Angelica Panganiban, nagk’wento ng mga experiences sa mga napuntahang international music fests

“So, kinuwento ko kay John na ang ganda nang nakita ko. So, parang eto nga [Hueniverse], isang start siya para...sana..’Yon naman ’yong ultimate dream...makarating do’n na hindi na kailangan ’yong mga Pinoy hindi na kailangan makapunta ng ibang bansa para lang maka-experience ng ganito. So, ang sarap mangarap na p’wede itong mangyari sa Pilipinas.”

PHOTOS: Melo Balingit

“So, kinuwento ko kay John na ang ganda nang nakita ko. So, parang eto nga [Hueniverse], isang start siya para...sana..’Yon naman ’yong ultimate dream...makarating do’n na hindi na kailangan ’yong mga Pinoy hindi na kailangan makapunta ng ibang bansa para lang maka-experience ng ganito. So, ang sarap mangarap na p’wede itong mangyari sa Pilipinas.”

Matagal nang into music video and concert productions ang Bright Bulbs Production ng pamilyang Prats (John, Camille, and other family members) and they involved their best friends Sam Milby and Angelica Panganiban.

Pero ang paparating na September 28 Hueniverse Music Festival ang biggest project nila, so far.

Ayon kay John Prats, who will be directing the event besides spearheading its mounting, kay Angelica Panganiban sila na-inspire kaya naisipan nilang proyektuhin ito.

Among them, si Angge (palayaw ni Angelica) daw ang pinaka-well travelled. At recently nga ay nahilig itong mag-a-attend ng mga international music festivals like the Fuji Rock in Japan at ang pinaka-huli nga ay ay sikat na Coachella Music fest sa Amerika.

Aware daw silang magka-kaibigan na may mga existing na ring music fests sa Pilipinas pero ang vision nila ay mag-spread lang ng positivity.

Sa media launch kamakailan ng Hueniverse Music Festival na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City, nagkwento si Angelica ng ilang karanasan niya sa three-day Fuji Rock music fest, the largest outdoor music fest in Japan, na ginaganap every last weekends of July annually.

“No’ng nakapunta ako ng Fuji Rock—kasi tatlong araw siyang camping. So, maliligo ka talaga...pipila ka sa liguan. ’Yong banyo mo, common toilet lang din. Walang kuryente. Kapag umulan, basang-basa ka din...”

Pero those elements nga daw are what made the event more exciting for her.

“Hindi siya nakaka...for me, hindi ako napagod or tipong [nasabi kong] hindi ko na uulitin...Mas ginanahan ako na parang, ‘Sana may ganito sa atin.’

“Kasi perfect—lalo na ’yong weather sa PiIipinas—sa mga music festivals na ganyan. Kasi to think doon, may typoon pa. Inuulan kami pero talagang dire-diretso ’yong show. Isang bundok ’yon ha, hindi namin naikot in three days.”

Buong excitement daw niyang naikwento lahat ito kay John. 

“So, kinuwento ko kay John na ang ganda nang nakita ko,” patuloy ni Angge. “May mga 15 [concert] stages na nandoon...so, parang eto nga [Hueniverse], isang start siya para...sana..’Yon naman ’yong ultimate dream...makarating do’n na hindi na kailangan ’yong mga Pinoy hindi na kailangan makapunta ng ibang bansa para lang maka-experience ng ganito. So, ang sarap mangarap na p’wede itong mangyari sa Pilipinas.”

And that, more or less, gave birth to the Hueniverse Music Festival na mangyayari on September 28 at the Filinvest City Events Grounds in Muntinlupa. At gaya sa Fuji Rock, rain or shine ay tuloy na tuloy daw ang event.

Artists line up include: Claudia Barretto, Mark Oblea, Bita and the Botflies, The Ranson Collective, Agsunta, Autotelic, Allmo$t, Sponge Cola, and DJs Katsy Lee, Tom Taus, Jennifer Lee, Ron Poe, and BORGEOUS.

Visit their socmed accounts for more details, updates, and inquiries.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.