 26 naman nag-showing ang Exes Baggage na reportedly ay kumita ng more than 300 million.
Pero bago pa man umere ang Playhouse ay nai-announce na madadagdag si Carlo sa cast bilang Dr. Harold na panggulo sa love story nina Angelica at sa Playhouse loveteam niya na si Zanjoe Marudo. Maingay na kasi at that time ang balik-tambalan ng CarGel.
Pero bago pa man ang takdang pagtatapos ng Playhouse, which is now on its last two weeks, nawala na ang character ni Carlo sa show. Kasabay halos ito ng pagguho ng ilusyon ng mga fans nila na magkakabalikan sila in real life.
In fact, hindi lang sa Playhouse nawala sa buhay ni Angelica si Carlo kundi maging in real life. Umabot kasi sa puntong naging kumplikado ang lahat sa pagitan nina Carlo at Angelica off-cam dahil despite sa ipinakita nilang closeness noong promo ng Exes Baggage, ay wala palang balikang naganap dahil Carlos remained committed sa non-showbiz girlfriend nito.
Umani pa ng batikos ang CarGel, at mostly ay directed ito kay Angelica. Naging dahilan ito para umeskapo nalang sa eksena si Angge, palayaw ni Angelica, at in-unfollow pa si Carlo sa socmed.
Pero sa ginanap na media conference para sa nalalapit na pagtatapos ng Playhouse, sinabi naman ni Angelica na malaki ang naitulong ni Carlo sa show, alongside Belle Daza, na ipinares naman kay Zanjoe.
Ayon kay Angelica, aware sila early on na papasok talaga si Carlo sa show pero isang buwang exposure lamang ang unang plano pero humaba na nga nang humaba.
“Actually parang mga second week palang no’ng Playhouse sinabi na sa amin na papasok talaga ’yong…may character [na ipapasok]…ipapasok talaga si Carlo do’n sa show diba?,” panimulang explain ni Angge, “So alam na namin matagal na, so hinihintay na lang din namin ’yong pagpasok niya at ang alam namin maiksi lang talaga ang part niya halos isang buwan lang…cameo role. Tapos na-extend ganyan, tapos pumasok si Belle [Daza] kasi napahaba na rin nang napahaba talaga ’yong show. So, ayon, so I guess nakatulong kasi tumagal ’yong show diba?”
Pero nang tanungin kung nalungkot ba siya sa pagkawala ni Carlo sa show, pinapili ni Angelica ang reporter na nagtatanong kung as Angelica ba ang pagsagot niya or as character niyang si Patty?
Ani reporter ay pareho sana.
“Ang hirap ’yon, dalawa ’yon,” hirit ni Angge.
“Alin ang gusto mong sagutin?” say naman ng nagtatanong.
“As character nalungkot siya no’ng umalis,” paliwanag nii Angge. “Umalis. S’yempre may masaya ba pag may umalis? May umalis bang masaya ka? S’yempre nalungkot si Patty no’n pero okey na siya kasi ang focus niya na kay Robin.”
Si Robin ay ang foster child nila ni Zanjoe sa show na ginaganpanan ni JJ Quilantang.
“As Angelica, ayaw mong sagutin?” muling hirit ng reporter.
“Pinapili mo ako kanina. . . “ pilyang sagot ni Angge. “Oh, sorry mali ka do’n.. Pinali ka na, e, wala na, walang ng chance. . . hahahaha!”
YOU MAY ALSO LIKE:
Watch: Angelica at Zanjoe, na-speechless sa tanong na ito
WATCH: Isabelle Daza, alaskado kay Angelica
Angelica: "Ngayon, may trust sakin ang mga tao."