Angeline Quinto gives birth to Baby Sylvio

Kasunod ng "Ready to pop!" IG post n'ya kahapon ay isinilang na ni Angeline Quinto ang first baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.  “10:22 p.m., 27 April 2022…HELLO, Baby SYLVIO!” maikling caption ni Angge sa kanyang IG Story kagabi.

PHOTOS: @loveangelinequinto on Instagram

Kasunod ng "Ready to pop!" IG post n'ya kahapon ay isinilang na ni Angeline Quinto ang first baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. “10:22 p.m., 27 April 2022…HELLO, Baby SYLVIO!” maikling caption ni Angge sa kanyang IG Story kagabi.

Isa nang ganap na ina ang singer-actress na si Angeline Quinto matapos n’yang isilang kagabi, April 27, ang baby boy nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. 

Kahapon lang, April 27, ipinakita ng Kapamilya singer sa Instagram ang kanyang tummy at sinabi n’yang “Ready to pop!” na ang baby n’ya.

Ikina-excite pa ng kanyang mga fans and celebrity friends gaya nina KZ Tandingan, Bugoy Drilon, Melai Cantiveros, Jona, and more ang nalalapit n’yang panganganak. Nagpa-abot ang mga ito ng suporta at well-wishes sa kanya sa comment section.

At kagabi, nag-update si Angge sa kanyang Instagram Story na isinilang na n’ya ang kanyang Baby No. 1

“10:22 p.m., 27 April 2022…HELLO, Baby SYLVIO!” maikling caption ni Angge sa kanyang IG Story.

SCREENSHOT: @loveangelinequinto on Instagram

Ngayong umaga naman, April 28, ipinost ni Angeline sa IG Story n’ya ang photo ng kanyang nobyo na na-“love at first sight” sa newest bundle of joy nila.

SCREENSHOT: @loveangelinequinto on Instagram

Matatandan na unang kinumpirma ng singer na buntis s’ya sa naging interview sa kanya ng TV host na si Boy Abunda noong December 2021.

Excited noon si Angeline sa bagong kabanatang ito ng kanyang buhay at tinitiyak n’ya umano na s’ya ay magiging mabuting nanay. 

Congrats, Angge!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angeline Quinto, limang buwan nang ipinagbubuntis ang kanyang baby boy

Angeline Quinto, sinagot ang pangunguwestiyon ng isang Netizen kung bakit siya naka-akyat sa andas ng Poong Nazareno

Vice Ganda, nagpa-gender reveal party for Angeline Quinto and it’s a boy!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.